Chapter 3

1.8K 37 2
                                    

Kinabukasan. Na gising ako sa tunog ng alarm clock. Dinampot ko ang magazine sa ibabaw ng mesa ko at gigil na tiningnan ang gwapong mukha ni Emmanuel. Bago ko pa makalimutan na may trabaho ako nilapag ko iyon at nagmadaling pumunta sa banyo at maligo.

Dahil walking distance lang naman ang pinagtrabahuan ko naglakad nalang ako at sayang sa pamasahe. Nagtatrabaho ako bilang janitress sa isang coffee shop, college graduate ako pero dahil sa apelyedong Layson na dala ko hindi ako matanggap sa kompanya na pinag-aplayan ko. Unfair, dahil wala naman akong kinalaman sa kagagawan ng ama ko pero dahil dala ko ang apelyedo niya dawit parin ako. Mabuti nalang at na tanggap ako dito kahit janitress basta may trabaho ako at pambili ng makain ko.

Nag umpisa na akong magtrabaho. Ito ang routine ko hanggang sa matapos ang working hour ko. Nakakapagod pero kayanin dahil wala naman akong ibang maaasahan. Ang tatay ko hindi man lang ako magawang tawagan simula noong magtago siya. Kaya kahit mahirap tinitiis ko dahil may pangarap ako pero hindi ko alam kung hanggang kailan ko ito kayang tiisin.

Dalawang araw bago ang birthday ko may perang pumasok sa bank account ko ,alam ko si papa ang nagbigay niyon ngunit hindi ko siya magawang tawagan upang magpasalamat. Nagtatampo ako sa kanya. Galit. Hindi ko alam. Basta ayoko siyang makita o maka-usap man lang. Hindi ko ginalaw ang pera na bigay niya may sarili naman akong pera at hindi ko kailangan mag celebrate ng birthday ko nang bongga. Sabi nga si Cathalea baka may plano si Ashnaie.

"Make a wish," masayang sambit ni Ashnaie.

October 10-friday.My birthday.Pumikit ako at binulong sa aking isipan ang wish ko. Nang hipan ko ang kandila sabay nila akong binati ni Cathalea ng happy birthday. We celebrate my birthday in a fancy restaurant na pagmamay-ari ng boyfriend ni Ashnaie. Naka-VIP pa kami.

Ang regalo ni Ashnaie ay gold necklace. Literal na gold. At kay Cathalea keychain na may picture naming tatlo. Niyakap ko sila at mangiyak na nagpasalamat.

"Shopping? Another birthday treat?"

"Huwag na Ash," tanggi ko. "Sayang sa pera alam mo naman hindi ako materialistic na tao."

"Alam ko na!" Ngumunguya na singit ni Cathalea. "Pajama party tayo sa condo. Mag take out nalang tayo ng foods."

"Agree ako. Nag leave rin ako ng dalawang araw sa trabaho," sagot ko.

"Sige. Sagot ko na foods," si Ashnaie.

"Alak na akin," si Cathalea.

Nang matapos kaming kumain nagpa take out si Ashnaie at dumiritso kami sa condo ni Cathalea. Dahil busog pa kami nag movie marathon muna kami at nagluto si Cathalea ng popcorn at fries.

"May naisip akong laro," sambit ni Ash." Spin the bottle tayo. Truth or dare at kapag hindi mo nagawa ang may consequence. "

" Dare, " agad na sagot ko.

" Hindi pa nga nag umpisa ang laro nag dare ka na, " asik ni Ashnaie nakabusangot ang mukha.

Humalukipkip ako." Alangan naman mag truth ako parang hindi ninyo ako kilala. Wala akong maitago na sikreto sa inyo. "

" Oo na," masungit na saad niya."  Dahil nag dare ka. I dare you to seduce Emmanuel Montefalco. "

Napanganga ako at gulat na tiningnan siya." Ang hirap naman 'yan, " reklamo ko." Hirap hagilapin ang taong yan. Iba na lang. "

" Ayaw mo non, thrilled? Ano game? " Nakangisi na sagot ni Cathalea. "May  premyo . Kapag nagawa mo. Trip to Paris ang prize mo. "

" Aakitin lang naman diba? " Paniniguro ko.

" Yeah. Iyon lang, " kibit-balikat na sagot ni Ashnaie.

Bumuntong hininga ako. Bakit kasi nag dare kaagad ako ayan tuloy napasubo. Paano ko iyon gagawin wala naman akong alam sa mga ganyan.

My Ruthless Mafia Husband [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon