Wakas

215 7 34
                                    

Trigger Warning: Mention of Rape, Self-harm, Suicide, and Trauma.

Wakas.

"I said, he's not yours! I was raped."

Para akong nabingi nang marinig iyon sa kaniya. Hindi maproseso ng utak ko, hindi ko matanggap. Hindi ko kayang tanggapin ang sinabi niya.

Umiiyak siya habang nakatingin sa aking mga mata. Kilala ko siya, kabisado ko siya kaya kitang-kita ko sa mga mata niya ang sakit at hirap na sabihin sa akin ang nangyari sa kaniya. Nanghihina ako.

Putangina! Gusto kong isisi sa lahat ang nangyari sa kaniya. How could they do this to her?

Kaya ba takot na takot siya noong hinawakan ko siya noon? Kaya ba tumitili at mabilis siyang magulat sa tuwing may lalapit sa kaniya? Kaya ba siya umalis? Kaya niya ba ako iniwan?

Ano? Tangina!

Ito ba ang sagot na hinihintay ko? Ang tagal kong gustong marinig sa kaniya ang paliwanag niya kung bakit takot na takot siya sa akin noon pero ang marinig ito sa kaniya... Hindi ko yata kaya.

I witnessed her being brave, being strong. She'll do whatever she wants, whatever she likes to do. She doesn't know that her being passionate about something will make someone fall in love with her. Hindi niya alam 'yon because she doesn't care about everyone, she only loves herself.

"Carlo, this is your Tita Via, she's my highschool best friend," pakilala sa akin ni Mama sa isang morenang babae na nakasuot ng mahabang puting bestida.

She smiled at me.

"Your second born, right?" Tanong niya kay Mama.

"Yes. My first born is already in Manila. Susunod na si Carlo roon pagka-graduate ng senior high school," sagot ni Mama.

Naagaw ng tingin ko ang isang batang babae na pababa ng hagdan. She's in her floral blue dress. May kulay asul siyang headband na may malaking bulaklak sa gilid. Hawak niya ang isang sketchpad. Wala siyang pakialam sa amin, ni hindi siya tumingin kay Mama. Basta na lang siyang dumiretso kay Tita Via at kinalabit ito.

"Mommy, I want this design for my 11th birthday," sabi niya sabay pakita ng kaniyang sketchpad.

Kinuha iyon ni Tita Via at bahagyang kumunot pa ang noo. "Hija, you're too young to wear clothes like this."

"But, Mommy!" Giit niya. "I like it! I designed it. I saw girls younger than me wear gowns even more revealing than this."

"Hija..." Bumuntong-hininga si Tita Via.

The girl just rolled her eyes and left us. How can a girl her age be rude? Ni hindi man lang kami binati.

Ano bang klaseng damit ang dinisenyo niya? Hindi ba pwedeng pagbigyan para hindi magtampo?

"God! I'm sorry. My Reisha is really that brat," sabi niya sa amin. "Her Kuya Vlad spoiled her a lot that even her father can't tame her."

Mahinang tumawa si Mama. "Bata pa naman siya, Via. Darating din ang araw na magma-mature siya. Si Charlynn ko ay ganiyan din sa kaniya."

Nagkwentuhan sina Mama at Tita Via kaya malaya akong nakapag-ikot sa malawak nilang bahay. Our house in Pontevedra is way bigger than this pero masyadong modern itong sa kanila. Tila palasyo na nakatirik sa gitna ng Cebu.

I saw the girl, Reisha, seating on the patio. May iilang tinapay sa harap niya at Mango juice. She was busy with her sketchpad that she didn't notice my presence... O talagang wala siyang pakialam.

Why Do You Love Me (Pontevedra Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon