CHAPTER 24

98 1 1
                                    

CHAPTER 24

Parang gusto kong sabihin kay Jazer na tekalang sandali di pa ako handa pero eto na mangyayari na

"Hello hikharie, alam mo naman na ang gagawin, isang scene lang ito pag pumalpak to, wala ng kasunod," sabi ni Jazer tapos humarap naman sya sa akin

"Dark, humanda na kayo ni Charlotte, ganito ang mangyayari nyan, kunwari aksidenteng magkikita ang dalawang grupo, wag mong pansinin sila Fhane, dahil ikaw ang titingnan nya, kayo ni Charlotte ang tinutukoy ko," paliwanag ni Jazer

"Paano naman ang resulta, kung epektibo nga ba ang plano natin?" tanong ko

"Malalaman natin ang resulta mamaya sa reaksyon nya pag nakita kayong dalawa ni Charlotte, kung hindi nagbago ang pakikitungo sa'yo ni Fhane, palpak, pero kung di sya bubuntot sayo mamaya, aba magdiwang ka na," sagot ni Jazer at pagkatapos ay bumalik ulit sya sa pakikipagusap sa phone

Ganun? Titigilan na kaya ako ni Fhane sa ganung scene lang, gaano katagal pinag-isipan ni Jazer to

"Guys tara na," sigaw ni Jazer sa grupo

Sumunod naman kami sa kanya maliban sa isang ka-member, si Mhico, kaya binalikan pa sya ni Jazer

"Mhico, tara na po," kalmadong sabi ni Jazer sa kasama naming si Mhico na pinagkakaguluhan ulit ng mga tao

"Sorry, sige mauna na kayo," sagot ni Mhico na di makaalis sa dami ng fans nya

At dahil si Jazer yung tipo ng taong madaling kausap, hinayaan nya nalang si Mhico at nagpatuloy sya sa paglalakad na sinundan naman namin

Papunta kami dun sa escalator pero bago kami tumuloy ay hinarang ni Jazer yung kamay nya, parang may hinihintay sya, tiningnan ko kung ano yung tinitingnan ni Jazer, yun pala sila Fhane na ngayon ay paakyat naman sa escalator na bababaan namin

"Eto na eto na," biglang sabi ni Jazer

"Ngayon na?" sabi ko

"Oo, tara na mauna kayo," sagot ni Jazer

Pinauna nya kaming dalawa ni Charlotte na tumapak dun sa pababang escalator sunod sila rxsniper007 at wakeup, habang nasa likod naman si Jazer na hindi pa rin binababa ang linya ng telepono nya

Kitang kita kong paakyat naman ng escalator ang grupo nila Fhane pero di pa nya ako nakikita, pero tyak na makikita kami ni Fhane dahil magsasalubong kami sa escalator, mayamaya pa ay pabulong na sumigaw si Jazer

"Game na Dark, gumawa ka ng moves!!" sabi nya

Hala, syet wala akong magawa, katabi ko si Charlotte at unti unti ng bumababa ang escalator pero nakatunganga lang ako, nakita ko si Charlotte na dala yung magazine na inabot kanina ni rxsniper007

Tama, ayun daw yung pag-usapan namin, aagawin ko sana kay Charlotte yung magazine pero dahil nasa kabilang kamay nya yun, nasagi ko ng kamay ko yung dibdib nya O///O

Waaahh, oo di ko sinasadyang masagi yun na talagang ikinagulat ni Charlotte, nanlaki yung mata nya tapos sasabunutan nya sana ako pero umiiwas ako

"Sorry, sorry, di ku sinasadya yun," sabi ko pero inaabot nya talaga yung buhok ko

"Bastos ka, walang hiya ka," sabi nya pero di naman eskandalosa si Charlotte, tamang harot lang

"Hindi ah, kukunin ko lang yung magazine sana--- aw," kinurot ako ni Charlotte sa braso kaya napasigaw ako

Eksaktong nakita na pala ako ni Fhane ng mga sandaling yun dahil nagsalubong kami dun sa escalator at nahuli nya kami ni Charlotte na naghaharutan, nakatingin sya sa amin pero nakakapanibago yung reaksyon nya, madalas kasing nakangiti si Fhane pero ngayon ko lang nakita na parang nakasimangot sya

( Dark, sino ang babaeng yan ) :-( ---> Fhane

Fhane

POV

Dark sino ang babaeng yan, exited pa naman akong makarating dito dahil alam kong magkikita tayo dito pero di ko expected na makikita kong may kaharutan kang ibang babae

Nakalampas na sila sa amin pababa dun sa escalator pero ni-hindi nya ata ako nakita dahil busy sya sa babaeng kasama nya, samantalang ako sinusundan ko pa rin sila ng tingin hanggang makababa sila

Hindi ko dapat nararanasan to pero wala naman talaga akong karapatan na magselos dahil hindi naman talaga kami, at sino ba ako sa buhay ni Dark T__T

Nakaakyat na kami sa floor kung saan galing sila Dark kanina ng magsalita yung group leader naming si hikharie na kanina ko pa napapansin na may kausap sa phone

"Guys dito lang kayo sandale, may pupuntahan lang ako sa baba saglit," sabi nya tapos bumaba ulit sya dun sa escalator

Mag-uumpisa pa lang kami mangolekta ng flyers pero nawalan na ako ng gana, pumunta muna ako dun sa may maikling upuan at dun ako umupo para maghintay

Nakayuko akong umupo dun ng may tumabi sa akin, yung guy na kagrupo rin namin

"Ang lawak nitong mall noh" sabi nya pero di ako sumagot

"Kung gaano kalawak ang mall na'to ganun din karami ang tao sa loob nito, paano pa kaya yung mga tao sa labas, imagine di hamak na mas maraming tao dun, hehe kaya lagi mong tandaan na hindi ka nag-iisa," sabi nya at napalingon na ako sa kanya at nakangiti sya sa'ken

"Hi I'm Kiel nga pala," sabi nya with shaking hands pa

ITUTULOY . . .

Mystery Life: Hidden StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon