Chapter 51: Artificial

52 1 1
                                    

"Nasan ako?" tanong niya.

"Kailangan kong protektahan ang kamahalan."

"Si Skylar."

Warm fluid seeps through her skin. It burns her with its wetness as if she's drowning in boiling water.

"Kailangan kong patayin ang Draconians... Protektahan ang Aschewartz."

.

Flashback...

.

"Lieutenant Zilenko at Croft kailangan ko ang matalas ninyong mga mata. Maghanda. Namumuo ang pwersa ng EastConFed at Manta Rays sa daan pabalik ng Pinkmustard," wika ni Natalia. Maputik pa ang suot niyang boots dahil sa Superstorm Event

"Masusunod heneral."

Pagkalabas ng tatlo sa tent, bumagsak sa kanila ang malakas na buhos ng ulan. Madilim at maulap. Sunod-sunod din ang mga kulog at kidlat.

"Magdala kayo ng ekstrang mga bala. Nasa isang-daan ang kakaharapin nating kalaban."

Sumaludo naman ang dalawang sundalo at nagsabit ng mga karagdagang pouch sa sinisipon nilang kabayo.

"Hiyah!"

Natalia had always been like this. Taking action before Skylar even give his orders.

"Pinaglilingkuran ko ang isang hari at hindi isang diktador. Let me be myself and I'll unconditionally honor you."

She once said those words in Devondale ngunit ngayon napapaisip siya, hindi ba diktador ang isang hari?

Ginusto niyang maging sundalo para maging malaya. Napapaisip siya. Kalayaan bang maituturing ang paglilingkod?

The storm made her soaked clothing even heavier. Her breath ragged. Sa kabila ng ingay na dulot ng bugso ng hangin at ulan, nakarinig siya ng kaluskos.

"ILAG!"

Tumalon siya at ang mga kasamahan niya sa damuhan.

From the darkness, multiple fireballs flew towards their direction. Napatalon sila sa maputik na hukay sa tabi ng daan.

Nasunog ang mga kabayo nila ngunit ligtas silang nakailag para agarang humanda at indahin ang natamong mga gasgas.

"3 o'clock, may lampas sampung Draconians sa kakahuyan," wika ni Zilenko nang matamang nakatitig sa dilim.

"20 more behind us," wika naman ni Croft na nanginginig sa bigwas ng hangin at ulan.

Wala siyang makita. Malalim na ang gabi at malakas ang buhos ng ulan. Bukod sa mga gaserang nasa kabayo, wala silang ibang liwanag.

"Croft, may naligtas ka bang gamit?" aniya.

"Nasa kabayo ang mga bala. Ilang pakete nalang ng pulbura ang nasa akin heneral," tugon ni Croft habang rinig ang hiyaw ng mga kabayo.

Nag-isip siya. "Zilenko, alalayan mo si Croft. Cover fire!"

Their slightly dug position provided them protection. The Lieutenants shoot and heard draconic groans of pain. Samantalang naging busy naman si Natalia sa pagkalikot sa walang laman na magazine ng bala - di alintana ang putik na dumungis sa kaniyang pisngi at uniporme.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 01 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Glitch Conqueror [Dropped]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon