CHAPTER 4: INFORMATION.
Kurt's POV.
I woke up early dahil kailangan ko pag-isipan yung gagawin ko. Gulat pa rin ako hanggang ngayon because of what that girl did to me. I never thought she would do that thing. Kung iisipin niyo naman kase ang gandang babae pero ang lakas sumipa. Yung ibang babae kaseng maganda na nakilala ko malakas lang sa pag-ungol. I didn't expect to meet that kind of girl. Siguro lumaki yung babae na 'yon sa isang isla kung saan puro amazona.
Matapos kong ayusin ang sarili ko ay bumaba na ako para kumain ng agahan. Kaso nagulat ako dahil may nakita akong lalaki. What is he doing here? Pero badtrip bakit parang ang gwapo yata nito. Teka, ano ba tong sinasabi ko, nababading na ba ko?
Naglakad ako para lapitan yung lalaki. Hindi naman yata pwede yan. Papasok na lang siya sa bahay namin ng walang paalam. Saka paano siyang nakapasok, tatlo ang guard namin sa labas.
Hindi pa ako gaanong nakakalapit sa lalaki ng mabunggo ko ang salamin. Noon lang ako natauhan na sarili ko pala yung nakikita ko. Napailing na lang ako dahil wala naman akong magagawa. Kailangan kong tanggapin kung ano ang ibinigay sa'kin.
Dumiretso na ako sa kusina para kumain ng agahan. Naabutan ko pa ang kapatid ko na nag-aagahan na rin.
"Wait..Wait..Wait. Where are you going my poging-poging kapatid? Hindi ba't wala ka namang pasok?" bati sa'kin ni Ate Dizzel. Older sister ko siya. Pang-lima sa aming magkakapatid. Kaming dalawa ang magkasundo dahil kami lang palagi ang magkasama.
"Ate, huwag mo na ulit-ulitin yung pogi, naririndi rin kase ako. Alam ko naman na pogi ako at hindi niyo na dapat ipaalala pa." sagot ko naman.
"Alam mo kung saan sumobra sila Dad sa paggawa sayo?"
"Saan?" tanong ko.
"Sa hangin, ang aga-aga mo mag-yabang, matanong ko lang yung bagong school mo. Kamusta? saka ba't ka nga pala nagpunta sa hospital kahapon? May sakit ka ba?" tanong niya naman.
"Wala nagpacheck up lang." sagot ko naman sa kanya. Hindi niya pwede malaman kung ano nangyari sa school kahapon. Sigurado ako na-isusumbong niya ako kay Dad.
"Nagpacheck-up? Ano namang ipapacheck mo?" nagtatakang tanong niya.
"Yung kagwapuhan ko, sumosobra na kase yata." humble kong sagot. Ganyan ako maging humble.
"Kumain ka na lang, gutom lang yan." sabi niya naman at itinuloy na ang pagkain niya.
Pagkatapos kong kumain ay dumiretso na ako sa garage para kunin ang astigin kong sasakyan. Ferrari syempre, regalo pa 'to sakin ni Daddy nung nag-birthday ako.
******
- SCHOOL FIELD -
Ilang minuto na rin akong nag-hihintay na dumaan yung dalawang kaibigan ni Amazona Girl dito. I just want to know what qualities of the man she wants. Kung tutuusin naman lahat ng magagandang qualities ay nasa akin. Saka gusto ko rin malaman kung bakit gano'n siya kataray.
Ayo'ko naman talagang gawin 'to dahil masasayang lang ang oras ko. Pero hindi ko pedeng palampasin yung ginawa niya sa alaga ko. Nagawa ko pang magpunta sa doctor ko dahil sa ginawa niya. Nagpapasalamat naman ako dahil wala naman nangyare sa alaga ko. Kapag may nangyaring masama do'n kawawa ako. Paano dadami ang lahi ko.
BINABASA MO ANG
Casanova In Disguise
Short StoryHighest Rank No.1 in #bes Paano mo iimaginin ang buhay na masaya kung araw-araw badtrip ka? Kakayanin mo ba mahalin ang isang tao na kinamumuhian mo? Paano kung hindi mo na siya kilala?