Chapter 6

1.6K 37 0
                                    

Ano kaya ang buhay na danasin ko kasama si Emmanuel? Masaya ba? Malungkot? Hirap? Hindi namin kilala ang isa't isa, lalo na siya. Siguro, ngayon niya lang din nalaman ang pangalan ko. At ako, kilala ko lang siya sa mga sulat sa magazine na nabasa ko. Totoo kaya ang lahat ng mga iyon? O, gawa-gawa lang dahil sa sandaling kasama ko siya batid ko ang kagaspangan ng ugali niya bagay na hindi naisulat sa magazine niya.

Hindi ko namalayan nakatulog na pala ako. Paggising ko madilim na. Dala sa sinag ng ilaw mula sa poste sa labas ng bahay, tumayo ako sa binuksan ang ilaw. Hindi pa ba nakauwi si Emmanuel? Lumabas ako nang kuwarto, walang ilaw sa sala kaya panigurado hindi pa nakauwi si Emmanuel. Nangangapa na tinungo ko ang switch ng ilaw at binuksan iyon. Sinilip ko ang labas ng bahay wala pa doon ang sasakyan niya.

Dahil busog pa ako, umupo ako sa sofa at nagpasyang hintayin nalang ang pag-uwi niya. Walang orasan kaya hindi ko alam kung anong oras na. Nanatili lang akong nakaupo nakasilip sa labas ng bintana. Hindi ako natatakot o namamahay dahil sanay naman akong matulog na mag-isa. Nag-alala ako dahil hanggang ngayon hindi parin siya umuuwi.

Hindi ko alam kung ilang oras na akong naghihintay sa kanya. Hindi ko alam kung anong oras na. Inaantok na ako sa paghintay hindi parin siya dumadating. May emergency ba siyang pinuntahan? O baka. I sigh. Hindi nga pala ako ang mahal niya. Malamang nandoon siya sa babaeng mahal niya at iyon ang kasama niya. Ano pa nga ba ang aasahan ko. Honeymoon after wedding? Trip sa other country as a wedding gift?

Tumayo ako at dinoble check ang mga bintana at pintuan, nang masiguro na naka lock lahat bumalik ako sa aming kwarto at muling humiga.

What a nice wedding day. Ikinasal ng wala sa oras at ngayon matutulog na hindi alam kung nasaan ang asawa.

"Good night, Debbie. Good luck sa unang yugto ng buhay may asawa."

Napabalikwas ako nang bangon ng dumampi ang sikat ng araw sa aking mukha. Shit! Late na ako sa trabaho. Dali-dali akong bumangon at dumiritso sa banyo upang maligo, paglabas ko ng banyo saka ko lang naalala sa ibang bahay pala ko. Wala ako sa apartment ko at wala akong damit na dala. At hindi ako makapasok sa trabaho.Hinalungkat ko ulit ang damitan ni Emmanuel at kumuha ng t-shirt at boxer short.

Paano ako uuwi sa apartment ko kahit piso wala akong pera at ang cellphone ko.

"Cellphone! Ang cellphone ko! Shit! Naiwan ang bag ko sa sasakyan ni Emmanuel.Arggh!Tanga!"

Frustrated na sambit ko. Panigurado nag alala na si Cathalea at Ashnaie sakin. Sumilip ako sa bintana wala parin ang sasakyan niya hindi parin siya umuwi. Buntong-hininga na lumabas ako ng silid at dumiritso sa kusina. Ininit ko ang pagkain na niluto ko kagabi, marami ito kaya baka hanggang mamayang gabi ito parin ang ulam ko.

Sanay akong mag-isa.Sa tahimik na lugar. Pero ngayon . .ngayon ko lang naramdaman ang lungkot. Siguro dahil wala akong ibang mapagkaabalahan. Kain,tulog lang ang trabaho ko sa buong maghapon at walang nakaka-usap. Walang radyo. Walang tv. Walang kapit-bahay na nag-iingay. Ang peaceful dito sa village, kahit kahol ng aso ay wala akong narinig tanging tunog lang ng sasakyan kapag may dumaan dito sa harap ng bahay.

Katulad kahapon, naka-upo sa sofa hinihintay ang pag-uwi ng aking asawa. Buong araw hanggang mag dapit hapon ay wala parin siya. Hindi ako natulog kahit inaantok ako dahil baka uuwi siya at hindi ko siya maabutan. Bagot na ako sa kakahintay kaya lumabas ako sa maliit naming bakuran upang magpahangin at doon nalang siya hintayin. Ngunit nangangawit na ako wala parin siya.

I sigh. "Siguro, hindi siya uuwi."

Pumasok ako ulit sa loob ng bahay at dumiritso sa silid kung saan ang office niya. Naghanap ako ng ballpen at papel. Mabuti at marami siyang bond paper. Kumuha ako sampo at dalawang ballpen at pumasok sa silid namin. Ang vanity table ay nilipat ko malapit sa bintana ng aming silid, magaan lang naman kaya madali ko itong nalipat.

My Ruthless Mafia Husband [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon