Choosing

10 0 0
                                    


Lunes ng umaga at maaga pumasok si Yel sakto na nakita niya si Kento at tinawag niya ito.


"Ohayou! Kento-kun!" pagbati ni Yel kay Kento.


".... Yel? Ba-bakit may 'kun' pa?" nahihiyang tanong ni Kento kay Yel.


"Ayaw mo yun? Para may endearment hehe." sagot ni Yel sa kanya.


Biglang namula si Kento...


"...Hi-hindi naman, nagulat lang ako... ah bakit hindi ka nga pala pumasok nung biyernes?" tanong Kento kung bakit hindi pumasok si Yel nun.


"Uhm... tinatamad ako eh!" sagot naman ni Yel.


"Ikaw na straight A class student tatamarin??" pagtataka ni Kento.


"Bakit kapag ba matalino, hindi na pwedeng tamarin?"


"Hi-hindi naman kaya lang-"


"Tara na! Male-late na tayo eh!" pagputol pagsasalita ni Kento st hinatak siya.


Habang nagkukwentuhan sina Kento at Yel na papuntang classroom ay hindi inaasahan ni Yel na makikita niya si Fuma.


Naku bakit ngayon pa?? sabi ni Yel sa isip niya.


Nagulat si Fuma na magkasama ang dalawa, samantala ang ginawa naman ni Yel ay kumapit sa braso ni Kento na parang magkasintahan siyempre nakita iyon ni Fuma.


"... kung ganon yan ang sagot mo?" tanong ni Fuma kay Yel.


Hindi nakapagsalita si Yel...


Ngumiti si Fuma... "Haay... wala na akong magagawa."


Tumungo si Yel at hindi makatingin kay Fuma ng deretso...


"Sige hindi na kita guguluhin." sabi ni Fuma at nilagpasan na lang ang dalawa. Kung tutuusin mas maaga siyang pumasok kaysa kina Kento at Yel.


Naguguluhan si Kento kina Yel at Fuma dahil hindi niya nakukuha kung ano ba talaga ang mga sinabi ni Fuma at bakit tahimik si Yel nung nakita niya siya.


Hindi pa... hindi pa ito ang sagot ko at wala akong maisasagot sayo dahil naguguluhan pa ako... sabi ni Yel sa isip niya na gusto niyang sabihin kay Fuma kanina.


At tinotoo nga ni Fuma ang sinabi niya... hindi na niya kinakausap at kinukulit si Yel, at kapag may itatanong siya tungkol sa mga subjects nila ay nagtatanong na lang si Fuma sa ibang classmate nila imbis na si Yel.

Hindi na rin ginugulo ni Fuma si Kento kapag lalapitan niya si Yel na parang ang tatlo ay hindi na magkakakilala.


Like?  or  Love?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon