Chapter 1

526 9 0
                                    

I have a confession to make...

I loved you since the first time I laid my eyes on you. Your laugh sounds like music. Your voice was like soft rhythm in the air. You move with such grace. Are you a real person or an angel from heaven?

 

I like watching you everyday. Mula sa paglalakad mo sa hallway ng Art and Communications Building para pumunta sa classroom mo, hanggang sa paglabas mo papunta sa cafeteria. Para kang magnet at ako naman ang metal. Hindi ko mapigilang hindi dumikit sayo. Maraming first time akong nagawa nang makilala kita. Nagawa kong sumunod sayo everyday na parang bubuyog. Nagmumukha na nga akong stalker sa ginagawa ko. Alam ko rin ang daily routines mo. I know when you're sad and happy. I know when you're stressed and down. I know if dont want to talk to anyone and you wanted to be alone. I know what makes you smile. I know what makes you cry. 

 

Mas kilala pa nga yata kita kesa sa sarili ko.

 

Never in my entire life na naging torpe ako. Ngayon lang, kung kelan nakilala kita. Alam kong mali na sinanay ko ang sarili kong nakikita ka araw-araw. Pero anong magagawa ko? Mahal na kita. Noon pa...

 

Ang sabi mo, bigyan kita ng sapat ng oras para sa sarili mo at para mag-isip ka. Sapat na space para makahinga ka. Sapat na pahinga para makapagfocus ka.

 

And I did... Sapat na siguro ang dalawang taon para doon. Hindi ko itatanggi na umasa akong may patutunguhan tayo, Gaby. Sa loob ng mahabang panahon, mas lalo pa kitang minahal. At akala ko ganun ka rin sakin.

 

 Pero sobrang nasaktan ako noong nalaman ko na may boyfriend ka na after two years. Akala ko may mapapala ako sa paghihintay ko, Gab. Wala pala. Pero wala naman talaga akong karapatang masaktan, diba? Dahil hindi naman kita pag-aari. Hindi pa...

 

But I wont lose hope, Gaby. Hindi ako mapapagod para sayo. I'll wait for you. Even if it takes forever...

 

Sa loob ng limang taon, hindi na mabilang sa kamay ni Gaby kung ilang beses na niya binasa ang sulat na iyon ni Luke sa kanya. At sa tuwing babasahin niya, ganun pa rin kadami ang luha niya sa mata. Bakit ganun? Bakit hindi maubos-ubos? Bakit nasasaktan pa rin siya? Dapat wala nang epekto sa kanya iyon. Dahil matagal na iyong nangyari. Dapat nakalimutan na niya. Pero habang tumatagal, mas tumitindi ang sakit. Mas tagos sa puso.

Siguro nga dahil nagi-guilty pa rin siya hanggang ngayon sa mga nangyari. Dahil aware siya na kasalanan talaga niya. Pero higit pa roon, parte lang ang guilt sa reason. Dahil ang totoo, minahal niya rin si Liam. Higit pa sa pagmamahal nito sa kanya. But they never had a happy beginning... not even a happy ending. At hindi alam ng dalaga kung magkakaroon pa.

Third year college siya ng magkrus ang landas nilang dalawa ni Lucas Mañego o mas kilala bilang 'Luke'. Nagshift ito ng course mula BS Engineering sa ComArts. Hindi sila magkaklase sa kahit na anong subject. Pero dahil nga isang building lang ang ginagalawan nila, madalas silang magkita sa kahit na anong part ng school kapag oras ng klase niya.

Noong una ay madalas lang itong mahuli ng mga kaibigan niya na palaging nakatitig sa kanya. Kapag siya naman ang nakakahuli, ngingiti lang ang binata saka biglang aalis. At susundan na iyon ng matinding tuksuhan mula sa mga kaibigan ng dalaga. Ang ending, mapapangiti na lang din si Gaby. Hindi dahil sa pang-aasar ng friends niya, kundi dahil naku-cute-an siya sa boyish acts ni Luke. Para kasi itong elemetary na first time magkaroon ng crush.

Araw-araw ay naging ganoon na ang routine nila. Hindi man niya nakikita, alam ni Gaby na lihim lang na nakamasid sa kanya si Luke mula sa paligid. Kung naibang pagkakataon, she'll find her situation creepy. Pero sa halip ay natutuwa ang puso niya sa isiping iyon.

Lumipas ang mga araw at nag-iimprove ang pananahimik ni Luke. Nakakatanggap na siya noon ng kung ano-ano. Pero madalas, baked goodies. Mahilig magbake si Luke. Tuloy ay naaliw diya dito dahil palagi siyang may pangmeryenda. Nagkasundo silang dalawa. Perfect match, ika nga. Si Luke ang tagaluto. Si Gaby ang tagakain. Hindi kasi mahilig magluto ang dalaga. She expected him to laugh at her o kaya ay maturn-off. O madisappoint. But much to her surprise, he treated it like a normal thing. Hindi big deal. Isa iyon sa ikinatuwa niya sa binata. Hindi tulad ng iba, he never expected her to be a perfect specie.

There was a time na nagkaroon ng event ang ComArts students. Doon naglakas ng loob si Luke na tanungin siya kung pwede itong manligaw. She already prepared herself for that question. And she knew she's ready to be in a relationship. Pero tumanggi siya. She asked him to give her enough time. She promised to think about it. Marami siyang ibinigay na rason kay Luke. That she school is her top priority at that very moment. That she doesnt want any distraction yet. Although that part was true at alam ni Luke iyon. Gaby was doing everything to at the top of the class to please her father. And Luke agreed.

Hinayaan siya nito na mag-isip. Hindi na niya madalas nakakasama ang binata noong dumating ang last year nila sa college. Naintindigan naman niya dahil busy silang lahat para sa graduation. Pero alam niyang patuloy pa ring nakabantay si Luke sa paligid. At kuntento na siya doon.

Hinintay siya nitong makatapos ng college. After school, sinadya niyang huwag na munang magparamdam dito. Anim na buwan after graduation ay tuluyan na silang nawalan ng communication. She knew that Luke was more than serious when he said he'll wait for her. Pero sinagot niya pa rin si Bryan, ang captain ng varsity team nila sa basketball, na noon ay kasabay ni Luke sa panliligaw. Hindi niya talaga gusto ang lalaki. Pero mas nakita niya dito na mas malaki ang ambition nito sa buhay kumpara kay Luke. Nakita niyang mas boyfriend material si Bryan. Her mind won that time pero lihim na nagluluksa ang puso niya.

On their 6th montsary, nakipagkita sa kanya si Luke. Katulad ng dati, simple pa rin ito. Chill lang. Parang walang ambisyon. Parang stagnant water na kuntentong nakasteady na lang sa isang lugar. And she doesnt like it. Halos magmakaawa ito sa kanya na iwan si Bryan at siya na lang ang piliin, pero nagmatigas siya. Halos saktan niya ang sarili niya nang makitang niyang umiiyak si Luke sa harapan niya. Seeing him like that was like killing her. But at the end of the day, she still chose to hurt him.

Alam ni Gaby na kasalanan talaga niya. Hindi siya nakuntento. Nagmaganda siya, nag-inarte. Nasa kanya na pinakawalan niya pa. Kaya ngayon, siya ang umiiyak para kay Luke. Parang yung nangyari lang noong nakipagkita ito sa kanya five years ago. Ang pinagkaiba lang nila, alam niyang umiyak ito noon para sa kanya. Pero hindi nito alam na noon hanggang ngayon, iniiyakan niya pa rin ang failed love story nila ng binata.

Confessions of a WorkaholicTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon