Sa kasalukuyang panahon ay magkakabila na ang nakikita nating mga computer sa ating paligid. Madalas na itong ginagamit sa trabaho, libangan, at iba pang gawain.Ngunit, kagaya ng halos lahat ng bagay dito sa mundo ay mayroon din itong mga kahinaan o kung hindi kaya ay mga kalaban. Isa na sa mga halimbawa nito ay ang tinatawag na computer virus.
Ang computer virus ay isang programa sa isang computer na humahawa sa ibang computer systems. Isa sa mga daan nila upang umatake ay ang kumabit sa isang file o applications nang hindi nahahalata ng may-ari. Umaatake at nagpaparami sila sa pamamagitan ng panghihimasok sa isang system.
Maraming uri na ng computer virus ang lumantad sa mga tao. Nagkaroon na rin sila ng pananggang sa mga ito. Marami na ring mga mamamayan ang interesadong matuto at makaalam sa kung paano gumalaw ang mga ito.
Ngunit paano kung isang araw, bigla na lamang maminsala ang isang uri ng computer virus kung saan ay naapektuhan na ang modernong pamumuhay ng mga tao?
Ang paghahanap sa pinanggalingan at koneksyon nito sa mga tao ay masasagot ba ng maling paraan?
Maraming mga bagay ang may kaniya-kaniyang misteryo, at mayroon ding mga taong itinakda upang siyang humukay sa katotohanan sa likod ng mga ito.
"Sigurado ka na ba sa gagawin mo?" Maluhaluhang katanungan ko sa taong inaasahan kong hindi kami magagawang iwan.
"Babalik ako, pangako iyan."
Umiling ako, iniiyak lahat ng takot at panghihinayang na nararamdaman sa damdamin ko.
"Hindi, ayaw ko. Bakit kailangan mo kaming iwan?", muling katanungan ko.
"Hindi ko kayo iiwan, dahil bawat araw, bawat oras, bawat minuto at segundo, mananatili ako sa tabi ninyo. Pisikal at literal na malayo ako, pero ang pagmamahal ko, ang pangungulila ko, at ang ala-ala ko kasama kayo, mananatili sa tabi ninyo at gayon na rin sa tabi ko."
"Huwag..." Tinatanaw sa malayo, nakatalikod at unti-unti pang mas lumalayo.
Habang dinadama ang mga luhang naglalandas sa pisngi ko paibaba, hindi matigil sa pagtibok ng mabilis ang aking puso dahil sa sakit. Napakaaliwalas ng panahon at klima ngayon, pero taliwas dito ang kasalukuyang nararamdaman ko.
Bakit?
BINABASA MO ANG
Behind the Computer Screen
Gizem / GerilimIniwan, lumayo, hindi na nagtagpo pang muli. Ngunit hindi nga natin nalalaman ang laman ng kinabukasan, sapagkat ang isang bagay na darating upang magdulot ng kasiraan sa karamihan ay siya ring magdudulot kay Evie ng isa pang pagkakataon. Ang pagkak...