Hello , Ako po si Gabbi Reyes , 15 years old
Nandito po ako ngayon sa palengke dahil namimili po kami ng mga classmates ko na sila Darling at Charlotte para sa Pagluluto namin bukas .
Natapos agad namin nila Darling at Charlotte ang pamimili ng mga kasangkapan kaya naman nagabang na agad kami ng jeep para naman makauwi rin kami ng maaga ..
Kasalukuyang nakasakay na kame Sa jeep , huminto ang jeep sa tapat ng isang hospital dahil siguro may sasakay na pasahero ...
nang nakapasok na yung pasahero umandar na agad yung jeep ' syempre hindi ko maiiwasan na tumingin dun sa bagong sakay .. kasi nakakabaling atensyon talaga yung pabango nya ..
kaya naman sandali kong tiningnan ang lalaki , grabe nakakamangha yung kagwapuhan ni kuya .. siguro ang swerte ng mga inaalagaan nito and pinakaswerte ang GF nito .
Agad kong kinuha sa bulsa ko ang phone ko at pasimpleng kumuha ng letrato sa kanya ! at inilagay na wallpaper ng aking cellphone ...
Paguwi ko sa bahay .. dumeretso ako agad sa kwarto ko .. at tyaka tinitigan ang letrato ni Kuya Pogi ... Grabe sobrang pogi nya talaga ..
Lumipas ang Isang taon . pero syempre hindi ko pa ! nakakalimutan si kuya pogi .. at sya parin ang wallpaper ko .. lagi ko inaabangan na makasabay ko uli sya pero sadyang mapagbiro ang tadhana at sadyang parang One Shot lang talaga yun ..
Lumipas pa ang Dalawang taon .. ngunit hindi parin mawala saaking isipan ang lalaki sa jeep .. sana'y makita ko naman sya uli .
dumating ang araw na ipapakilala ni ate ang kanyang boy friend .. kaya naman lubos ang pagaalala ko .. dahil baka si kuya pogi iyon dahil hindi imposibleng hindi sila magkakilala dahil iisa lamang ang kanilang hospital na pinapasukan bilang nurse ..
ah ! ate siguraduhin mong pogi yun ah !' - sabi ko na parang maluluha na sa kaba '! na baka tama nga ang hinala ko .
oo naman '! ako pa ba ? - ngiti ni ate Lyza saaken ..
ah ! ate ano ba pangalan nun ? - tanong ko kay ate Lyza ..
ah !! mamaya nalang .. - paalam nya !
pag alis ni ate .. grabe talaga ang kabog ng aking dibdib dahil sa aking hinala ..
Limang Oras akong naghintay sa pagdating nila ate at nang boyfriend nya , at sandali pa'y dumating na nga sila .. tila nanlamig ang buong katawan ko sa sobrang kaba ..
ah ! ma , gabbi si Lhance nga pala boyfriend ko ..
pagsabi ni ate nun napatingin ako sa phone ko at ibinaling uli sa mukha ng boyfriend ni ate ..
labis na pagkagulat at pagkahinayang ang ibinalik saaken ng pagdating nila ate ..
Nakakainis talaga '! kung nasa wastong edad lang ako ..
ang tagal ko pa naman syang pinagpantasyahan pero ito lang pala ang lalaking ang tagal ko nang hinihintay '! nasa kamay na pala ni ate ..
syempre ang saket nun ! kaya naman agad kong binura ang picture nya sa CP ko at agad kong kinalimutan ang pag ibig ko sa kanya .
Dumating ang araw ng kanilang kasal .. pero imbis na maging masaya ako '! at dumalo .. ay gumawa ako ng rason para hindi makaatend dahil alam kong masasaktan lang ako ' pag umatend pa ako ..
hindi ko nakasundo ang Asawa ni ate dahil na rin siguro sa One Shot na nangyari ..
bago ko sya nakilala bilang asawa ni ate Lyza ..
..
nakamove on na ako sa lahat at sa bwisit na Kuya Pogi na yan ..
Habang tumitingin ako .. ng books sa shelf ng book store may nakita akong isang matangkad na lalaki sa gilid ko kaya napabaling ang mata ko sa kanya ..
Halata sa kanya na mas matanda sya sa akin ng kaunti .. pero ang pogi nya .. kaya ngayon sya naman si Kuya Pogi ' sana hindi to one shot lang ..
End ..☺
✋ Bye Kuya Pogi The First ✋
May Part Two kaya ? ✌
Okay '! Thanks sa pagbabasa ng Kuya Pogi ( One shot Story ) of YureeNameo
..
Qoutes '!!
Ang Pag Ibig ay Parang Gubat Inposibleng Walang Ahas '
Maganda ka ? eh ! edi ikaw na ... Nagtatanong lang yung tao eh ..
Mahal mo sya ? Mahal ka nya ? Mahal ang Bigas aral muna '!
...
BhabyGhirl
Kuya Pogi ( ONE SHOT STORY )
All Right Read
Thank You ☺