Okay lang ako wag kana pumuntaNapasako ako sa noo ko kakatapos ko lang makipag usap kay jm sa phone, gusto niyang pumunta pero sinabihan ko siya na wag na pumunta hindi ko alam kung anong nangyayare sa'kin
"Shit" napamura ako habang naaalala ang mga nangyare kanina hindi ko alam kung paano ako nakaalis at nakauwi dito sa condo unit ko naalala ko lang umalis na'ko at iniwan si raven
Napasabunot ako sa ulo habang nakahiga sa kama "Bakit lagi pumapasok sa isip ko si raven?.
Umuling ako para mawala ang mga pumapasok sa isip ko pinilit kong ipikit ang mga mata ko pero hindi ako makatulog kaya umupo ako sa kama at kinuha ang cellphone ko binuksan ko ang Instagram ko nanlaki ang mata ko ng makita kung sino ang nag-chat
ravenblack: see you tomorrow
Bigla akong kinabahan hindi ko alam pero naiinis ako sa sarili ko bakit pakiramdam ko natutuwa ang puso ko?, kailangan ko na atang magpa-check up hindi ako nag reply at wala akong balaka na kausapin siya. Pinikit ko na lang ang mga mata ko at hindi ko namalayan nakatulog na pala ako.
""""
Napasinghap ako nang maalala na first day ko pala sa work ko dali dali akong nagtungo sa cr at naligo. Pagkatapos ko mag ayos lumabas na'ko ng condo ko hindi na'ko kumain ng breakfast siguro don na lang
Nag taxi na'ko para mabilis akong makarating ..Pagkarating ko pumasok na'ko sa kumpanya kumunot ako noo ko nang biglang lumapit sa'kin yung babaeng kahapon yung tumawag sa'kin
"Good morning Ms Briones" ngumiti siya sa'kin pero halatang pilit sinabihan niya akong sumunod sa kanya
Kumunot ang noo ko nang makita ang tambak nang mga papers sa desk ko para kaming nasa call center may katabi akong babae tumingin ako sa kanyan kaya napalingon siya sa'kin ngumiti siya sa'kin pero agad din niyang binaling ang tingin niya sa kanyang computer at mabilis na nag ta-type doon nagsimula na din ako hindi naman akong nahihirap dahil alam ko na ang gagawin ko dati na din kase ako nag trabaho sa kumpanya nang daddy ko umalis lang ako don dahil feeling ko ako ang boss don gusto ko kase yung nag ta-trabaho ako.
"Ms Briones"
Inangat ko ang tingin ko nang tawagin ako nong babaeng kanina hindi ko pa din alam kung anong pangalan niya nahihiya akong mag tanong mukang ayaw niya sa'kin
"Pinapatawag ka ng CEO" inirapan niya ako at umalis napailing na lang ako at tumayo
Habang naglalakad ako tumingin tingin ako sa paligid nadaanan ko yung mga ibang team
,pinagtitinginan pako kaya kumunot ang noo ko at sinabing may dumi bako sa mukha? Kinapa kapa ko pa ang mukha ko at kumuha ng salamin.Bali sunod sunod kase dito at kami ang pinaka mababang team saglit akong napahinto sa legal team mukang busy silang lahat
Huminga muna ako ng malalim bago pumasok sa office ng CEO
Pagpasok ko agad kong nakita ang lalaking naka upo sa swivel chair nakatalikod siya habang pinaglalaroan ang hawak niyang ballpen
Tumingin ako sa paligid malaki ang office ano pa bang inaasahan ko CEO siya, mayroon siyang sala at ang ganda ng paligid.
Classic pa ang design bonga huh sana all..Tumikhim ako para iparamdam ang presenya ko agad din naman siyang humarap sa'kin
Nagkasalubong ang dalawang kilay ko at gusto ko na lang tumakbo paalis nang makita ang lalaking iniiwasan ko
Lintik naman oo wag mong sabihing siya ang CEO napakurap kurap nalang ako.Pinakalma ko ang sarili ko kinagat ko din ang ibabang labi ko para hindi magsalita nang kung ano,
"Are you just gonna stand there and watch me?"
napairap ako kanina pa pala ako nakatayo. Sinensyahan niya akong umupo kaya yun ang ginawa ko
"Ano bang kailangan mo?" inis ko siyang tinignan
"Ikaw" agad na sagot niya
Napapikit ako bago tumayo at umalis narinig ko ang pagtawag niya sa pangalan ko pero hindi na'ko lumingon at tuloy tuloy lang ako naglakad palabas.
"Are you okay?"
Napatingin ako kay jm nandito kami ngayon kumakain lunch break kase at kasama ko siya. Ngumiti ako at tumango nahalata ata niya na parang malalim ang iniisip ko.
Kakain na sana ako nang naramdaman kong parang may nakatingin sa'kin kaya agad akong lumingon sa gilid ko
Nagulat ako sa aking nakita halos masamid ako kahit wala naman akong iniinom. Agad ako nag iwas ng tingin ng makita ko ang mga mata niya na punong puno yon ng sakit.
Pero diko pwedeng ipahalata dahil kaharap ko ang nobyo ko.
Oo tama , tama siya dapat ang bigyan ko ng pansin dahil siya naman ang boyfriend ko , pangungumbinsi ko sa sarili ko
Pero ligwak naman oo ,diko talaga maiwasan at kusang napapatingin sa kanya .Nagulat nalang ako ng may humawak sa kamay ko , si jm pala .
Are you ok honey?
Huh?
Napailing si JM at pinagpatuloy ang pagkain niya.
Napapahiya nalang akong tumungo at kumain sabay sabing Im sorry pagod lang ako ..I know kaya kumain kana jan at para makapasok kana sa trabaho mo.
Alam kong may iba pa siyang gustong sabihin pero nanahimik nalang siya tumingin pa sya sa part na pinaggalingan ni ravenAno ba frem, kasi umayo ka naman pangungumbinsi ko sa sarili ko.
Bwisit!!!
Itutuloy...
YOU ARE READING
LOVE ME MORE
RomansaWhat are things you can do while waiting for someone you love who loves you back, but you both can not be together yet? How can you keep that love alive while waiting for the moment?