MULA SA KINATATAYUAN ni Ashgraven Yong ay tanaw ang isang magandang tanawin dako roon sa kong saan siya nakaharap sa mga sandaling iyon. Tahimik siyang naka-limbag ng ideya para sa on going stories niyang isusumite sa Horror Community.
Isang writer si Ashgraven. Napadpad siya sa lugar kong saan naroroon ang kaniyang sarili dala ng passion niya na 'yon. At ngayon nga ay nagkusa ang isip niya na ora-mismong puntahan ang tinatanaw na dalawang bundok. Ayon sa mga taga residente, doon nga daw diumano matatagpuan sa pagitan ng nasabing dalawang bundok ang Lupang-Tulay. Yon lamang ang nakuha niyang impormasyon sa naka-usap na taga- roon.
Dinala siya ng kiyuryusidad ngayon sa maagang paglalakbay. Sakay ng single Bajaj Motorcycle ay mag-isa niyang tinungo ang tourist spot.
Sa tulong ng google map ay maluwalhati siyang dinala sa accurate destination nito. Narating niya ang tinatawag na Lupang-Tulay Tourist Spot.
Umupo muna siya sa tabi at bumuo ng katahimikan ang manunulat. Iniisip kong aling istorya ba niya ang naayon sa Lupang-Tulay. Pero sa huli ay napag-pasyahan niyang pagkatapos na lamang na matuklasan ang kong anong mayroon sa Lupang-Tulay bago isipin ang namumuo sa isip.
Gamit ang dalang lubid ay maingat niya itong itinali sa isang puno. Ang lupa ay nagkaroon ng malaking butas o kuweba kong saan habang panahon itong daluyan ng tubig.
Ngunit kakaiba ang tourist spot na ito. Bahagya itong nababalutan ng lumot sa kahit saang dako. Halatang tila hindi lang ng buwan ang lumipas na walang pumaparito. Binansagan nga itong pasyalan pero wala ni isang tao man lang doon siyang nakita.
Nilusong ni Ashgraven ang kuweba habang kada hakbang halos ay panay kuha ng kaniyang larawan sa kuweba.
Doon sa bandang dulo ay nakita niya ang isang matandang lalake na naka-upo sa gilid ng ilog. Kong hindi siya nagkakamali, tila namimingwet ang matanda ayon sa kaniyang hinuha. Nagtataka man ay kaniyang pinuntahan ang nakita
"Lolo! Bakit nag-iisa po kayong nanghuhuli ng isda sa madilim na bahaging ito ng kuweba? " Pambungad niyang tanong sa matanda.
"Ahh! Dito lang kasi sa gawi nitong ilog ako nakakakuha ng maraming isda. tika! Ano bang sadya mo't napadpad ka sa lugar na ito Hijo? " Pabalik nitong sagot sa binata.
Hindi siya nagkamali, tao nga sa kaniyang paningin ang matanda. Umupo na rin sa tabi ng tila irmetanyo ang binata bago tinugunan ang tanong ng matanda.
"Ah! Naglakbay po akong dala ang pangarap na makabuo po ng madami pa pong ikukwento" Sagot niya rito.
"Gusto mo ba na magkaroon ng napaka daming platform sa kuwento mo? Yon bang hindi ka mauubusan ng ideya sa isip kumbaga? " Ani naman ng matanda.
Kumunot ang nuo si Ashgraven sa sinabi ng matanda. Nawerduhan man ay sinagot na lamang niya kahit na imposible ang turan ng kausap.
"Siyempre naman po Lolo! Sino bang writer ang ayaw magkaroon ng unlimited ideas sa istorya? " Sabat ni Ash dito para sabayan ang trep ng matanda.
May kinuha ang matanda sa dala nito na lumang bag. Isang itim na libro na tila noong panahon pa ng rebulosyon ni Bonifacio ayon sa kalumaan nito.
"Ito! Kuhanin mo, makakatulong ito sa kong ano mang pinaka pakay mo Hijo! Anang matanda at inabot kay Ashgraven ang libro.
Nagtataka siya sa kong paanong epekto ng pagtulong ng itim na librong ito sa kaniya.
"Sa paanong paraan po ba at bakit po ito magiging kasagutan sa pinupunto ko lolo?" May pagtatakang sagot ni Ashgraven.
"Malalaman mo ang kasagutan Hijo!" Sabat na lamang at hinawakan ang kamay ng binata at nilapag ang libro sa kaniyang palad.