Chapter 5

1.8K 37 0
                                    

Ang sakit ng ulo ko. Parang pinukpok ng martilyo. Punyemas na Ashnaie 'yon alam niyang hindi ako umiinom ayan tuloy napasubo ako. Nasaan ba ako? Hindi naman ganito ka lambot ang kama ko. Baka sa condo ni Ash. Sumiksik pa ako sa unan na yakap ko. Ngunit ang pinagtataka ko bakit ganito ang unan na kayakap ko?  Mainit. Matigas at parang may buhay. Pero ang sarap yakapin. Ang huling naalala ko nasa bar kaming tatlo at sinabi ni Ash na gawin ko na ang dare nila sa akin  at lumapit ako sa table kung saan naka upo doon si Emmanuel, at.

Napamulat ako nang may maramdaman na matigas na bagay na sumundot sa bandang tiyan ko. Napakurap-kurap ako ng makita ang isang matipunong dibdib kung saan naroon ang palad ko,wala itong suot na damit kaya't ramdam ko ang init ng katawan niya. At ngayon ko lang namalayan na nakayakap ito sa akin at nakatanday ang isang  paa. Hindi ako gumalaw, natatakot na magising siya. Napalunok ako at pamilyar sa akin ang amoy niya. Muntik ko na siyang maitulak pag-angat ko nang tingin at nakomperma na si Emmanuel nga ang kayakap ko at kasamang natulog.

Ginawa kong unan ang kanyang braso. Ang kanang kamay ko ay nasa kanyang dibdib at siya payapang natutulog habang nakatanday at yakap ako. Ganoon nalang ang kabang naramdaman ko nang mapansing wala akong suot na damit. Tanging bra at panty nalang at si Emmanuel ay naka boxer short. Dahan-dahan kong tinanggal  ang kamay niyang nakayakap sa akin baka magising siya. Kasunod ang kanyang paa . Babangon na sana ko at umalis ng may nagsalita na kinaputla ko.

"What tha fuck is your doing Emmanuel?"  Dumagundong ang boses sa loob ng silid." What is this  Emmanuel? You fuck a girl without telling me that you have a girlfriend?"

Itinago ko ang katawan ko sa ilalim ng kumot sa labis ng takot at kaba. Gusto kong maglaho sa subrang hiya  sa nangyari.

"It's not what you think, dad."

Pumupungas na sagot ni Emmanuel at bumangon upang harapin ang ama. Siya si Senyor David Montefalco ang ama ni Emmanuel. Sa lahat ng kahihiyan na dinanas ko ito ang kahihiyan na gusto kong iumpog ang ulo ko. Sa harap pa talaga ng isang David Montefalco, sa ama ng lalaking gusto ko. Wala ka talagang delikadesa Debbie Mea.

Seryoso ang mukha ng Senyor . "Then what? A fuck body? Hindi ka namin pinalaki ng ina mo para gawing parausan ang isang babae," napayuko ako ang higpit ng hawak ko sa kumot. "Now , get up and marry her. Now!"

Gulat akong tumingin sa matandang galit. Marry? Kasal? Now na? Oh no. Hindi pa ako sa handa sa ganito. Wala ito sa plano ko.

"Dad-,"

"Ikaw? " Hindi siya pinansin ng ama at tumingin ito sa akin." Tawagan  mo mga magulang mo, hindi ko hahayaan na pagkatapos ng lahat itapon ka lang na parang basura ng anak ko."

"Wala ho akong mga magulang . .at hindi naman ho kailangan na pakasalan ako ni . .hindi ho kailangan sir."

"No," matigas na sabi nito. " Isang kahihiyan iyon sa aming angkan. .may rules tayo Emmanuel at alam mo kung ano ang consequence  niyon."

" Pero wala- namang nangyari sa atin diba? " Mahinang tanong ko kay Emmanuel.

Hindi niya ako sinagot. "Get up and fixed yourself," utos ni Emmanuel sa akin at sumunod siya ama.

Napasabunot ako sa aking buhok. Ano ba itong pinasok ko? At bakit kasama ko siya sa iisang silid? At malala nakita kami ng ama niya at ngayon gusto niyang pakasalan ako ng anak niya? Bago pa ako maiyak sa inis inayos ko ang aking sarili at nakayuko na lumabas ng silid.

"Let's go."

Parang aso akong nakasunod sa mag-ama walang nagsalita hanggang sa pumasok kami sa elevator.

"Nakahanda na ang damit na susuotin ninyo.Dumiritso na tayo sa  munisipyo. Iha, pasensya kana kung sa munisipyo muna gaganapin ang kasal ninyo. Huwag kang mag-alala sa church wedding ninyo kayong dalawa mismo ang mag plano."

My Ruthless Mafia Husband [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon