Tulala ako na hinihintay ang kaibigan ko sa parking lot. Hindi parin ako makapaniwala sa nangyari. Ilang beses ko nang tinampal ang mukha ko baka nag i-imagine lang ako pero hindi talaga. Ramdam ko parin ang matigas niyang braso na naka pulupot sa baywang ko. At ang kanyang baritong boses na parang sirang plaka na paulit-ulit na naglalaro sa isip ko.
"Sigurado ka nakita mo siya?" Naniniguro na tanong ni Cathalea.
Tumango ako. Walang salita na sumakay sa loob ng sasakyan.
"Namatanda yata ang kaibigan natin," ani Ashnaie na naka kunot ang noo na lumingon sa akin. Binato niya ako ng tissue. "Hoy! Anong nangyari sayo?"
"Kung panaginip lang ang lahat ng ito huwag niyo na akong gisingin," mahinang usal ko sa kawalan.
"Ano kaya ang nangyari bakit naging ganyan siya?" Rinig kong usal ni Cathalea.
Hanggang makarating kami sa apartment ko ay tulala parin ako. Nang makapasok ako sa kwarto ko doon hindi ko na napigilan ang maglupasay sa ibabaw ng aking kama sa subrang tuwa.
"Hindi parin ako makapaniwala!" Gigil na sambit ko na parang bulate na inasinan.
"Why? What happened?" Tanong ni Ashnaie at umupo sa dulo ng kama . Umupo rin si Cathalea sa kabila at magkaharap sila sa akin.
Sumandal ako sa head board ng kama hindi mapalis ang ngiti sa labi. "Nagkabungguan kami kanina doon sa food court sa escalator banda at oh my god," tili ko. " Sinalo niya ako para hindi ako matumba. 'Yong kamay niya nakapulupot sa baywang ko. "
" Wahhh! As in? "
" Wehh! Di nga! "
Hindi makapaniwala na sambit nilang dalawa.
" Oo nga. Ang bilis kasi ng pangyayari. Basta, namalayan ko nalang na nakahawak na ako sa braso niya at sa damit niya sa bandang dibdib. "
" Ang landi mo! " Gigil na singhal ni Cathalea at hinampas ako ng unan.
" Hindi ko alam. Okay?, " Depensa ko
Humalukipkip si Ashnaie, kunot noo na tumitig sa'kin. "Ayoko sana maniwala sa sinabi mo pero dahil kilala kita . .yeah, ituloy mo ang kwento. Matikas ba ang braso at dibdib niya?" Tumango ako. Napahiyaw ako ng dinambahan niya ako . " Hitad ka! Ano pa nangyari? Gaga! Bakit kasi naisipan ko pang maghiwalay tayo sa paghanap sa kanya."
Isinalaysay ko sa kanila ang nangyari mula simula hanggang sa nagkabungguan kami ni Emmanuel. Panay ang hampas nilang dalawa sa akin, kinikilig sa nangyari. Ano pa kaya ako. Subrang kilig at saya ang naramdaman ko. Pangarap ko lang ang makita siya pero hindi ko inaasahan na mahawakan at marinig ko pa ang boses niya.
"Worth it ang 5k na bill ko sa grocery," ani Ashnaie.
"Dahil diyan. Umalis na kayo at mag sleeping beauty na ako," tumatawa na saad ko.
Sinimangutan ako nang dalawa at walang pasabi na tumabi ng higa sa akin at niyakap ako ng mahigpit.
"Dito ako matutulog," si Ashnaie.
"Ako rin," si Cathalea.
I chuckle. " Oo na. Oo na, bitaw na hindi ako makahinga."
"Arte nito," asik ni Ash at niluwagan ang pagyakap sa akin. " So, ano ang next plan?"
Plan? Wala akong next plan sapat na sa akin ang ganap kanina. Ayoko magplano dahil baka hindi naman matuloy. Hayaan ko na si tadhana kung pagtagpuin niya kami ulit. Ang hirap kaya niyang hagilapin. Ang hirap niyang abotin sa subrang taas niya para sa isang tulad ko na mababa lang. He is a millionaire. Samantala ako umaasa lang sa tulong ng mga kaibigan ko. May trabaho ako ngunit hindi sapat ang kita ko, sakto lang ito sa pang araw-araw na gastosin ko. Kaya ayoko nang mangarap ng mataas. Ayoko pangarapin ang isang Emmanuel Montefalco dahil hindi ko siya kayang abotin.
BINABASA MO ANG
My Ruthless Mafia Husband [COMPLETED]
General FictionR-18. Not suitable for young readers. Debbie Mae Layson, ang babaeng naghahangad na mapansin at makita ng lalaking pinagpantasyahan niya sa magazine; si Emmanuel Montefalco. Ngunit sa hindi inaasahan, dahil sa dare ng kanyang kaibigan na akitin...