Chapter 1

3.1K 56 0
                                    

I am busy stalking Emmanuel Montefalco sa magazine na hawak ko. Bagong release ito at mukha niya ang nasa unang artikulo. Hindi ko maiwasang pasadahan ng aking kamay ang kanyang gwapo at seryosong mukha. Para itong modelo na nang aakit sa tagapagbili.Ilang babae na kaya ang naging girlfriend niya? Bukod kasi sa  puro tungkol sa pagiging mayaman niya ang pinag-uusapan sa diyaryo may bago na namang lumabas na balita na isa raw itong Mafia Boss. A ruthless mafia boss.

"Kung nakakabuhay lang ng isang bagay ang titig, kanina pa nakatayo si Emmanuel sa harapan mo. Tulo laway ka na girl."

Napasimangot ako. Pasalampak na umupo si Cathalea sa kama ko.

Hinampas niya ang puwetan ko. " Bumangon ka na. Mag shopping tayo."

Umingos ako at tumihaya. Itinaas ko ang magazine na hawak ko at muling tiningnan ang gwapong binata." Ayoko. Sayang sa pera.

"Kahit sabihin kong nandoon ang lalaking kinabaliwan mo? Ayaw mo parin?"

Mabilis pa sa alas kwatro na tumalima ako sa banyo at nagmadaling maligo. Narinig ko pa ang tawa ni Cathalea at ang paglagabong ng pinto sa banyo ko nang may tinapon siya doon.

Mula noong college days ko pa pinagpantasyahanan si Emmanuel nang unang lumabas ang kanyang mukha sa magazine noong siya na ang naging CEO nang Montefalco Shopping Mall. Ngunit dalawang taon na ang lumipas hanggang sa magazine ko lang siya nasisilayan. Bihira lang ito magpakita sa mga tao, sa media. Lagi raw itong nasa opisina kaya ganon nalang ang tuwa ko nang sinabi ni Cathalea na nandoon siya sa kanyang mall.

"Himala at lumabas siya sa kanyang lungga," ani ni Cathalea na nasa cellphone ang tingin.

Tapos na akong maligo at hirap akong humanap ng damit na susuotin ko. Kailangan maayos ang suot ko at presintable kapag nagkita kami.

"Agrh! Wala akong maisuot."

"Mag t-shirt at pantalon ka na lang. Hindi naman magtagpo ang landas ninyong dalawa."

Yeah. She's right. Emmanuel is a snob and cold guy. Hindi ito kumakausap ng taong hindi niya kilala. Kahit madapa ka ni hibla ng buhok mo hindi  niya hahawakan upang tulungan ka. Kahit tapunan ka ng tingin hindi niya iyon gagawin.

"Fine," pagsuko ko sa pamimili ng damit na suotin ko at dinampot ang high waist ripped jeans at brown crop top na damit.

"Bilisan mo baka hindi na natin iyon maabutan."

"Tapos na ako. Tara na."

Nagmadali kaming sumakay sa kotse ni Cathalea nang makalabas kami sa apartment ko. Tumawag si Ashnaie at pinapadali kami dahil maya-maya ay mag ikot na si Emmanuel sa buong store. Nagtataka man kung bakit sa dalawang taon niya bilang CEO ay ngayon lang siya mag ikot sa loob ng mall niya.

"Nakita mo na ba siya?" Agad na tanong ko kay Ashnaie ng makarating kami.

"Hindi pa. Pero ayon sa pinagtanongan ko dito raw sa super market siya unang mag rounds."

Cathalea scoffs. " Kaya dito ka tumambay sa food stall? Good idea Ashnaie."

Sinubo nito ang siomai at ngumisi." Of course. I'm genius. "

Tumabi ako ng tayo sa kanila at nilibot ang tingin sa paligid baka nandito na siya at hindi siya nakita ni Ashnaie. Bumili na rin ako ng siomai at pizza  dahil hindi ako nakapag almusal sa pagmamadali ko na makita si Emmanuel.

"Kanina pa tayo dito wala parin siya. Baka mali ang dinig mo Ashnaie," giit ko.

Ubos na ang binili kong siomai at pizza na ngangalay narin ang paa ko sa kakatayo pero hindi parin siya bumaba.

My Ruthless Mafia Husband [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon