SEASON 2: CHAPTER 7

454 15 17
                                    

Chapter 7: Heaven

"I like your design here. Maganda, though I'll have minor revision, pero ok na ito."

"Um, kung ganun, pwede ba akong magday off?"

"Why do you need a day off? Give me a reason, and I'll give you a break."

"Birthday kasi ni Drea. Balak ko sana siyang ipasyal sa probinsya. Para na rin makita ni nanay. Kahit 3 days vacation lang sana Wess."

"Kailan mo balak magbakasyon?"

"Sa Thursday sana."

"Gian, cancel all my appointments from Thursday to Saturday. Yes, uuwi ako sa probinsya." Nagulat ako nang mrinig ko ang sinabi ni Wess. "Why are you looking at me like that? Uuwi ako sa probinsya kasama ninyo. I want to spend time with Drea as well. Malapit kasi ang loob ko sa bata."

"Wess-"

"Its either that or hindi kita papayagang magbakasyon."

"Ok fine. Suko na ako. Sumama ka na kung gusto mo, bahala ka."

"I'll pick you up on Thursday."

"Susunduin mo kami? I mean, kaya ko namang magdrive hanggang doon."

"I want to spend time with Drea, kaya mula papunta hanggang pauwi, I want to be with her."

Wala na akong sinabi. Never naman akong nanalo sa lalaking ito eh.

------------------
"Momi!" Nagulat ako nnag makita si Drea sa office.

"Honey, what are you doing here? Sino ang kasama mo?"

"Tito En's at the house a while ago. I told him that I want to see you and he brought me here. I came with tita ninang as well. I ran here when I saw you."

"Where is tita ninang then?"

"She's over there." Sabay turo sa kay Rine. Kasama na niya si En and they are HHWW while walking towards me.

"Hi beautiful sister-in-law." Parang tanga talaga si En. Alam na nga niyang nasa office kami, tapos sasabihin niya pa na sister in law niya ako?? Take note ha, hindi niya sinabi, isinigaw niya. I looked around and I saw people looking at us.

Sasawayin ko na sana siya nang makita kong kinurot ni Lerine yung tagiliran ni En. Tsk. Lovebirds.

"Bakit mo naman dinala dito si Drea, Lerine? Diba nakiusap naman akong wag ninyobg dadalhin dito si Drea? Mahirap na at baka mahalata ng mga tao na kamukha niya si Wess." Pabulong kong pagsita kay Lerine. Oo nga pala, alam na ni Lerine ang lahat. The moment na tinanggap ko ang offer ni Wess na magtrabaho para sa kanya is also the moment na pinakiusaoan ko si Lerine na bantayan muna si Drea habang nasa opisina ako. Syempre, hindi ko naman pwedeng isama si Drea sa opisina. Kaya minabuti kong sabihin na lang rin kay Lerine ang lahat.

"Come on Ianne. Ano ba ang ikinatatakot mo? Matagal nang bali-balita rito sa opisina na may relasyon kayo ni Wess. Way before na makita pa nila si Drea. So what kung malaman nilang anak ni Wess si Drea diba?"

"It's not that easy."

"Isa pa, gusto kang makita ng anak mo. Uunahin mo pa bang isipin ang iisipin ng ibang tao?" Well may point naman si Lerine. I looked at my daughter who is also looking at our direction. Hindi ko alam kung saan natutunan ni Drea ang mag-puppy eyes, but she is doing it well.

"I miss you baby."

"I miss you too momi." Agad naman niyang inilahad yung kamay niya sa akin. Telling me to carry her. Ginawa ko naman agad.

Next to youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon