Natatandaan ko noong una ko siyang makita. Seguro'y kagagaling lang niya noon sa Columbia, kung saan ay taga roon siya. Mapuputi ang kaniyang mamahaling skin at para bang crystal iyon sa kakininisan kung hindi lang iyon natutubuan ng pinong balbon.
Tipikal sa Isang American na makakapal ang kanilang balahibo, pero ang sa kaniya'y katamtaman lang bagay na gusto ko sa Isang lalaki.
Nakatayo ako noon sa dungawan ng shop kung saan ako nagtatrabaho bilang Sales Associate.
Ibat ibang Sunglasses nanggaling sa Italy at China ang aking ibinibinta. May tatak iyong Sprinto at Panda Bamboo na kakauso lang na kinahuhumalingan ng karamihan.
Panay ang aking Hikab nang mahagip ng aking inaantok na mga mata ang kaniyang matikas na bulto saktong dumaan siya.
Malayo ang kaniyang iniisip at nakayuko siya sa kaniyang dinadaanan. Pagkaangat niya ng mata ay para bang Falling Star iyon na tumama sa mga mata ko.
In short nag-eye-to-eye contact kaming dalawa!
Napa-Ouch pa nga ako kasi parang may masakit na apoy ang tumama sa retina ko.
Napayuko ako. Ang apoy ay dumaloy papasok sa utak ko pababa sa dibdib ko at tumimo doon.
Magsimula din ng araw na iyon ay minarkahan ko na siya sa Dibdib ko ng kulay
Green na tenta na Crush ko siya!
Araw-araw ko ngang inaabangan ang pagdaan niya. Makikita ko lang siya ay kompleto na ang araw ko. Yun bang kahit pagod na ko sa kakatayo at kaka-assist sa mga bumibili ay Carry ko pa rin. Siya ang aking Energizer!
Isang araw ay napadaan uli siya. Ngiting-ngiti na sana ako dahil alas otso palang ng Umaga ay nakita ko na siya. Ngunit animo'y pinugpog ang aking Heart nang makita kong may kasama at ka'holding hands siyang magandang babae. Ang kaliwang kamay niya ay nakahawak sa animo'y manyika na batang babae. Doon ay napagtantong ko rin na may asawa at anak na pala siya!
Labis ang panibugho na naramdaman ng aking dati"y masaya na Puso. Sa mga lumipas na araw ay di ko na pala namamalayan na unti'unti nang nahuhulog sa Love ang paghanga na nadarama ko at nasa stage Four na iyon. Parang mahirap ng supilin pa at gamutin!
Pasimple akong nagkubli sa Malaking Mesa na nakabakod sa gilid ng pintuan sa loob ng Shop. Doon ay pinalaya ko ang kanina pa gustong tumigmak na Luha mula sa mata ko. Kasing sakit ng tusok ng karayom ang tumama doon. Maliit lang na bagay pero grabe kung tumagos!
Kahit ganun paman ang nangyari ay tuloy pa rin ang aking paghinga. Tuloy ang buhay!
Ine-enjoy ko ang aking sarili sa pagtrabaho.
Manaka-naka'y dumadaan parin siya at nakikita ko pero hindi ko na gaanong iniinda ang kaniyang mala-hunk na aura. Ngunit sa isang sulok ng aking dibdib ay nanatiling may puwang siya.
Araw iyon ng Sabado, at dahil nagstraight ako ng duty mula alas otso ng umaga hanggang alas kwatro ng Hapon ay maaga akong nakauwi.
May inaasahan kasing super typhoon na darating kung kayat kinakailangan naming magligpit ng mga paninda ng kapwa ko tindira at baka liparin ng may Pangalang Ruby na Bagyo ang mga iyon.
Nang matapos na kaming magligpit ay nagtuloy ako sa grocery store upang mamili ng mga kakailanganin in case of Emergency tulad ng mga kandela, de lata, biscuits, kape at bigas.
Nagsisimula na noong umambon kung kayat may kadulasan na sa labas. Kahit nga sa loob ng tindahan ay basa na rin ang sahig.
At dahil may kalumaan at naaagnas na ang Spike ng tsinelas kong MSE ay bigla akong nadulas. Bitbit bitbit ko ang Basket na may laman ng pinamili ko kaya ako na-out balance.
BINABASA MO ANG
Journey to Love (True-to-life Story collection)
RomancePara po ito sa Ate Yeth kong nasa ibang bansa na number one fan ko kahit hindi naman ako magaling magsulat. Para din 'to kay Nene AJ at bunso Dayday, na readers ko. Sa mga silent reader ko diyan...Thank you sa pagbabasa (kung meron man). Actually...