Nagising ako ng hindi nadatnan si Emmanuel. Wala na rin ang sasakyan niya siguro nasa trabaho na ito. Pakiramdam ko pagod na pagod ako kahit iyon lang ang nangyari sa amin kagabi. Hindi na gaanong masakit ngunit mahapdi nang basain ko ito ng tubig. Ganito ba talaga ito? Nang matapos akong maligo damit parin ni Emmanuel ang suot ko. Pumunta ako ng kusina upang iluto ng pagkain ang sarili ko. Hindi man lang yata nag kape si Emmanuel.
Uminit ang mukha ko nang maalala ang nangyari kagabi. Hindi ko talaga iyon inaasahan. Ang pag-uwi niya sa bahay na mahigit isang linggo siyang wala. Ngunit ang pinagtataka ko bakit ganoon siya ka marahas sa akin? Hindi naman siya amoy alak kaya malamang hindi siya lasing. Pwede naman niya akong kausapin ng maayos. Tanungin sa mahinahon na paraan. Hindi iyong basta niya lang ako hablutin at idiin sa pader. Hindi ko akalain na ganoon pala siya ka haras kapag galit.
Malaki ang kasalanan ko sa kanya. Tama naman siya. Ano ang rason ko kung bakit inakit ko siya. Kasi hindi kami humantong sa ganito kung hindi ako desperada sa rason ko kung bakit napasubo ako sa ganoong bagay. Hindi ko naman masisi ang mga kaibigan ko dahil nasa akin parin naman ang desisyon kung gawin ko iyong inutos nila.
I sigh. Magpaliwanag ako kay Emmanuel. Sabihin ko sa kanya ang rason ko, kung hindi niya iyon matanggap ay ayos lang ang mahalaga nasabi ko iyon sa kanya. Ang gusto ko lang naman ay ang mapansin niya ako at magawa ang dare na iyon. Hindi ko intensyon na malasing at mawalan ng malay sa harap niya. At mas lalong hindi ko intensyon na dalhin niya ako sa condo niya at tabi kaming matulog dalawa.
Na stress na ako sa kakaisip sa sitwasyon ko ngayon kahit saglit gusto ko maging payapa ang isip ko at walang iniisip ng kung anu-ano. Pumasok ako sa kwarto nang matapos akong kumain, namula ang pisngi ko nang makita ang kaunting bakas ng dugo doon. Pakiramdam ko , ramdam ko parin ang matigas at malaki na alaga ni Emmanuel sa puke ko. Piniling ko ang aking ulo at dinampot ang kumot pati narin ang labahin ko, dinala ko iyon sa likod ng bahay kung saan naroon ang laundry area.
Kaya pala malaki sa akin ang boxer niya kasi malaki rin ang alaga na dinadala niya. Tinuktok ko ang ulo ko at binilisan ang pagkusot. Kumot at bed sheet lang ang nilagay ko sa washing machine. Ang damit at boxer na ginamit ko ay kinusot ko lang.
Magpaalam ako kay Emmanuel bukas na uuwi ako ng apartment at kukuha ng damit, kailangan ko rin mag trabaho hindi pwede na tambay lang ako dito at hintayin ang pag-uwi niya baka mabaliw ako sa pagkaburyo.
Nang matapos sa paglaba, nilinis ko ang buong bahay kahit wala namang dumi. Wala lang. Para may trabaho lang. Nakakapagod rin ang humilata buong maghapon. Pati sa labas ng bahay ay nilinis ko rin kahit wala naman tuyo na dahon. Para akong baliw na naglilinis sa malinis na palagid.
Gusto ko sanang lumabas at maglakad-lakad sa village ngunit hindi maayos ang damit ko. Alangan namang mag dress ako at mag lakad-lakad sa labas, diba? Mapagkamalan pa akong white lady. Nag sulat nalang ako at umidlip nang mapagod.
Na alimpungatan ako ng marinig ang paghinto ng sasakyan sa tapat ng bahay. Sa antok at pagod hindi ko na nagawang bumangon upang tingnan kung sino ito. Baka guni-guni ko lang wala naman akong inaasahan na tao. Napabalikwas ako nang bangon ng marinig ang pagbukas ng pinto sa pag-akalang magnanakaw ang pumasok.
“Manuel!” gulat na sambit ko sa pangalan niya nang malamang siya pala ang pumasok. Akala ko hindi siya uuwi gaya noong isang araw . "Umuwi ka pala.”
Pinatong niya ang bag na dala niya sa mesa. ”What do you expect?Bahay ko ‘to, syempre uuwi ako.” supladong sagot niya.
Natikom ko ang aking bibig. Lahat nalang may rason siya. Lahat nalang isasagot niya may punto siya. Umiwas ako ng tingin nang hubarin niya ang kanyang suot na polo.
“Magluto lang ako ng hapunan natin," pag-iba ko ng usapan at bumama sa kama." Anong ulam ang gusto mo?”
Padapa siyang humiga sa kama, walang suot na damit pang itaas. “Mag luto ka para sa sarili mo, hindi ako kakain.” bagot na sagot niya.
"Okay."
Usal ko at lumabas ng silid. Ang bilis nang tibok ng puso ko. Isipin ko pa lang na tatabi kaming matulog kinakabahan na ako. Pero malaki naman ang kama, hindi naman ako malikot matulog kaya ayos lang iyon siguro sa kanya.
Bigla akong natakam nang makita ang shrimp. Kinuha ko iyon at binabad sa tubig. Habang nakababad , nagsaing ako ng kanin at nag hiwa ng lamas para sa garlic buttered shrimp na lulutoin ko. Hindi na ako makapaghintay, takam na takam na ako.
Nakasandal ako sa ref habang hinihintay kong maluto ang shrimp. Napatuwid ako nang tayo ng makita si Emmanuel na papunta rito. Wala parin siyang damit ngunit naka pajama ito. Napalunok ako nang makita ang perpekto niyang abs at v-line. Umiwas agad ako nang tingin nang dumapo ang paningin ko sa maumbok niyang hinaharap. Nagkunwari akong busy sa aking niluluto. Kumuha siya ng baso at tubig sa ref. Iinom pala siya.
"Kumain ka muna," usal ko nang matapos siyang uminom.
Hindi niya ako sinagot at naglakad papuntang office niya. Mahina akong napabumuntong-hininga . Huwag kasing pilitin ang ayaw, Debbie. Tahimik akong kumain. Nagtira rin ako ng ulam baka gutomin si Emmanuel mamaya at para may ulam na rin ako bukas.
Pagkatapos kumain bumalik ako sa kuwarto. Nasa kabilang kuwarto parin si Emmanuel. Saglit pa akong nag muni-muni bago matulog ulit. Ngunit hindi ako makatulog, nakapikit ang mata ko ngunit gising ang diwa ko. Inis na bumangon ako sa kama at naglakad paroon parito sa loob ng kuwarto, nakapikit ang mata at nakatingala kisame. Bakit ba hindi ako makatulog?!
"What are you doing?"
"Santisima!" napahawak ako sa aking dibdib sa gulat. Bahagyang nakasalubong ang makapal niyang kilay, nagtataka sa ginagawa ko. Naglakad ito palapit sa kama hindi inalis ang tingin sa akin. Umayos ako ng tayo.
"Ah. Nagpapa-antok lang," naiilang na sagot ko.
Hindi siya muling nagsalita. Palihim ko siyang sinundan ng tingin, patihaya siyang humiga kama. Hinila niya ang kumot hanggang sa dibdib niya. Ang kanang braso ay nakapatong sa kanyang noo na bahagyang nakatabon sa kanyang nakapikit na mata.
Nagtataka na sinundan ko siya nang tingin nang tumayo siya at hinalungkat ang kanyang bag. Nakatayo parin ako sa gilid ng kama, nagdalawang-isip kung tatabi ako nang higa sa kanya.
Nagtataka na tinanggap ko ang ATM card na inabot niya sa akin.
"Use this to buy your things."
Bumalik ulit siya sa kama. Ganoon ulit ang posisyon niya.
“Ah. Emmanuel," kinakabahan na usal ko,hindi siya sumagot. "May trabaho kasi ako. .ano. . kailangan kong pumasok bukas or sa makalawa. "
“Gawin mo kung ano ang gusto mong gawin basta siguraduhin mong hindi madadawit ang pangalan ko sa anomang mangyari sayo," sagot nito sa malamig na tono.
"Naintindihan ko."
"Patayin mo ang ilaw, hindi ako makatulog kapag maliwanag."
Tinungo ko ang switch ng ilaw at pinatay iyon. Tanging liwanag ng ilaw mula sa poste sa labas ang silbing munting liwanag namin dito. Dahan-dahan akong humiga sa dulo ng kama at hinila ang kumot hanggang dibdib ko. Dilat parin ang mata ko at hindi gumalaw sa puwesto ko kahit paghinga ko ay dahan-dahan takot makagawa ng ingay.
"Breath, Debbie. Baka malamig na bangkay kana bukas sa pagpigil mo ng hininga mo."
I breath heavily nang magsalita siya. Lalo akong nanigas sa puwesto ko.
"Umusog ka dito. Malaki ang kama. Kargo pa kita kapag nahulog ka at mapilayan ka."
Umusog ako nang kaunti at dahan-dahang tumalikod sa kanya. Hindi ko kaya matulog na kaharap siya. Nanibago parin ako na may katabi akong lalaki na matulog. Kahit hindi pa inaantok pinikit ko ang aking mata at pinilit na matulog. Hindi ako pwedeng maglikot o mag-ingay,may trabaho pa si Emmanuel bukas kailangan na niyang matulog.
Hindi ko alam kung ilang oras bago ako iginupo ng antok. Naramdaman kong gumalaw ang kama, sinamantala ko iyon na gumalaw at tumihaya ng higa. Muling gumalaw ang kama. Hindi ko magawang imulat ang aking mata para tingnan kung umalis si Emmanuel o kung humiga ulit sa tabi ko sa subrang antok ko.
Naramdaman ko ang mainit na bagay na dumampi sa noo ko bago ako tuloyang nakatulog. Ito ang unang gabi na nakatulog ako nang maayos simula noong ikinasal kami ni Emmanuel.
BINABASA MO ANG
My Ruthless Mafia Husband [COMPLETED]
Fiksi UmumR-18. Not suitable for young readers. Debbie Mae Layson, ang babaeng naghahangad na mapansin at makita ng lalaking pinagpantasyahan niya sa magazine; si Emmanuel Montefalco. Ngunit sa hindi inaasahan, dahil sa dare ng kanyang kaibigan na akitin...