Daniel POV
Maaga kaming umalis ni kathryn sa resort nila. Para daw hindi kami matraffic.
Pagkatapos ko siyang ihatid sa bahay nila ay dumerecho na ako sa bahay.Kinakabahan ako kay mama. Alam kong magagalit yun ng sobra. Bahala na, tapos na ee.
Nasa harap na ako ng gate ng bahay namin, hindi pa ako pumapasok, hindi ko pa alam kong anu sasabihin ko kay mama.
Hayy bahala na si batman.
Bumusina na ako, ilang segundo lang ay bumukas na ang malaking gate namin.
Huminga muna ako ng malalim bago ako tuluyang pumasok sa loob ng bahay.
Dan: manang, si mama ?
Manang: ay sir nasa garden po nagdidilig. Saan ho ba kayo nanggaling at alalang alala sa inyo si mam. Kung hindi pa dito umuwi kagabi si sir jc hindi pa niya malalaman na kasama niyo po ang kaibigan niyo.
dan: sige po manang, puntahan ko lang si mama.
Manang: sige ho sir.
Pumasok na ako sa loob nang bahay at dumerecho sa garden, agad ko namang nakita si mama na kakatapos lang magdilig.
Dan: ma !
Napatingin naman siya sakin.
Karla: buti at naisipan mo pang umuwi ! Ibigay mo sakin ang cellphone mo, ang susi nang kotse mo at lahat nang credit card mo !!!
Madiing sabi ni mama.
Binigay ko naman agad kay mama, nakakatakot ang aura niya ngayon.
Karla : simula ngayon puputulin mo na ang ugnayan mo sa anak ni gabby. At simula ngayon ako na ang maghahatid at magsusundo sayo sa skwelahan.
Dan: hindi ma, hindi mo pweding gawin sakin to.
Karla: bakit hindi ?? Tama na daniel nakapagdesisyon na ako. Simula nang makilala mo yang batang yan napabayaan mo na ang pag-aaral mo, yong principal niyo tumawag at sinabing marami kang naiwang trabaho, muntik kanang suspendedihin kong hindi lang ako nakiusap. Akala ko magiging mabuting impluwensya sayo ng kathryn na yan pero nagkamali ako, kaya simula ngayon lalayuan mo na ang batang yun.
at umalis na siya sa harap ko. dala ang cellphone, car key at credit cards ko. Hindi ko manlang napagtanggol si kath, kong alam lang ni mama na si kath ang nagbigay nang kulay sa buhay ko, siya ang inspirasyon ko kong bakit nag-aaral ako nang mabuti, at siya ang dahilan kong bakit masaya ako ngayon.
napasabunot nalang ako sa sobrang inis ko.
xxx
buong araw akong nagkulong sa kwarto.
buong araw din akong nagbasa nang libro, dahil tinanggal ni mama ang internet sa kwarto ko.
bakit ang unfair ni mama, kapag si jc ang umaalis hindi naman niya kinukuha ang cellphone at car key niya, pero bat sakin minsan lang akong umalis ang bigat agad ng parusa.at kailangan ko pang layuan si kath. hindi ko ata kaya yun.
pero kaya ko bang suwayin ang gusto ni mama?urgh ! Naguguluhan ako , kong sino ang susundin ko , si mama ba o ang puso ko.
XXX
KATH POV
kararating ko lang dito sa bahay.
Pagpasok ko sa loob naabutan kong nag'aalmusal si daddy.
Hindi ata siya nakapang'office.Pero ang nakakapagtaka hindi niya ako pinansin.
Batler: mam kath, kakain po kayo.
Kath: ahh, yes batler pakuha nalang nang pinggan.