Chapter 8

1.6K 34 0
                                    

Muntik ko nang maitulak si Emmanuel sa gulat nang pagmulat ko nakayakap na ako sa kanya. Banayad ang kanyang bawat paghinga. Ang kanyang kanang kamay ay nakapatong sa kanyang noo at ang isa ay ginawa niyang unan. Umingos ako at dahan-dahan na bumitaw nang yakap at tumalikod nang higa sa kanya. Kaya pala masarap ang tulog ko dahil kumportable ako sa kayakap ko na akala ko unan. Ang matigas na hubad na katawan pala iyon ni Emmanuel.

Nanatili muna akong nakahiga ng sampong minuto bago naisipang bumangon. Anong oras na ba? Nagtungo ako sa kusina at nagluto. Bacon at omelette ang niluto ko since may shrimp pa naman akong natira kagabi. Pinainit ko iyon at ginawa kong fried rice ang tira kong kanin kagabi. Sayang kung itapon, maraming tao ang nagugutom tapos ako magsayang lang ng pagkain.

Nilapag ko iyon lahat sa lamesa pagkatapos maluto ang lahat at bumalik sa kwarto para maligo. Ngunit nasa banyo si Emmanuel kaya sa banyo dito sa kusina nalang ako naligo. Since may lakad ako ngayon, 'yong dress na suot ko noong kasal namin ang suot ko ngayon. Paglabas ko ng banyo siya ring pagpasok ni Emmanuel sa kusina. Sandali pa itong huminto nang makita ako , blangko ang kanyang tingin at walang salita na dumiritso sa ref at uminom ng tubig.

'Wala manlang good morning. Kahit hi. ' himutok ko sa aking isipan.

"Kumain ka muna, marami naman itong niluto ko, hindi ko ito maubos," alok ko sa kanya at kumuha ng plato. " Gusto mo ba ng kape? Ipagtimpla kita."

"Alahanin mo ang sarili mo hindi ang ibang tao."

Malamig na saad niya at tinalikuran ako pabalik sa kwarto. What's wrong with him? Siya na nga itong inaalala siya pa nag iinarte! Ginagampanan ko lang ang papel ko bilang asawa niya kahit hindi naman siya nagpaka-asawa. Kasal lang kami sa papel. Pero hindi niya ako mahal. Pero sa ngalan ng asawa kaya ko gampanan ang papel ko sa buhay niya kahit walang kapalit.

Hinugasan ko ang pinagkainan ko pagkatapos kong kumain. Pumasok ako sa kwarto upang magpaalam kay Emmanuel na aalis na ako. He's wearing a black long sleeve, nakaharap siya sa salamin habang tinutupi ang manggas nito hanggang siko. Kumabog ang puso ko nang magtagpo ang tingin namin sa salamin.

I cleared my throat. " Aalis na ako. .sa ano lang ako p-pupunta-, "

Kinuha niya ang kanyang coat at bag. " Sumabay kana sa akin. "

" Hindi na-, "

" Sa mall ang punta ko, sumabay ka na. "

Dinampot ko sa ibabaw ng mesa ang atm na bigay niya at nagmamadaling sumunod sa kanya sa labas. Ni lock ko ang pinto at patakbo na lumapit sa kanyang sasakyan na nakaparada sa gilid ng bahay. Nasa driver set na siya ngunit nakabukas pa ang pinto nito.

"Hey!"

Nagtataka na tiningnan ko siya nang tawagin niya ako nang buksan ko ang pintuan ng sasakyan sa likod.

"Anong akala mo, taxi itong sasakyan mo? Dito ka sa harap," masungit na saad niya at sinara ang pinto.

Tumakbo ako paikot sa passenger seat at nagmadaling sumakay doon, muntik pa ako ma untog. Pagka-upo ko, inabot niya sa akin ang sling bag ko na naiwan ko dito one week ago. Hindi man lang siya nag response nang magpasalamat ako. Binuksan ko iyon at hinanap ang cellphone ko. Shit! Patay ako kay Cathalea at Ashnaie nito!

"May charger ka?" Nahihiya na tanong ko sa kanya. " Lowbat kasi."

Kinuha niya ang power bank sa bag niya at inabot sakin ng wala man lang salita. May speaking disorder yata siya. Tinanggap ko iyon at nagpasalamat. Hinayaan kong naka charge ang phone ko hanggang sa makarating kami sa kanyang shopping mall.

Nilahad niya sakin ang kanyang kamay. "Akin na cellphone mo," saad niya nang huminto kami sa parking lot.

"Ha? Aanhin mo ang cellphone ko?" Takang tanong ko at nilapag iyon sa palad niya.

My Ruthless Mafia Husband [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon