Nahihiya na ngumiti ako kay Bethany na hanggang ngayon ay tulala parin. Nasa harap ng counter lang ako nakatingin, umiiwas sa mapanusok na tingin ng mga empleyado. Sa ilalim ng nakayuko kong ulo sinamaan ko ng tingin si Emmanuel. Natutuwa ako na sinabi niya sa publiko na asawa niya ako pero hindi niya ba naisip na baka pag piyestahan ako ng mga tao lalo na ang media kapag nalaman nila ito?
Oh my god! Hindi ko maisip kung sakaling mangyari man ito. Ginulo ko ang buhay ni Emmanuel ayoko nang dagdagan pa iyon lalo na at hindi maganda ang background status ko. Ayoko ma ungkat ang tungkol sa pamilya namin lalo na ang pagkamatay ni mama. Masakit parin sa akin ang nangyari at hanggang ngayon hindi parin iyon nabigyan ng hustisya. Hindi bale na ako ang mapahiya huwag lang madamay si Emmanuel.
"Escort her to my office."
Ani nito kay Bethany at sinagot ang tawag. Hindi man lang siya nagpaalam sa akin bago ako tinalikuran. Biglang sumama ang loob ko sa kanya. Binalik ko ang tingin kay Bethany na ngayon ay hindi alam kung paano aakto sa harapan ko.
"Huwag mo siyang pansinin," ani ko at kinalabit siya." Marami ba nakarinig? "
"Hindi naman yata ma'am."
"Wala namang kumuha ng picture sa akin diba?"
"Wala naman ho. Mga empleyado lang yong lumingon kanina at bawal mag dala ng cellphone kaya sa tingin ko wala namang kumuha ng picture sayo."
Nakahinga ako ng maluwag. Ayoko pag piyestahan sa publiko ngunit hindi parin ako pwede makampante kaya nang matapos kong bayaran ang pinamili ko hindi na ako pumasok sa opisina ni Emmanuel. Nagpatulong ako sa sales man na bitbitin ang pinamili ko , iwan ko muna sa baggage area dahil kikitain ko pa mga kaibigan ko.
"Thank you, Bethany." Nakangiti na saad ko. I treat ko sana siya kaso bawal pala iyon sa kanila.
Napamura ako sa aking isipan nang pagbukas ko ng cellphone ko sandamakmak na mensahe galing kay Cathalea at Ashnaie ang natanggap ko, na hang pa ang cellphone ko.
To: Pretty Ladies
:Sa restaurant tayo ng boyfriend mo Ashnaie. Asap.Chat ko sa gc namin dahil tamad na akong magpaliwanag sa kanila sa chat. Hindi na ako nagbihis ng damit. Ipamukha ko sa kanila ang resulta ng kanilang dare. Sampong minuto, nakarating ako sa restaurant. Sa second floor na ako dumiritso sa VIP kung saan namin sinelebrate ang birthday ko dati.
"Debbie!"
Mangiyak-ngiyak na tawag ni Cathalea nang makita ako. Tumakbo ito at sinalubong ako ng yakap.
"Bruha ka! Pinag-alala mo ako."
Pinalo ni Ashnaie ang puwet ko. "Saan ka galing! Muntik na kitang i-report na pulis na missing."
"Pwede bang maupo muna bago ako mag explain?" I said with a puppy eyes.
Agad na umorder ng pagkain si Ashnaie pagka-upo namin. Nakaharap silang dalawa sa akin. Bakas ang pag-alala sa mukha.
Hinampas ko ang lamesa at inis na tumayo na ikinagulat nila. "Alam niyo ba kung ano ang resulta ng dare niyo sa akin?" Huminga ako ng malalim at tumalikod sa kanila. "Ikinasal ako."
Pagharap ko, namilog ang kanilang mata at naka-awang ang labi sa sinabi ko. Nagtatanong ang kanilang mata at bakas doon ang pagsisi at konsensya.
"Prank ba to?" Tigagal na ani Cathalea.
"Debbie. What are you saying? Kasal ? With who?"
Bumuntong hininga ako at muling umupo. " Kay Emmanuel."
Muntik nang mahulog sa upuan si Cathalea. Laglag ang kanyang panga at hindi makapaniwala na tumingin sa akin. Si Ashnaie,hindi alam kung ano ang i-re-react. Bumubuka ang kanyang bibig ngunit hindi maisatinig ang nais sabihin.
BINABASA MO ANG
My Ruthless Mafia Husband [COMPLETED]
General FictionR-18. Not suitable for young readers. Debbie Mae Layson, ang babaeng naghahangad na mapansin at makita ng lalaking pinagpantasyahan niya sa magazine; si Emmanuel Montefalco. Ngunit sa hindi inaasahan, dahil sa dare ng kanyang kaibigan na akitin...