9th Droplet - +639205828355

389 13 5
                                    

"Uy, May ba't malunglot ka na naman?"

Agad na napansin ni Princess ang kalungkutang bumabalot sa mukha ni May nang pagbuksan niya gate ang kanyang kaibigan.

"Si Ate Leila kasi eh…" sagot niya rito kasunod ang malalim na bugtung-hininga.

Sa kilos palang niya ay nahalata na ni Princess na mabigat ang pinagdadaanan niya ngayon. "Sige dun tayo sa kwarto ko…" aya nito para makapag-usap na sila ng maayos.

Kaagad silang umakyat sa ikalawang palapag ng bahay. Nang makapasok sa pinakadulong silid ay marahang siyang umupo sa kama ng kanyang kaibigan.

"Si Ate…nilait si Dino." pauna niyang kwento.

"So, nagalit ka?"

"Of course, kaya nag-walk-out ako sa breakfast namin kanina."

"Wag kang magagalit ha, pero mukhang parehong mapanglait yung nanay at ate mo." Hindi na rin napigilan ni Princess ang kanyang sarili, kaya nagpakatotoo na lang siya sa kanyang naiisip.

"Siguro nga tama ka…"  malungkot pa rin niyang sagot. "Pareho nga sila ni Mommy 'no."

"Tama na nga 'to. Hayaan mo na lang silang dalawa." pabirong sagot ni Princess para mapasaya na siya. "By the way, where's your cellphone?" tanong pa nito.

"Ah…yun ba…"  Dahan-dahan naman niyang kinuha ang cellphone sa kanyang bulsa, " Eto oh…"

"Oh, dali tawagan mo na si Dino…" agad nitong utos sa kanya. 

Agad niyang idinial ang numero ni Dino na 09205828355. Bakas sa kanyang mukha ang kasabikang muling marinig ang tinig ng kanyang iniibig.

Ilang sandali siyang naghintay, pero patuloy lang niyang naririnig ang pagring ng cellphone ni Dino. Pero bakit kaya hindi  pa nito sinasagot?

"Oh, ano Sis, wala pa ba?" usisa ng naiinip na ring si Princess.

"Wala pa, di pa niya sinasagot eh…" nalulungkot na naman niyang sagot. Bakit kaya hindi sinasagot ni Dino ang tawag niya?

Matapos ang ilang ulit na pagtawag ay napayuko na lang siya habang dahan-dahang ibinababa ang kanyang cellphone. 

"Sis, bakit?" usisa muli ni Princess sa kanya.

"Bakit di niya sinasagot…?" mahina niyang sagot, "…siguro nakalimutan na niya ako…"

"Ano ka ba, tawagan mo kaya uli para di ka nagkakaganya 'no". giit ni Princess dahil sa agad na pagkawala ng tiwala niya kay Dino. Sa palagay nito, hindi naman ito gustong gawin ni Dino. Paano kung di pala niya naririnig ang pagtunog ng kanyang cellphone? 

Nang halos hindi na siya umiimik ay kinuha ni Princess ang kanyang cellphone. Muli nitong idinial ang numerong 09205828355, upang makausap na niya si Dino. Ngunit makalipas ang ilang sandali ay hindi pa rin sumasagot si Dino. Patuloy lang iyon sa pag-ring, ng walang sinumang sumasagot, hanggang sa bigla na lang itong nawalan ng signal.

“Ano ba yan, wala na…” inis ding sabi ni Princess habang nakatitig sa kanya. Kaya napansin din nitong nangingilid na ang kanyang mga luha.

May Rain's TearsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon