Salamat Nanay
Salamat Tatay
Marami pong salamat sa gabay
At lalong lalo na sa pagmamahal nyong tunay
Marami na po kayong naisakripisyo sa amin
At sana ay pabayaan nyo kaming ito'y pawiin
Mga iniinda nyong sakit
At lahat ng inyong hirap na binibitbit
Patawad po sa minsang aming mga naturan
At sa mga kalayawan
Sa mga pagsuway
At sakit ng ulo na aming binigay
Kahit kami ay minsang naging suwail
Andyan parin kayo
At kami'y di itinakwil
Nanay tatay,mama at papa
Ano man ang aming tawag sa inyo
Pakatandaan po sana ninyo
Na nag-iisa lang po kayo dito
Sa aming mga puso
♥♥♥♥♥♥♥♥♥
xoxojoshellexoxo