DESTINY FAILS
A one shot/ one chapter story……
Written by Jay Ar
Naaalala ko pa ang una naming pagkikita. Sa mall yun, sa main entrance ng isang mall. Tinawagan ko sya na nandoon na ako sa lugar na pinag usapan namin, at nagmamadali naman syang tumakbo palabas ng mall dahil nasa loob sya. At sa una naming pagkikita, doon nagsimula ang pinaka masaya, pinaka malungkot, pinaka makulay, pinaka MASAKIT at maraming pinaka, na Lovelife ko.
Akalain mong magiging seryoso ang relasyon naming dalawa.Nagsimula ito sa isang clan. Oo, sa clan kami nagkakilala ni Alvin. Just like other people who are joining clans, gusto ko lang may makausap, may maka fling sa text. Pero iba si Alvin, sa una naming pagkikita, alam kong seryoso syang tao, at alam kong seryoso sya sakin kahit nung una na hindi pa kami nagkikita.
Naging maganda ang relasyon namin, sobrang sweet nya, sobrang humble, sobrang attached sya sakin, committed talaga sya sakin. Ayaw nyang gumawa ng mali na pwedeng makasakit sakin.
Pero tanga ako, niloko ko sya isang beses, na sobrang ikinagalit nya. Hinidi ko kayang sabihin sa kanya yun, kaya sinulat ko nalang sa diary ko na alam kong mababasa nya. at yun nga, nabasa nya.
Kinabukasan, hindi nya alam kung pano ako ico-confront, kaya pagdating nya sa bahay ay hinila nya ako palayo. Gabi iyon, malamig, halos wala ng tao sa daan. Halos matumba ako sa paghila nyang iyon, ang sakit na ng pulso ko dahil sa mahigpit nyang paghawak.
At bigla kaming huminto, sa isang malaking puno, dinala nya ako sa plaza. Wala ng tao noon, madilim din, walang street lights, ngunit kita ko ang mukha nya dahil sa konting liwanag na dala ng buwan.
“b- bakit Eileen? B- BAKIT?!” tumutulo na ang luha nya habang sinasabi nya yun, hindi ko na din mapigilan ang umiyak. Alam ko na yung tinutukoy nya, yung katangahan ko. yung katangahan ko na dapat hindi ko ginawa. Umiiyak sya sa harap ko, hinawakan nya ako sa magkabilang braso, magkaharap kami, magkadikit ang mga noo namin, hindi ko kayang tumingin sa mga mata nyang lumuluha. Nasasaktan ako, hindi ko pala nasabi. Isa akong playgirl!! Hindi ako seryoso sa anumang relasyon na pinasok ko, pinaglaruan ko lang silang lahat. At ito na nga, inulit ko na naman, pero hindi dapat. Dahil kay Alvin ko naramdaman na mahalin at magmahal ng sobra. Pero sadyang napakalapit ng tukso sakin at napaka hina ko dahil hindi ko yun naiwasan.
Kumalma na sya, hindi na sya umiiyak, hindi na sya nagsasalita. Naka upo na kami nun, nakatungo lang sya, at ako tinry kong magpaliwanag, at nag sorry ako sa kanya. Tiningnan nya ako sa mga mata, hindi ko maipaliwanag ang mga titig nya, tinitigan nya lang ako at bigla ay yinakap nya ako. sobrang higpit, pero parang ayokong maalis ang pagkakayakap nya. “Please huwag mo kong iwan.” Nanginginig ang boses nya, tila ba umiiyak na naman sya pero pinipigilan nya. sobrang na guilty ako dahil sa ginawa ko.
Nung gabing iyon ay nagka ayos na din kami, nag kwento sya ng nangyari sa kanya sa school habang naglalakad kami pauwi, naka school uniform pa pala sya. Hinatid nya ako sa bahay, hinalikan nya na ko sa pisngi at nagpaa alam na para umuwi. Pero bago pa man sya makatalikod at makalakad palayo ay pinigilan ko sya. Hinawakan ko sya sa braso.
“Please. Sleep with me tonight. I miss you, I want you so bad.” Hindi ko alam kung bakit ko nasabi ang mga katagang iyon, una dahil gusto ko talaga syang makasama magdamag, at gusto ko din bumawi. Pumayag naman sya tutal ay wala namang pasok kinabukasan.
At naging mahaba at mainit ang gabi namin.
Pag pasok ng kwarto ko ay hinalikan ko sya. Halik na nanunukso, nagyayaya. At alam kong nadala sya sa mga halik na iyon. Dahan dahan akong humiga sa kama, nasa ibabaw ko sya, hindi pa din naglalayo ang mga labi namin, at pakiramdam ko ay ayaw ko ng matapos iyon kahit hingal na hingal na kami. He’s a good kisser. From passionate kiss, to torrid kiss. He’s invading my mouth, his tounge is inside my mouth, and I love the way he kiss me.
BINABASA MO ANG
DESTINY FAILS
Short StoryHi Guys :"> I am Jay Ar Üü, ang pinaka poging author dito sa wattpad wahahhaha chosss lang .. Wag kana kumontra, wala namang ginawang pangit ang Diyos. Anyway, this story is my 2nd publish story here in Wattpad. Hope you guys like it :) follow me :)...