I'VE NEVER BEEN IN LOVE.. *EPILOGUE*

2.7K 71 24
                                    

EPILOGUE

***BRIDGETTE’S POV***

Simula ng tumira kami dito sa States, naging grabe ang pagdurusa ko sa piling ni Dylan.. Kahit kelan hindi nya ako itinatratong asawa.. Magkaiba rin kami ng kwarto.. Dadating sya sa madaling-araw na lasing at palagi nya akong ipinagtatabuyan kapag tinutulungan o inaalagaan ko sya..

Kahit sa gabi kapag natutulog sya, pupuntahan ko sya dun at saka lihim na hahalikan.. Kapag tulog lang sya saka ko nagagawa ang halikan at haplusin ang mukha nya..

Bakit ko nga ba  minahal ang isang Dylan Montillano?

Simula kasi nung elementary ako crush ko na sya.. Schoolmates kami.. I always noticed him pero hindi nya alam na nag-eexist ako sa mundong ‘to..

But one day napansin nya ako ng madapa ako sa harap ng maraming tao.. Flag ceremony nun, kaya maraming estudyante ang tumawa sa kahihiyang yon but then he came to rescue me.. Inalalayan nya ako sa pagtayo at saka pinunasan ang mga luha ko.. Ang saya ko ng araw na yon kasi nagkakilala kami, he even treat me an ice cream nung snack time namin.. Kailangan ko lang palang mapahiya para malaman nyang I do exists. We beacame friends. Ako na ata ang pinakamasayang bata noon..

Days passed pero hindi ko na sya nakita, nagtransfer na pala sya sa ibang school.. Wala na akong nagawa para hanapin ang childhood crush ko..

High school ako ng makita ko sya.. Hindi ako pwedeng magkamali, sya talaga yon.. Kaso hindi na nya ako naaalala.. Simula pa lang nung bata ako minahal ko na sya..

One-sided.

Ang hirap pala nun.. Akala ko magiging masaya ako kapag naikasal ako sa kanya.. Kaso hindi eh, pareho lang kaming nagdurusa.. Naging makasarili ako masyado.. Inisip ko na mamumuhay kami ng masaya after naming ikasal but then I’m wrong.. May mahal kasi syang iba kaya di namin magawang maging masaya sa piling ng isa’t-isa.. Inagaw ko sya sa babaeng mahal nya at mahal sya. Ngayon ko lang naisip, pano ako mananalo sa bagay na ‘to kung una pa lang talo na ako at wala ng pag-asa.. Nagsisisi ako sa ginawa ko sa kanila.. Ilang taon ko silang pinahirapan at sinaktan.. Pati sarili ko nasaktan ko na.. Ang tanga ko pala..

Madami kaming fans way back then dahil sa banda naming “The Crystals”. Hindi naman talaga ganito ang ugali ng CKO, hindi kami palaaway, maldita, mang-aagaw at malalandi, sadyang may mga bagay lang talaga na nakakapagbago ng personalidad at ugali ng isang tao..

Kaya sa mga taong galit sa amin dahil sa pagiging kontrabida namin sa buhay ni Atheng, I’m sorry.. Maiintindihan din siguro ako ng iba kapag nagmahal kayo ng taong hindi kayo kayang mahalin.. Sa iba na nakakaranas ng one-sided love, wag sana kayong umabot sa point na gagawin ang lahat kahit ang masama mapasayo lang ang mahal mo kasi kahit anong pilit mong isiksik ang sarili mo sa kanya, kung hindi talaga ikaw ang mahal nya, hinding-hindi ka sasaya kahit nasa ‘yo pa sya.. Yun ang natutunan ko sa buhay ko..

At ngayon, nahihirapan ako.. Nahihirapan na ako..

Alam kong pinahirapan ko ang bida ng istoryang ‘to.. And I’m really sorry for giving her a hard time..

I contacted my father..

“d-dad” I said while sobbing.. “Dad, I want an annulment.. Gusto ko na pong lumayo sa kanya.. It’s for the best dad.. Pareho lang po kaming nasasaktan..”

“sure ka na ba jan hija?”

“yes dad.. as soon as possible sana maayos nyo po yung annulment papers.. ayoko na pong patagalin ‘to..”

Suko na ako.. Di ko na kaya..

I will set him free..

Sana hindi pa huli ang lahat para sa kanilang dalawa.. At sana mapatawad nila ako..

I'VE NEVER BEEN IN LOVE.. NGAYON PA LANG..Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon