Isaiah
*Welcome to the United States of America*
“Hi, good afternoon! can i check your passport please?!”
Sabi sa akin ng babae na american na nasa window checker.
Binigay ko naman ang passport ko sa kaniya. kinuha niya iyon at chineck, after niya i check ay binigay niya kaagad iyon sa akin.
“Thank you!”
Masayang sabi niya sa akin. tumango ako sa kaniya at masaya akong naglakad palayo sa window checker at nagtungo sa luggage monitor para i check doon ang luggage ko.
Nung nanduon na ako ay pinasok ko ang bag ko sa machine para ma check ang luggage ko. naghintay ako sa waiting area kung saan nanduon din ang mga taong nag hihintay na dumaan sa harapan nila ang luggage nila para kunin iyon at makaalis na.
Waiting ako ng ilang minuto at nakita ko na ang luggage ko, hinintay ko dumaan ito sa harapan ko at saka ko na iyon kinuha paibaba sa machine sabay hila nito at naglakad na ako palayo sa waiting area na iyon.
Naglakad ako papunta sa exit way ng airport sinisipat ng buong mata ko ang bawat paligid ko baka makita ko ang amo ko na si Sir. Ace Clinton.
Habang naglalakad ako malapit sa exit way ay nakita ko na ang mga taong naghihintay sa mga kagaya ko na kabababa palang ng eroplanong sinakyan ko.
Naagaw ng atensyon ko ang Isang lalaki na maputi at may hawak na banner.
*Mr. Isaiah Estanislao, i'm your boss!*
Nabasa ko ang nakasulat sa banner na puti na hawak niya. agad naman akong lumapit sa kaniya.
“Uhm... hello, Sir! I'm Isaiah Estanislao, from Philippines. I just got off the plane from Germany. are you my new boss?”
Tanong ko sa kaniya.
Ngumiti ito sa akin sabay tinupi ang banner.
“Yeah! I'm your new boss, my name is Mr. Ace Clinton, nice to meet you. Mr. Isaiah Estanislao.”
Sabi niya sa akin sabay nilahad ang kamay niya sa akin at binigay ko naman ang kamay ko sa kaniya para makipag shake hands sa kaniya pero nabigla ako at nakapag pigil hininga nung hinalikan niya ang likod ng palad ko ng kanang kamay ko.
Nakatingin ako sa kaniya habang ganun ang ayos ko na sobrang bigla o gulat at pigil ang hininga. habang siya naman ay may kung ano sa mga mata niya na parang malagkit ang mga tingin niya sa akin.
Para akong na istatwa ng mga Oras na iyon sa ginawa niya. bigla akong nakaramdam ng kaba sa kaniya pero ayoko naman magduda sa pagkatao niya dahil hindi ko pa kilala siya ng lubusan bilang bagong amo ko.
“Let's go home! my wife and my son are waiting for you.”
Sabi niya sa akin. sa halip na hawakan hindi niya ako hahawakan ay naramdaman ko na lang na hinawakan niya ako sa balakang ko sa kanan. nailang ako sa kaniya kaya nag panggap ako na aayusin ko muna ang sintas ng sapatos ko at ang luggage ko.
“What's wrong? what's the problem?”
Tanong niya sa akin.
BINABASA MO ANG
THE MISTRESS (Transgender) (Revenge)
RomanceGraduate ng Caregiver si Isaiah sa Isang kilalang training center, hindi na niya natapos ang kaniyang pag ko-kolehiyo dahil gusto na niyang tumulong sa kaniyang Ina na single parent. may dalawa siyang kapatid na nakakabatang babae. kinuha siyang ca...