One Shot Collection: Exam

336 18 0
                                    

Jamie's POV

Exam na naman. Kaylangan na naman magsunog ng kilay kakaaral. Di pa naman ako pwedeng mawala sa top. Baka pagalitan ako.

Hay bat kasi ang hirap ng algebra eh. Pasakit.

*beep

From: bee

Bee kumain ka na po ba? =)

Uugghh! Kainis. Nag aaral pa ko eh.

To: bee

Not yet bee.

Anong oras na kasi 8 na. Review muna ako ng review. Kelangan kong maka bawi ngayon eh. Kundi mawawala ako sa rank ko. Ayoko naman na mangyari yun.

From: bee

Bakit bee? Nagrereview ka pa din?

To:bee

Yes bee. Finals na namin bukas diba?

Di ako makapag focus sa nirereview ko >.

From: bee

Mamaya ka na ulit magreview bee kain ka muna =)

To:Bee

Later na lang bee. Review muna ako

From: bee

Mamaya ka na magreview please bee? Kahit ngayon lang? Text po muna tayo pleaaaase? =)

To: bee

Alin ba ang hindi mo maintindihan sa nagrereview ako? Di mo ba maintindihan? Kailangan kong magreview kasi finals na. Hindi ako pwedeng bumagsak! Please lang bigyan mo naman ako ng oras para sa sarili ko! Hindi lang naman sayo umiikot ang mundo ko eh! Stop texting me!

From: bee

Ganon ba bee? Sige bee magreview ka muna. Di muna kita guguluhin :) iloveyou bee =)!

Yun na yung last text nya. Sa wakas makakapag review na din ako! I need space! Kailangan ko din ng oras para sa sarili ko. Lalo na sa studies ko. Ayokong madissappoint sila mommy.

Nagreview na ko ng nagreview. Hanggang sa naka tulog na ko.

Buti na lang mamaya pang tanghali ang klase ko irerefresh ko lang muna yung utak ko. Nakakapagod mag aral ng mag aral eh. Sakit sa ulo >.

Kinuha ko yung phone ko sa tabi ng study table ko.

5 messages from bee.

From: Bee

Bee sorry kung kinukulit kita kanina ah? Sige bee mag review ka na. Ayoko naman na bumagsak ka dahil sakin. Iloveyou bee! Lagi mong tatandaan yan ha?

From: Bee

Bee busy ka pa ba? Gusto na kasi kita katext eh. Miss na po kasi kita bee eh. Iloveyou bee =)

From: Bee

Bee sana mataas yung grades mo ngayong finals :) sana di mabaliwala yung pagbibigay ko sayo ng time ngayon :)

From: Bee

Bee,

Sorry talaga kung kinulit kita kanina ah? Namiss lang kasi kita eh. Bee, lagi mong tatandaan na mahal na mahal kita kahit san man ako magpunta ikaw lang yung mamahalin ko :) bee matutulog na ko ha? Mahal na mahal kita bee :* wag mo pong papagurin sarili mo ah? Lagi kang kumain sa tamang oras. Okay po? Babantayan kita palagi :) pag may problema ka andyan lang ako sa tabi mo iguiguide kita. Iloveyou bee :* tulog na ko ha? Mahal na mahal kita :)

Bee punta ka bukas ng umaga sa bahay ah? May surpresa ako sayo =) sana magustuhan mo :)

Habang binabasa ko yun bigla akong kinabahan. Kaya umalis agad ako ng bahay. Pumunta ako sa kanila kahit naka pantulog pa ko.

"Bee" tawag ko sa tapat ng bahay nila. Sakto naman at lumabas si tita.

"Tita magandang umaga po. Bakit namamaga po yung mata nyo? Ano pong nangyari?" Sunod sunod kong tanong. Nagulat na lang ako ng bigla nya akong yakapin. At humagulgol sya. Di ko man alam kung bakit si tita umiiyak pero niyakap ko na lang sya.

Nararamdaman ko yung sobrang lungkot ni tita.

"Tita ano po bang nangyari? " tanong ko kay tita ng bumitaw na sya sa pagkakayakap.

"Anak, iniwan na nya tayo" sabi ni tita. Sinong nangiwan?

"Po? Hindi ko po kayo maintindihan" naguguluhan talaga ako pero kinakabahan ako sa sasabihin ni tita kung sino yun.

"Iniwan na tayo ni Carl anak. Wala na sya" at bigla na lang akong naiiyak. Pero paano?

"P-po? A-ano pong n-angyari?" Hindi pwede.

"Hindi ba nya sinabi sayo?" Tanong ni tita habang umiiyak.

"Ano po bang dapat nyang sabihin tita?" Tanong ko. Nasa harapan pa din kami ng bahay nila.

"May sakit sya. May cancer sya. Ka-kanina lang sya b-binawian ng b-buhay. A-akala ko p-panga aabot sya s-sa birthday nya."

Bakit.. Bakit hindi nya sakun sinabi? Sana sinabi nya sakin. Sana hindi nya sakin yun sinabi.

" oo nga pala. May binilin sya sakin. Sabi nya pumunta ka ng kwarto nya"

"Sige po" at umakyat na agad ako sa kwarto ni bee.

Pagpasok ko dun puno ng regalo yung higaan nya at yung drawer nya. May naka palibot na christmas lights. May mga poloroid na naka sabit sa kwarto nya. May mga balloons at petals na naka kalat sa kwarto. Madaming letters ang naka patong sa higaan nya. May isang letter dun na naka hiwalay. Kinuha ko yun at binasa.

Bee,
Una sa lahat gusto ko munang mag sorry sayo kung bakit hindi ko sinabi sayo yung sakit ko. Ayoko lang naman na mamroblema ka sakin bee kaya hindi ko na sinabi sayo. Bee sorry kung kinulit kita kagabi ah? Nakapag review ka ba ng maayos? Naka kain ka ba kagabi? Bawal po magpalipas ng gutom bee ha? Yung mga bilin ko sayo wag mong kakalimutan =). Bee, sorry kung hindi ko na matutupad yung mga pinlano natin noon ah? Sorry bee. Tulad na lang ng plano natin maglibot ng mga bansa after natin magpakasal. Yung sabay tayo tatanda. Yung panunuorin natin yung paglubog ng araw sa dalampasigan. Yung magpupundar tayo ng bahay kung saan dun tayo titira kasama yung magiging anak natin. Pati yung ikwekwento natin yung sarili nating love story natin sa magiging anak natin. Bee pasensya na ha? Bee, yung mga prinomise natin sa isa't isa ah? Bawal magpalipas ng gutom. Dapat kakain sa tamang oras. Bawal makipag away. Bawal pagurin ang sarili. Bawal magpupuyat at bawal magpagutom. Promise me bee na kahit wala na ako gagawin mo yung promise natin sa isa't isa. Iloveyou bee. Kahit saan ako magpunta, ikaw pa din yung mamahalin ko habang buhay. Sabi ko sayo eh. Hanggang sa huling hininga ko ikaw pa din yung mamahalin ko. Mahal na mahal kita bee. Oo nga pala bee. Nakikita mo ba yung mga regalo sa kwarto ko? Bawat boxes may date yan. Bubuksan mo yung boxes sa specific date bee ha? Bawal buksan agad unless hindi pa yun yung itinakdang araw na buksan mo. Bee may mga letter din dyan. Ganon din gagawin mo bee. Bee mahal na mahal kita wag mong kakalutan yan ha? Kahit san man ako magpunta ikaw ang una at huli kong mamahalin. Hanggang dito na lang bee. Hanggang sa susunod na sulat na lang bee. Mahal na mahal kita bee.

I will be yours forever,
Carl"

Dun na ako humagulgol. Bakit hindi nya sakin sinabi? Sana pinagpaliban ko muna ang pagrereview ko kagabi para nagkaroon ako ng time sa kanya.

"Bee, sorry kung sinungitan kita kagabi. Bee bakit hindi mo sakin? Sana mas binigyan kita ng oras para maka sama kita. Bee, sana sinabi mo sakin. Hindi ako nakapag handa bee eh. Okay lang naman bee kung hindi mo na matupad yung mga plinano natin noon. Bee, sana maging masaya ka kung nasan ka man. Kakayanin ko tong pagsubok na to. Miss na miss na kita bee. Sana isang panaginip na lang to. Sana magising na ko. Hindi na maganda tong panaginip na to. Bee nakakainis ka! Pinapaiyak mo ko! Bumalik ka na kasi. Promise lagi na akong magkakaroon ng oras para sayo. Sorry bee. Bee mahal na mahal kita bee. Ikaw lang ang mamahalin ko bee hanggang sa dulo. Mahal na mahal kita bee"

Parang hindi ko kayang mawala siya. Parang di ko kayang mabuhay ng wala sya. Sya na nga lang yung nagpapasaya sakin kukunin pa sakin. Please ibalik nyo po sya samin.

Bee sorry susundan kita jan bee. Hintayin mo ko bee.

One Shot CollectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon