My hope 💚

28 3 4
                                    

Sabi nila 'pamilya' ang una mong makakapitan kapag pagod kana sa magulong mundo

Pamilya ang magiging sandalan mo kapag malapit ka ng mawasak sa mga problemang kinahaharap mo

pero papaano kung ang pamilya na dapat gagabay at aangat sayo ay siyang dahilan ng unti unting pagbagsak mo?

Hi im kash Vena, 25 years old at nag tuturo sa isang kilalang paaralan. Being a teacher is not a joke kasi hindi ka pwedeng makitaan ng pagkakamali.

Kauntiang kamalian lang ang magawa mo gagamitin na nila ang propesyon na kinuha mo laban sayo. Na kesyo 'teacher ka tapos ganyan ka umasta'. Kung pwede lang sabihin na 'ikaw nga tao ka pero mukha kang gorilla' 

Mahirap maging guro oo kasi ibat ibang ugali ng studyante ang makakasalamuha mo.

May mabaet, may magalang at may mga bastos pero lahat naman ng hirap ay worth it lalo na ito ang gusto kong propesyon nung una palang.

Kasalukuyan akong nag checheck ng mga test paper ng mga studyante ko ng may yumakap mula sa likod ko. Kahit di ko siya lingunin kilalang kilala ko na kung sino to.
Amoy nya palang kilalang kilala kona

"Tara na tulog na tayo mahal" napukaw ang atensyon ko ng mag salita sya sa aking likuran, nang lingunin ko sya eh naka pout at halatang nag papaawa napailing nalang ako

"Tatapusin ko muna ang pag checheck nito tapos matutulog na tayo" sabe ko sa kanya sa malambing na boses, umupo sya sa tabi ko at tinulungan nalang ako sa ginagawa ko.

Napapailing nalang talaga ako, hindi sya makatulog ng wala ako sa tabi nya akala mo naman mawawala ako. By the way sya nga pala ang aking iniirog, si hopey. Kaygandang pangalan, kasing ganda ng may ari.

Habang nag checheck ng test paper ay hindi ko mapigilan alalahanin paano dumating ang isang hopey sa buhay ko.
Weird man pero sya ang literal na nag bigay ng pag-asa sa buhay ko ng panahong sukong suko nako.

Tatlo kame sa mag kakapatid at ako ang gitna, at dahil ginta may kanya kanyang favoritism ang mga magulang namin.
Si dad favorite nya si ate at si mom naman ay si bunso. Hindi naman problema saken ang ganon, siguro ay nasanay na ako pero hindi ibigsabihin na sanay nako ay hindi ko na kailangan ng atensyon na mula sa kanila.

Lagi akong nasa top nung panahong nag aaral palang ako, ginagawa ko ang lahat para matuwa ang mga magulang ko saakin. Sa ganong paraan kolang kasi nakukuha kahit kakaunting atensyon na naibibigay nila.

Lagi akong napapasama sa mga math competition at mga quiz bee. nakaka stress pero worth it kapag nakikita kona yung resulta ng pinag paguran ko. Masaya parin naman ang takbo ng buhay ko kahit nakaka stress araw araw not until nung malaman ng mga magulang ko ang sekswalidad ko.

Naalala ko noon pag tapak ko pa lamang sa bahay ay sinalubong na agad ako ng sampal ng ama ko, syempre sino ang hindi magugulat. Iyon ang unang pag kakataon na napag buhatan nya ako ng kamay, bukod sa pisikal na sakit ay pinag sabihan nya ako ng mga masasakit na salita na kailanman ay hindi ko aakalain na maririnig ko, lalo na sa kanya, sa kanya na mismong ama ko.

Isa daw akong kahihiyan sa pamilya namin, at kung hindi pa nga sya awatin ng mga kapatid ko ay baka kung ano ng nagawa nya. Ramdam ko ang galit nya ng araw na yon na hindi ko mabatid kung bakit.

Dahil ba sa sekswalidad ko? Ano bang mali? Wala naman akong tinatapakan na tao at higit sa lahat nag mamahal lang naman ako.

Hindi ko alam kung paano ako naka survive ng araw na yon, ang naaalala ko nalang ay nasa kwarto nako at hawak ang pisngi ko.
Hindi ko na din pinag tuunan ng pansin kung paano nila nalaman ang bagay na yon. Siguro yon na talaga ang oras para malaman nila.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 24, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

One Shot Collection Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon