"'Di ako naniniwalang sikat 'yan," Athena countered. His face didn't even react as if it was a plain canvas.
"How do you say so, aber?"
"Eh 'di sana kilala ko siya kung sikat nga talaga," katwiran pa ni Athena.
Clarice raised her eyebrows at Athena's answer. "Eh paano mo makikilala kung araw-araw nasa pagtitinda at pagdo-doble kayod ang atensiyon mo. Ni wala ka ngang oras para sa sarili mo."
Athena froze after hearing that from Clarice. Her mouth opened to speak, but she couldn't seem to find the right words to answer Clarice, so she just closed her mouth again.
"Sabihin mo nga sa akin, kailan ka huling namasyal? Kailan ka huling may binili para sa sarili mo kahit isang piraso'ng damit? Kailan ka huling bumili kahit lipstick man lang? Tignan mo nga sarili mo kahit necklace o earrings wala ka."
Sunod-sunod na napailing si Athena. Kahit isa man lang sa mga iyon ay hindi niya na alam kung kailan niya huling nagawa o nabili ang mga bagay na iyon.
Ang mga salitang binitawan ni Clarice ay nagpagising kay Athena sa katotohanan na tila sinampal ito sa kaniya.
Hindi maiwasan ni Athena ang masaktan sa mga sandaling ito. Bumalik sa isipan niya ang mga binuo niyang pangarap simula pagkabata.
Since their lives have been a shambles, since tragedy after tragedy has befallen them, and since their father abandoned them, even the simple dreams she had built since childhood have been buried in oblivion and no longer hoped to achieve it.
For Athena, dreaming is only for those who have a good state in life. She knows that we can have all the dreams we like and wants, but life is hard, implacable, and too unfair to achieve even just a simple dream.
"Kailangan pa ba 'yon?" tanong ni Athena pagkalipas ng ilang minutong katahimikan, "mas marami pang importanteng bagay ang kailangan kong unahin, at sa ngayon ay hindi ko na prayoridad ang sarili kong kasiyahan."
Napansin ni Clarice ang mapait na pag-ngiti ni Athena.
"Kahit na, Athena. Walang masama na kahit paminsan-minsan ay bilhan mo ang sarili mo nang mga bagay na gusto mo o kahit gawin man lang ang mga bagay na magpapasaya sa 'yo. Kahit minsan kailangan mo rin unahin ang sarili mo."
"Alam mo kung ano ang tunay na magpapasaya sa akin? Ang makatapos si Faye. 'Yon ang ikasasaya ko, Clarice. Kapag napagtapos ko siya sa pag-aaral niya, parang nakuha ko na rin ang gusto ko."
"Iba naman 'yon, Athena. Wala ka man lang bang pangarap para sa sarili mo? Tinanong mo man lang ba ang sarili mo kung anong gusto mo? Ibang-iba ka na sa dating ikaw, Athena. Sa nakikita ko sa 'yo ngayon ay isang Athena na walang pangarap sa buhay. 'Yong Athena na parang walang direksyon-"
"I will never be that me again," Clarice did not finish what she was saying after Athena spoke.
Kasabay ng mga salitang 'yon ang pagpatak ng mga luha ni Athena na kanina pa nagbabadya. Hindi niya nakayanang pigilan ang sarili na mapaluha dahil sa bigat ng kaniyang dibdib.
Sa tuwing binabalikan ang nakaraan ay tila muling nagiging sariwa ang mga sugat na iniwan nito. "When I look back on my life that I had before. I see pain, mistakes, and heartache, Clarice."
Mabilis na niyakap ni Clarice ang kaibigan. She couldn't bear to see her friend like this. She kept on regretting what she had said here a while ago.
BINABASA MO ANG
Countless Nights with the Mayor (Completed)
General FictionR-18 | COMPLETED Ernest Joaquin Sarmiento x Nesca Athena Cunanan Started: 10/04/2022 Finished: 02/03/2023