Habang nakatingin ako sa altar kung saan nakatayo ang minamahal ko at ang lalaking ama ng dinadala niya, hindi ko maiwasang isipin na ako sana iyan kung hindi ka sana nabuntis.*FLASHBACK*
Kib's POV
"Babe, may lakad ako now sama ka?" tanong ni Klea saakin.
"Saan babe?Anong meron?" tanong ko pabalik.
"Birthday ni Keld," tugon niya.
"May lalaki pala, eh ba't ka sasama?" tanong ko ng may halong inis.
"Babe naman, minsan na nga lang makompleto ang barkada namin." Pagmamakaawa niya
"Oh siya, sige na sumama ka na." Sumang-ayon kahit napakadami ko ng naiisip
*AT THE PARTY*
Klea's POV
"Lasing ka na," sabi ni Keld.
"No, I'm not," sagot ko lang.
"Halika na, dito ka nalang matulog sa condo ko hating gabi na oh,"sabi pa niya.
Matapos ang gabing iyon, nagising ako sa isang kwartong napakasinag ng araw at glass window ang bintana kitang kita ang siyudad, nagulat ako at may katabi na ako at wala na akong saplot. Natulala ako kakaisap kung paano nangyari ito.
Dali-dali akong nagbihis at sobrang sakit ng nasa ibaba ko, hindi ko alam kung paano ko ito ipapaliwanag kay Kib.
Kib's POV
"Babe, saan ka natulog?" tanong ko.
Kinakalma ko ang sarili ko dahil alam kong pagod siya kaya hindi ko na lamang sasabayan ang pagod niya.
"Ah! kila Keva," sagot niya.
"Kumain ka na ba?" tanong ko.
"Hindi pa eh gusto ko nalang matulog babe." Pagtugon niya
_____________________
Lumipas ang mga linggo nakita ko ang pagbabago ni Klea hindi na siya 'yong malambing na tao, laging mainit ang ulo gusto mapagisa hindi ko na alam ang gagawin ko, kung susuko na ba ako sa relas'yong ito?
_____________________
Nang isang umaga kinausap niya ako.
"Babe, may sasabihin ako," saad niya.
At tumingin lang ako sakan'ya ng may kuryusidad.
"Babe ano kasi, hindi ko naman sinasadya," sambit niya pa.
"Ano nga iyon?" Kalmado kong tanong.
"B-buntis a-ako," utal niyang sambit
Nanghina ang mga tuhod ko dahil 'yong pangarap kong kasama siya lahat masisira lang dahil sa bagay na iyon.
Gusto ko man akuin na akin ang bata ngunit ayaw ko maging makasarili.
"Anong plano mo?" tanong ko nalang
"Babe, gusto nila mama pakasalanan ko si Keld," tugon niya
Natawa nalang ako bigla.
"So all this time ako lang 'yong walang alam, ako lang 'yong nagmumukhang tanga kakaisip kung anong nagawa ko sayo at bakit ang ilanng mo presensiya ko?" Tumatawa kong saad
"Pakasalan mo siya, ayaw kong maging selfish para ipagdamot 'yang bata na iyan sa tunay niyang ama," dagdag ko
Pumunta ako sa kwarto at inilabas lahat ng damit ko at magiimpake na ako, habang inaayos ko ang mga gamit ko hindi tumitigil ang mga luha ko sa pagtulo.
*END OF FLASHBACK*
Nasa reception ako at ang saya nila, ang saya niya habang ako sawi at sugutan.
'Mahal ko ako sana iyan' bulong ko.
Tumayo ako at pumunta sa harap at kinuha ang mic.
"Hello, ako pala si Kib gusto ko lang sabihin na masaya ako para sainyo, Keld tol alagaan mo iyan ha? Ilang taon kong iningatan 'yan, actually ikaw 'yong nauna jan dahil alam kong may panahon para sa bagay na iyon pero nangyari na ang nangyari," saad ko habang nakangiti
Tinignan ko si Klea na umiiyak.
"Mahal ko, 'wag kang iiyak ako lang ito oh masaya ako para sayo, mahal ko ingatan mo sarili mo ha? Mga paalala ko 'wag mong kakalimutan mahal na mahal kita," dagdag ko
"Maari ko bang sabihin saiyo ito?" dagdag ko pa
"Till death do us part," sambit ko
"Hanggang sa kamatayan ko mahal ikaw at ikaw lang wala ng iba," sambit ko ng nakangiti habang may lungkot sa mga mata
Umalis na ako sa lugar na iyon at pumunta sa malayong lugar, gusto kong mapagisa iyong walang nakakakilala saakin.
YOU ARE READING
𝙊𝙉𝙀 𝙎𝙃𝙊𝙏 𝙎𝙏𝙊𝙍𝙄𝙀𝙎
FanficCare to read my one shot stories master piece. Ps. I don't know if I can update daily. Note: This story is originally wrote by me and this one shot stories is in my RPA.