2-Celebration...

39 4 0
                                    

**Shasha**

"Ang nangyari dun ay..."

~

Nagising ako.

Tinignan ko ang orasan ko. Anong oras na ba??

9:00

"Ahh. 9:00 na pala. Ang haba pala ng tulog ko." Bulong ko.

Bumaba ako habang gulo-gulo pa ang buhok ko.

"Shasha! Ay naku! Buti nagising ka na!" Nag-aalalang sabi ni Nanay-Manang sakin.

"Huhh? Bakit po? Nasan nga po pala si Ayesh?" Tanong ko.

"Yun na nga! Umalis na si Ayesh para nga dun sa Celebration. At ang sabi nya sakin na gisingin na lang daw kita kasi kanina ka pa nga nya kinakatok sa kwarto mo pero hindi ka pa rin nagigising! At kanina pa rin tawag ng tawag si Sir! Galit na galit! Inaantay ka daw dun sa Celebration at sa Dinner! Marami pa naman daw bisita tapos late ka na naman daw!"

"Anong oras po ba yung Celebration??" Walang ganang tanong ko.

"Dapat, kanina pang 8:00 nandun na! Pero..9:00 na! Kaya mag asikaso kana! Sigurado malalagot ka kay Sir!" Nag-aalalang sabi nya.

"Huhh?!" Gulat na sabi ko.

"Oo! Kaya bilisan mo na!"

At agad na nga akong pumunta dun sa kwarto ko tapos nagbihis ng kung ano-ano. Pero, sori ka! Beauty in blue ako! Hahaha. Charing.

Sa sobrang pagmamadali ko, nadapa pa tuloy ako! Kapalpakan nga naman! Whooo!

Tapos nagpatuloy ako sa pagbihis at saka bumaba...

"Ma'am ang gulo-gulo pa po ng buhok nyo.." sabi ng isa namin kasambahay.

"Ate,diba nga sabi ko po na wag Ma'am! Ate naman eh! Na-iilang po kasi ako. Shasha na lang po .." Sabi ko..

"Ahh, hahaha sige po. Uhmm magulo pa po yung buhok nyo.."

"Ayy! Osige. pakikuha nga po yung suklay dyan." sabi ko at ibinigay naman nya ito kaagad.

At umalis na ko sa bahay ng gulo-gulo pa ang buhok.

Hindi na ko sumakay sa car ko. Nag-jeep na lang ako! Para mas mabilis! Atsaka..malapit lang naman yun dito sa bahay namin eh!

Kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa ko..

At nakita ko ang 15 messages sakin ni Ayesh.

At binasa ko ito..

'Ate!nasan kana! please!wake up na!'

'Huy! baka tulog ka parin?'

'Ate! Please! Pumunta ka na dito!'

'Ate! Ikaw na lang ang inaantay dito!'

'Ate! Malalagot na kana talaga kay Dad!'

'Ate! Kung nasan ka man,please, bilisan mo na!'

'Ate. Nag-uusok na yung ilong at tenga ni Dad and Mom!'

'Bilisan mo na! Ate naman!'

'Text back ka naman oh! Please?'

'Sigurado, maririnig mo na naman yung galit na galit na boses ni Dad! Hindi mo ba na-iimagine yun? Ako kanina pa!'

'Our Love Story'Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon