Oh, bakit ka nandito?! Sure ka bang nagsimula sa ka prologue kaya ka nakaabot ka dito sa epilogue? Well, alam ko naman na may trust issues ka pero ’wag kang pasaway, oki? Magsimula ka muna sa prologue, hija! Akala mo ha. Shoo, shoo, alis na! Balik ka na!
Oh, kita mo hindi pa rin umaalis oh. Uunahin talaga munang basahin ’yong ending oh. Ay, aba naman! Apakagaling! Isa pa, shoo, shoo! Balik ka na sa umpisa!
— Nagmamahal,
Wala. Walang may nagmamahal sa ’yo.Charot, ako ’to, the flopped writer in the hauz,
Senyoratat— EPILOGUE —
The setting sun was a perfect way to end the exhausting day. Its fading warmth sent comfort to my longing skin. The view of people walking down the street, students enjoying while eating street foods with their friends and couples peacefully spending time with the company of each other, made me realize how ending can be sometimes beautiful too.
Sa ilang sandali lamang ay sasapit na naman ang panibagong gabi ng Hulyo. Habang mabilis ang pag- andar ng aking motorsiklo ay malayang isinasayaw ng mabining hangin ang aking mahaba at kulot na buhok. Muli kong naalala ang dahilan ng aking pagmamadali.
Palabas ako ng bahay kanina para sana bumili ng ulam namin sa hapunan nang saktong pagbukas ko ng gate ay kaagad akong sinalubong ng hinahapong si Jeth, ang bestfriend ng kapatid kong si Liam. At base sa kaniyang nininerbyos na ekspresyon, mukhang balot ng pawis, sunod- sunod na paghabol ng hininga, at ang bakas ng pasa sa gilid ng kaniyang putok na labi, mukhang alam ko na kung ano ang kaniyang sasabihin at isa lang ang sure ako. May mapipikot akong tainga ng isang pasaway ngayong gabi.
“Oh, Jeth, bakit ikaw lang mag- isa? Saang lupalop na naman nakipagbasag- ulo ang magaling kong kapatid?” usisa ko.
“Ate, may naagrabyado na aroganteng lalaki si Liam kanina no’ng pauwi na kami galing sa school. Nagkainitan sila at nauwi sa suntukan. Ate, sinubukan naming manlaban kaso masyado silang malakas! Kinaladkad nila si Liam. Hindi ko alam kung papaano nila nalamang miyembro kami ng Risum. Tapos gusto ng lalaki na ang mismong leader ang pumunta sa kanila. Ate, tulungan mo si Liam nasa panganib ang buhay niya!” Kabadong salaysay ni Jeth.
Bumuntong- hininga ako bago tumango. “Sige, ako na ang bahala. Sa ngayon, umuwi ka na muna sa inyo. Gamutin mo ’yang sugat mo. Balitaan na lang kita kapag nakabalik na kami,” utos ko bago mabilis na tumungo papuntang garahe at kaagad na pinaharurot ang itim kong motorsiklo.
Kaya heto ako ngayon, halos paliparin ang aking motor patungo sa address na binigay sa akin ni Jeth. Halos kabisado ko na ang mga lugar at pasikot- sikot na eskinita rito sa syudad namin at kung dati hindi pamilyar sa akin ang lugar na nasa papel, ngayon ay alam na alam ko na kung nasaan ito. Ipinilig ko ang aking ulo. Kailangan kong bilisan para matapos kaagad. Nagugutom na kasi ako.
I know it’s kinda deja vu to what exactly happened five years ago but I diregarded the thought because my brother’s life was surely in danger.
Nang marating ko ang address, agad kong pinatay ang makina ng aking motor at ibinulsa ang susi sa suot kong high waisted jeans. Buti na lang this time, nakabihis na ako hindi gaya ng dati. May pupuntahan kasi kami ni Kino pagkatapos ng hapunan kaya nagbihis na ako bago kumain kasi sabi niya, bawal daw akong ma- late.
Naiinis ako dahil nasira ang pinaghirapan kong ayos ng aking buhok. Halos dalawang oras pa naman bago ko ’to natapos. Humanda talaga sa ’kin mamaya ’yang si Liam. Makakatikim siya sa ’kin ng creamy sermon!
Maingat kong tinulak pabukas ang kinakalawang nang pinto. Inihakbang ko ang aking kanang paa para maipasok ang kalahati ng aking katawan at ang kalahati ay nanatiling nasa labas upang makapaghanda sa posibleng pagsalakay na hindi ko inaasahan anumang oras. Sinipat ko nang maigi ang madilim na kabuuan ng building. May naramdaman akong nakakubli sa likod ng dalawang malaking haligi na siyang daraanan ko papasok at may isa namang nakaabang sa bandang kanan kung sakaling doon ako dadaan.
YOU ARE READING
Entangled With You
De TodoCentury of years ago, the war between angels and demons had arisen. In a majestic palace of Heavenly Realm, Cyfrin, the Goddess of Love was entrusted by the Supreme Creator to protect the Kardia Temple where the Red Strings of Fate was located. Duri...