Pakiramdam ko may sumusunod sa akin habang naglalakad ako papunta sa coffee shop na pinagtatrabahuan ko. Sa tuwing lilingon ako wala namang tao. Pa linga-linga rin ako sa paligid baka nagtatago siya ngunit wala naman. Binaliwala ko ang pakiramdam na iyon at nagmadali sa paglakad. Paliko na ako sa kanto nang may tumawag sa akin na nagpadaga sa puso ko.
"Miss Debbie."
Binilisan ko ang aking paglakad ganoon din ang taong sumusunod sa akin.
"Miss Debbie, gusto ho kayong makita ng daddy ninyo."
Hindi ko siya pinansin. Patuloy parin ako sa paglakad. Gusto ko rin siya makita ngunit ayaw ko sa paraan na gusto niya. Ayoko magkita kami sa tagong lugar na parang isang kreminal. Dawit na ako sa paratang sa kanya at ayaw ko nang dagdagan pa iyon. Kung gusto niya akong makita. Kung gusto niya akong makasama, linisin niya ang pangalan niya sa publiko at sasama ako sa kanya ng walang pag-alinlangan.
Nang malapit na ako sa coffee shop ay tumakbo ako at mabilis na pumasok sa loob.
"Ouch."
"Aray."
Mabilis akong tumayo at tinulungan ang babaeng na bangga ko na tumayo.
"Sorry ma'am. Pasensya ho hindi ko kayo nakita," paghingi ko dito nang pasensya.
"It's okay. You seems in hurry," saad nito sa malambing na tono.
Ang ganda niya at ang bait pa. Pinulupot niya pa ang bag ko na nasa sahig at sinukbit iyon sa balikat ko.
She give me a small smile. "Wala bang masakit sayo.?"
Umiling ako. "Wala ho. Ikaw ma'am baka may masakit sayo, baka may galos ka. Pasensya ho talaga ma'am nagmamadali kasi ako hindi ko kayo nakita, " senserong paliwanag ko.
" You okay? "
Nanindig ang balahibo ko nang marinig ang pamilyar na boses sa likuran ko. Ang kanyang pabango na nagpaliyo sa huwesyo ko. Hindi ako sigurado kung sino sa aming dalawa ng babae ang tinanong niya dahil maski ito ay hindi sumagot sa lalaki.
Nanuyo ang lalamunan ko at pakiramdam ko namutla ako nang huminto siya sa harapan namin at sinuyod nang tingin ang babaeng nasa harapan ko.Umangkla ang babae sa kanyang braso at matamis na ngumiti.
"I'm okay. Hindi naman niya sinadya."
Tumango siya. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko nang saglit siyang lumingon sa akin.
"C'mon babe. I'm hungry na."
Nanigas ako sa aking kinatayuan. At biglang sumilay ang kakaibang kirot sa puso ko nang marinig ang sinabi ng babae. May girlfriend na siya. May ibang mahal ang lalaking gusto ko.Buong hapon akong matamlay sa trabaho hanggang sa pag uwi ay parang lantang gulay ako. Pabagsak akong humiga sa kama at malakas na bumuntong hininga.
"Argh! Ano ba ang nangyari sa akin? Hindi naman ako ganito ah!" Frustrated na sambit ko. "Ang bigat ng loob ko. Naninikip ang dibdib ko. Ano ba 'tong nangyari sa'kin?!"
Napasabunot ako sa buhok ko sa inis sa sarili kung bakit ako nagkaganito. Naramdaman ko lang ito kanina nang malaman ko na may girlfriend na si Emmanuel. Pikit ang mata na dinampot ko ang magazine kung nasaan nakapaskil ang mukha niya at tinapon iyon s ilalim ng kama. Hanggat maaga pa kailangan ko siyang kalimutan. Hanggat crush ko palang siya kailangan ko ng burahin iyon sa aking isipan. Hindi ako pwede magkagusto sa kanya. May girlfriend na siya. Ayoko mahulog sa isang tao na may mahal ng iba. Crush ko lang naman siya. Madali lang mawala iyon.
Lalong nanikip ang dibdib ko sa naisip ko. Parang hindi ko kaya. Tatlong taon ko siyang hinahangan hindi ganon kadali na kalimutan siya ng ganoon lang kabilis. Kinuha ko ang cellphone ko at nag tipa doon, wala akong masabihan nitong nararamdaman ko kaya dito ko nalang ilabas sa pagtipa sa cellphone ko.
BINABASA MO ANG
My Ruthless Mafia Husband [COMPLETED]
General FictionR-18. Not suitable for young readers. Debbie Mae Layson, ang babaeng naghahangad na mapansin at makita ng lalaking pinagpantasyahan niya sa magazine; si Emmanuel Montefalco. Ngunit sa hindi inaasahan, dahil sa dare ng kanyang kaibigan na akitin...