Crossing His Borderline
Chapter 3 | DeathachmentBERLIN woke up hearing the continuous knock on the door. Sandali siyang tulalang nakatitig sa kisame ng kaniyang kwarto bago napagpasyahan na tungoin ang pinto at pagbuksan ang tao sa labas. Kilala na niya kung sino ang tao sa labas ng kaniyang pinto, that's Mayz.
She can smell her perfume. It's a strong aroma of a rare flower. She's not sure what flower though, but it smells like one.
Nagdadalawang-isip siya kung pagbubuksan niya ito. Hindi pa rin kasi niya nalilimutan ang nakita niya kagabi. She was shocked, especially when she woke up last night after she passed out and found Mayz in front of her, in her werewolf form. She passed out again.
"Senyorita, you have a meeting with the town's Mayor." She hears her say. "This afternoon you'll be meeting everyone from La Castellana at the opening of the border." Mayz added.
"Just prepare my food, I'll be downstairs soon!" Sigaw niya at dumiretso na lang sa banyo para maligo at ihanda ang kaniyang sarili.
Lumabas siya ng kaniyang kwarto na nakagayak na. Bumaba siya sa kusina at natagpuan niya roon si Mayz na kumakain kasama sina Manang Linda at iilan pang mga kasambahay.
"Senyorita." Tawag sa kaniya ni Mayz, ngunit hindi niya ito pinansin. Nagsitayuan din ang ibang kasambahay nang makita siya.
"Everybody sit." Aniya sa mga ito, bumalik naman ang lahat sa pagkaka-upo. Naupo naman siya sa nag-iisang bakanteng silya.
Mayz started to fill her plate with food. She gave her rice, bacon, hotdog, sunny side up egg, and fried chicken.
"Bibitayin ba ako ngayong araw?" She blurted out, everyone laughed at her words.
"Gusto lang ni Miss Mayz na busog ka, Senyorita." She heard Shylla say as she drank her glass of juice.
Tahimik lamang siya buong oras ng pagkain. She heard them talk about everything, but she only paid attention when Shylla mentioned the Senyorito of Sortins. As they were talking about the said man, they were all blushing, and their eyes were dreamy.
Lumabas siya ng sasakyan dahil sa sobrang pagkaburyo. Kanina pa sila naghihintay na tawagin sila, pero mukhang hindi pa tapos ang meeting ng Mayor with his board.
"He missed you, he'll mark you on the next full moon." Dinig niyang sabi ng batang pulubi, kapagkuwan ay tumakbo ito palayo.
Kunot naman ang kaniyang noo. Iniisip niya kung ano ang ibig sabihin ng batang pulubi. Next full moon? What's with the next full moon?
"Senyorita, the Mayor's meeting just ended. Let's go." Imporma sa kaniya ni Mayz, tumango naman siya bilang sagot. She's too tired to even talk right now.
She's tired of waiting, pakiramdam niya naubos lang ang oras niya rito kahihintay. Inalalayan siya ni Mayz habang papasok sila ng gusali at binaybay ang isang pasilyo patungo sa isang silid.
"Magandang umaga, Miss Casaquite." Dinig niyang bati ng isang lalaki, nasa bente siete o bente otso ang edad nito, nakasuot ng isang americano suit.
Tinanggap niya ang kamay nitong nakalahad sa kaniyang harapan. "Morning, you must be the busy Mayor?" Aniya rito habang nakikipagkamay sa kaharap.
Ngumiti ito sa kaniya, pinapakita ang maputi nitong pantay-pantay na ngipin. Sigurado siyang pinaggastusan nito iyon.
"Mayor Noel Labrando." Pagpapakilala nito sa kaniya at inalalayan siya patungo sa isang sofa. "Take a seat, Miss Casaquite." Dagdag pa na sabi nito.
Kibit ang balikat na umupo siya sa sofa, inikot niya ang paningin sa kabuoan ng silid na kaniyang kinaroroonan. The room is filled with antique stuff, and a spanish style as well.
"You're an antique collector huh?" She asked.
Lumawak lalo ang ngiti ng binatang kaharap niya. "Just my hobby, anyway what do you want to drink?" He asked her.
"Water will do." Simpleng sagot niya, tinanguan naman nito ang secretary nitong nag-aabang sa isang gilid ng silid. Tila naintindihan nito ang ibig sabihin ng boss nito kaya lumabas ito ng silid. The town's mayor then sat on the chair in front of her.
"Hindi na ako magpaligoy-ligoy pa, Miss Casaquite." Panimula nito, burado ang mga ngiti na kanina ay nakapinta sa mga labi nito, naging seryoso bigla ang atmospera sa silid na kinaroroonan niya. "I heard about the opening of the border. I'm against the event, I just wanted to ask for a favor… if it's okay with you to stop the opening of the border between La Carlota and La Castellana, if it's possible that would be my only request." Pagtatapat nito sa kaniya.
Tumaas ang kaniyang kilay bilang reaksyon sa kaniyang narinig. "Who are you to ask me a favor?" She asked him, making him shocked with her bluntness. "I'll be honest with you Mayor Labrando, you made me wait outside just for this? You think you're the son of God for me to grant what you want?"
This is what she doesn't like about herself, she's a bit of a b*tch when she's annoyed, but she learned to accept who she is because she only has herself.
She meant to say that, he made her wait for a couple of hours just to ask her a favor. She's wondering where the hell this Mayor gets his thick face to ask a favor? They're not blood related, not even classmates from primary and secondary, and they're not friends for him to ask her a favor.
Just because he's a Mayor doesn't mean he can get what he wants. The truth is she can fire him anytime she wants. La Carlota is a private property of her ancestors that she inherited. She's now the sole owner of this land.
"Get your facts straight, Mayor. I can fire you anytime if you won't do your job well enough." Paalala niya rito na may kasamang pagbabanta.
Tumayo siya mula sa pagkakaupo at tinungo ang glass wall nito, tiningnan niya ang kabuoan ng bayan ng La Carlota mula sa kaniyang kinatatayuan.
Nakita niya ang grupo ng mga kabataan na namamalimos sa labas ng gusali. Bawat bata ay may hawak ng kani-kanilang mga baso, pinaglalagyan ng kakarampot na barya mula sa kanilang limos.
"See those kids in the street, Mayor?" She asked, turning her head to where the Mayor is sitting. "Make sure to get them fed, make a program for them, give them a bright future." Dagdag pang sabi niya rito.
Tinapunan niya ng tingin ang kapapasok lamang nito na sekretarya. "Make sure you all can make it this afternoon, I'll be waiting at the border." Aniya sa Mayor, ngunit ang tingin niya ay nasa sekretarya nito.
"Mayz." Tawag niya sa kaniyang secretary, who's more capable to be the town's mayor.
"Senyorita." Sagot nito sa kaniya, lumapit sa kaniyang direksyon.
"Take me home, I'm tired." Utos niya rito.
Inalalayan siyang muli palabas ng Mayor's Office ni Mayz. Pinagbuksan din siya nito ng pinto ng sasakyan. Agad siyang napapikit nang maramdaman ang malambot na upuan ng sasakyan.
AT the opening of the border, she watched all the people gather together. Her heart suddenly changes its rhythm when she sees the familiar body built of a man.
"What the hell?" She blurted, her hands on her chest, hitting it just so it could beat back to normal.
Napansin ni Mayz ang kaniyang ginawa, kaya naman agad din itong lumapit sa kaniya, puno ng pag-aalala ang mukha. "You okay, Senyorita?" She asked, opening the bottle of water and handing it to her. "Drink this." She added, slowly pushing the bottle towards her mouth.
Ilang lagok ng tubig sa plastic bottle ang ginawa niya upang pakalmahin ang nagwawala niyang puso sa loob ng kaniyang dibdib.
"Who's that man?" She asked Mayz after she drank the water in the plastic bottle.
Sinundan nito ang kaniyang tingin bago niya narinig ang sagot nito. "That's Senyorito Silavanus, the Alpha of the Sortin's Family and the only heir to the La Castellana land."
Next thing she knew, she was chasing her breath. What the hell? That was her college fling! And her son's father!
No way this is happening! This must be just a dream, a very bad dream!
BINABASA MO ANG
Crossing His Borderline (Werewolf Collaboration Under PaperInk Publishing)
LobisomemA Werewolf Romance Collaboration Series under PaperInk Publishing. Born and raised in the city, Berlin was forced to return home to the town of La Carlota to fulfill her mother's last wishes before she passed away, that is to accept and manage their...