First Meet

6 1 0
                                    


/phone rings/

"Ayi gisiiiiiiing!"

Dinilat ko isa kong mata para i-check sa phone kung anong oras na ba para istorbohin ako ng kumag na 'to. Tangina? Ang aga-agang bulabog! At nag 10 missed calls pa?!

"Tangina Marco siguraduhin mo lang may katuturan yang lalabas sa bibig mo't kinailangang gisingin mo pa 'ko." Iritable kong sagot sa kanya habang nakapikit pa rin.

"Punta ka rito mamaya ebeb, magpapa-inom ako kasi may pinsan akong magbabakasyon dito samin! Wawalang hiyain natin!"

Aba't proud pa ang loko. Kung ako lang pinsan neto, maghahanap na lang ako bagong pinsan.

Pero dahil may inumang na-mention, syempre palag tayo. Mabuti naman pala't may silbe nga talaga paggising sakin neto.

"Sige g, pero ikaw na lang wawalang hiyain ko ebeb." Pabiro kong sabi habang nabangon sa pagkakahiga. Hindi naman halatang na-excite ako diba?

"Hmp! Sige na kumilos ka na!" Sabay baba nya ng tawag. Ang kapal talaga ng mukha.

Anyway, I am Ayi. 18 and grade 12 student. Yung tumawag sakin, si Marco, 19 at freshman sa college. Nagtataka siguro kayo pano ko sya naging tropa? Well, through common friend lang at naging close lang kami kasi...hindi ko na rin maalala bakit.

Siguro isa na rin sa reasons yung parehas kami mahilig uminom kaya kapag busy ang mga tropa sa college at shs life, kami lang nakakapag-inuman dalawa kapag nahahayok sa alak.

Hilig ko uminom hindi dahil sa hinahanap-hanap ko yung lasa ng alak. Maliban sa dahil may chance na may makainuman akong type ko, ito lang kasi yung attainable way para makapag-unwind.

Kumilos na rin ako't bumaba para kumain. Alas siete na rin at 9 ang pasok ko. Kahit papano rin pala't may mabuting dulot maagang paggising ni Marco sakin. Alam din kasi nya kung gano ako kasarap matulog madalas to the point na kahit sa alarm, hindi ako nagigising.

Ganito lang buhay ko,

Bahay, school.
School, bahay, tutor, bahay.
Scroll, browse, nood, tulog.

Pag may landi, minsan nasisingit sya sa gitna ng pagbrowse at pagnood. E kaso iwas din ako lumandi dahil mabilis ako ma-attach. Wala pa 'kong maraming pera para magpainom kapag nabroken hearted ako.

Kaya ayon, kapag may mga inuman o kahit anong ganap, talagang gagawan ko ng paraan para masingit dahil ganito talaga kaboring buhay ko. But mind you, kuntento naman ako. Minsan lang nakakaumay yung same routine araw-araw.

--

<You've got a message from Marco Gonzales>
<Marco: Add mo si kuya, ebeb. Sya yung pinsan kong tatarantaduhin natin mamaya ;) I-close mo at wag mong susungitan! Search mo lang Brian Gonzales, yung dp nya nakapose na takip sa tite yung dalawang kamay. Sunduin kita ebeb! 5:30 sharp! See you!>

Loko talaga. Kapapasok ko lang ng room nang ma-receive ko 'tong chat ni Marco. Nakakairita kasi nahahawa na sya sakin sa pagiging palautos.

Out of curiosity, chineck ko yung profile ng kuyang pinsan nya.

Natawa ako konti kasi nung makita ko yung profile, e parang mas mukha pang kuya si Marco kesa rito sa Brian. Ang baby face kasi, ang sarap tuloy gawing baby. Mukhang magpinsan nga rin talaga sila, hindi sa nagduda ako pero slight.

In fairness din, type ko. Ang yummy ng datingan. Mukha ring ang sarap magpa-headlock sa biceps. Chos kalahati.

Pero parang type ko rin syang sabunutan sa patilya. Naka-private account kasi, hindi ko man lang ma-stalk.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 18, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Since '20Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon