Simula

18 1 1
                                    

Nagising ako sa ingay mula sababa ng mansion. Tumayo na ako at nagsuot ng slippers ko na bigay sa akin n mommy. Dumeretso ako sa banyo at naligo, lahat ng mga gagamitin ko sa pagligo ay si mommy lahat ang pumili. Napapangiti ako sa tuwing nakikita ko lahat ng gamit sa buong kwarto. Mahal ako ng mommy.

Pumasok ako sa walk in closet ko at bumungad sa akin ang mga mgagandang damit. Lahat mamahalin halos lahat designer brand. Nagbihis muna ako ng pambahay, isang white fitted shirt at maong na shorts ang napili ko.

Humarap ako sa salamin at nagblower tsaka nag suklay   I think marami ng tao sa baba at busyng busy na sila sa pag pprepare sa pagdating nila.

"Sammy?"- si mommy kumakatok.

"Come in po."- lumabas na ako sa walk in closet ko at nakita ko ang pagpasok ng mommy ko

"Sam we're going to pick up your sister at the airport Let's go?" - pagkalapit nya sa akin tsaka nya ako hinalikan sa noo

"Ah hindi na po mommy, kasama nyo nmn po si daddy  dito nlg po ako may surprise ako pra kay Akiko mom sa room nya mag pprepare sana ako don ngayon." - ngiting sabi ko sa kanya. Bigla nman nagiba ang timpla ng mukha n mommy, nag aalala, nalulungkot.

"Are you sure baby? Baka magtampo yung kapatid mo nyan? Hmm? Alam mo nmn yon miss na miss ka na non." - sabi nya while caressing my face.

"I know mom kaya nga may surprise ako don." - yumayakap ako sa mommy ko ngayon and making sure na pi apakita ko sa kanya na okay lng akong maiwan.

"Im so sorry baby." - nawala ang ngiti ko bigla. Pero agad ko rin nmng binawi yon.

"Mommy malalate na po kayo nyan."

"Ah yeah your dads waiting for me sa baba na nga eh. So aalis na muna kami okay, go prepare you surprise na just call manang if you need help, okay?"- she kissed me and bid goodbye.

Pababa ako ng hagdan while carrying some stuff pra sa pag dedecorate ko ng surprise for Akiko. Nasa 3rd floor kasi ang kwarto ko actually dalawang room lng meron sa 3rd floor. Room ko yung isa at Music room nmn yung kabila. Nuong bata pa kami n Akiko madalas kaming dalawa nagppractice tumugtog ng guitara. Si Akiko yung gustong gusto mag guitara pero ang dali nyang mabagot gustong gusto nyang nagpapaturo sa akin pero hinding hindi nya natatapos lahat dahil sa nababagot sya at mayat mayay aanyayahan nya akong maglaro ng kahit ano.

Malikot na bata si Akiko spoiled sya sa mga bagay2 pero mabait nmn. Hindi rin sya madamot mahal ako ng kapatid ko at mahal ko rin sya. Nakakalungkot ang pag alis nya nuon pero wala akong magawa ayaw kong mahiwalay sa kanya pero wla akong nagawa.

Bubuksan ko pa sana ang pinto ng kwarto ni Akiko ng nabigla ako sa nagsalita saking likuran. Si manang.

"Anong ginagawa mo?" - seryosong tanong ni Manang sa akin.

"Ahh magandang umaga manang may gagawin lng sana ako sa loob ng kwarto n Akiko, nakapagpaalam nmn po ako kay mommy manang."- sabi ko sa kanya habanv yung mga mata ko ay nasa sahig. Ewan ko ba pero nararamdam kong hindi nya ako gusto.

Ayaw nya sa akin.

"Walang ibinilin sa akin ang mommy mo Samantha. Inayos na ang kwarto ng kapatid mo wag mo ng rumihan. Umakyat ka at nandoon na ang almusal mot kumain ka na. Ang pakainin ka sa kwarto mo lamang ang hinabilin sakin ng mommy mo."- ngayon ay tinignan ko sya at tumango na lamang. Yumoko akong muli at nararamdaman ko nanaman yung natatakot at nahihiya. Nakita ko yung mga paa niyang gumalaw at tumabi lng sya pra akoy mkaraan na. Hindi na sya nagsalit at hinintay na lamang akong mkabalik sa kwarto ko.

Bagsak ang balikat na pumasok ako sa aking kwarto. Nakita ko yong hinandang almusal para sa akin. Binuksan ko yong takip at napangiti na lmang ako dahil paborito ko ang inihanda sa akin. Paniguradong si mommy ang gumawa nito. Masayang kinain ko lahat at pagkatapos naisipan kong dito sa kwarto ko nlg gagawin yung surpresa pra kay Akiko.




Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 06 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

He HateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon