KABANATA - 37

5 2 0
                                    


Napatalon ako sa gulat ng may biglang tumunog sa likod. Nabitawan ko ang sandok na hawak sabay sa panginginig ng mga kamay ko. Mararahas ang hiningang nilingon si Lucas na naglapag ng gamit sa mesa.

Agad siyang lumapit sa akin, kinulong niya ang mukha ko sa mga palad nito. "Hingang malalim," he soothed. "It's just me. Shh..." His thumb grazing my jaw gently.

Marahas akong lumunok sa gitna ng malalim na hininga. "B-Bakit ka ginabi?" Nilihis ko ang ulo at kumawala sa hawak niya. Pinulot ko ang sandok at hinugasan sa lababo.

Binalikan ko ang bistek na niluluto, tinikman ang sabaw ng huling beses at napahinto, tinantantya ang lasa ng tumayo si Lucas sa gilid ko. Too close. Nagdidikit na ang dibdib niya sa siko kong nakataas.

"Let me taste,"

Tiningala ko siya. Mariin at sobrang lalim ng tingin niya sa akin. Nanindig ang aking balahibo sa tumataas na tensyon sa aming dalawa.

Isang beses akong umatras palayo. Naninikip ang dibdib sa lapit namin. Like I can't properly breath with the thrill of being this close to him. Sumandok ako ng kaonting sabaw at sinubo sa kanya habang nakaalalay ang palad sa ilalaim.

Sinubo niya iyon habang tinitigan ako. Lalong tumatagal ang titigan namin ay lumalapot ang tingin niya.

"This is good." Tango niya at tinanaw ang niluluto ko.

Pinatay ko ang stove at naghugas sa sink. Alam kong nakatitig siya sa akin.

Nag-aabang ako ng sagot niya sa tanong ko. Kung wala, hindi naman ako mamimilit. Hindi ko lang alam sa sarili bakit hinintay ko siyang makauwi kaninang tanghali.

Chineck ko ang mga gamit sa mesa at nakahinga ng maluwag na maayos niyang sinunod ang mga instructions ko.

"I sorted out things with the police hovering around your boarding house,"

Mabilis kong inangat ang tingin kay Lucas.

"Kinita ko din ang abogado ko,"

Nanghihina akong napaupo. "Hindi ka nila tinanong?" nag-aalala kong tanong. "Ng mga pulis, I mean?"

Pinilig niya ang ulo. "They did. Nakita ako at ang mga security personnel ko sa mga CCTV footages. Alam na nila na kung sino ang mga gumulpi sa grupo nila Ronald," sabi niya na parang wala lang iyon. Na parang hindi ito sa malaking eskandalo na pagpi-piyestahan ng media. "But I know how this works, my legal team already briefed me so I know what to say to them."

Hindi man lang nabawasan ang pag-aalala ko. "Kung sakaling sasampa ng kaso ang mga magulang nila Ronald, madadamay din ba ang mga security personnel mo?"

Tumango siya. "For sure. Kaya pina-destino ko muna ang mga kasama ko noong gabing iyon sa malayong lugar. Para magpalamig,"

Hinawakan niya ang nanginginig kong kamay. Hindi ko alam na nanginginig pa pala iyon. Pakiramdam ko hindi na maaalis ang trauma sa akin sa nangyari sa kamay ni Ronald. Inangat ni Lucas ang baba ko at diretso akong tinitigan sa mata. Ang kulay tsokolate niyang mata ay nagpapanatag sa akin kahit puno iyon ng intensidad.

"Alam mo ba kung bakit kita minahal?"

"Lucas..." Hinawakan ko ang braso niya at iniwas ang mukha. This is not the time to talk about this!

Dumiin at humigpit lang ang hawak niya sa akin, pinaharap ako ulit sa kanya. "It's because you're a strong soul," bulong niya. "Ang dami mong pinagdaanan. Sa bawat pagdapa mo, matapang kang bumabangon ulit. You've seen the brutalities of life. So I'm not going to hold back and I promise, this would be the last." Tinulungan niya akong tumayo. "I'm going to show you something, Vittoria,"

Sweet Vittoria ReignsWhere stories live. Discover now