Teaser

220 3 0
                                    


[ A/N:Konnichiwa minna! ^__^ , nag update na ako agad ng teaser para hindi na masyadong matagalan baka mamaya mawala pa to sa isip ko.. Enjoy guys! ~__^ ]

==================================================================

-Rainbow's POV-

"HELLO MONTH OF AUGUST!MY LUCKIEST MONTH EVER!!" Sarsastiko na sigaw ko umagang umaga dahil sa frustration.

Bigla ko kasing naalala na kailangan ko na palang mag bayad ng renta dahil baka sumabog nanaman sa galit yung matandang bungal na land lady nayun. Tsk!.

"Aaarrrgghhh!!! Kailangan ko nang humanap ng extrang trabaho!!" Sigaw ko ulit sabay sipa sa isang stool na nasa tabi ko dahil naalala ko na malapit narin pala ang fieldtrip namin at kailangan ko rin makasama dun dahil ibabagsak ng kalbo kong prof ang grades ko pag nagkataon.

At malapit narin pala ang bayaran ng tuition fee ngayong second semester!.. "Ay grabeng buhay to!!whoo!!" Napasabunot nalang ako sa buhok ko..

Haaayy ano kayang gagawin ko? Saan kaya ako hahanap ng trabaho? Paubos narin kasi yung naipon ko. Aaarrgghh!! Kasalanan to lahat ng mga magulang ko,kung hindi nila ako maagang iniwan hindi sana ako mag kakaganito.. Pero joke lang yun! Mahal na mahal ko kaya ang mga magulang ko. Baka naman bigla silang bumangon sa hukay pag nagkataon para lang mabatukan ako hahahah!!

Maaga na kasi akong naulila kaya ganito nalang ako mamroblema, kayod pagong pala ako sa month nato haaaaayyy..

Nasa ganung pag iisip ako ng may kumatok ng pagkalakas lakas,aba at may plano pa yatang sirain ang cute kong pinto.

Sus! Yung matandang bungal lang yan maniningil na naman ng renta, naubos na siguro ang pera niya sa kakalaro ng tong-its kaya dito na naman siya ng bubulabog. Aish!

Hindi ko nalang sana papansinin pero lalong lumalakas yung pagkatok niya. Ay grabeng matandang yan, napaka excited talaga.

Haaayy sinasabi ko nanga ba eh, pano nayan wala pa akong pang bayad, makikiusap nalang nga ako. Kaya pumunta na ako sa pinto.

"Sa sabado nalang po---" Hindi ko na natapos ang sinasabi ko dahil marahas na tinabig niya ako at walang paalam na pumasok sa cute kong bahay.

"I'm sorry miss,can we stay here?" Medyo hingal na sabi niya sabay upo dun sa stool na sinipa ko kanina.

Oh My God!! Oh My God!! Nananaginip ba ako?? Kung oo paki sampal nga ako. Hindi ako maka paniwala sa nakikita ko ngayon, ang ganda niya PROMISE!! At ang cute din niya PROMISE!! Pinaghalong cuteness at ganda ang nakikita ko ngayon!!.

"T-totoo kaba?" Parang tangang tanong ko.. Hahawakan ko sana yung mukha niya para makasiguro pero tinabig niya.

"Ofcourse idiot."

" Pa-para ka kasing d-diwata.." Manghang mangha na sabi ko.

Bigla naman siyang napangisi sa sinabi ko.. Ohmygoddd! Sheyt! Aanngg cuuutee niyaa---

*Blaaaagg!*

Naputol naman ang pag titig ko sakanya ng may bigla na namang pumasok sa cute kong pinto.

Pag kaharap ko automatic na napanganga na naman ako.. Grabe!!hoooo! Ang GANDA niya rin! Hindi ako makapaniwala sa mga nakikita ko ngayon, ano ba?!!..

"What took you so long anjjel? And where's the two lady?!" Nakataas kilay na tanong nung unang pumasok sa bahay ko dun sa oh-so-ganda na babae.

"I'm sorry, I'm not an athlete like you so don't expect me to be fast." Mataray na sagot naman nung ikalawang pumasok at tinabig na naman ako dahil pumasok din siya ng walang pahintulot.

Grabe nakatunganga lang ako sa dalawang nag gagandahang mala dyosang babae na nag uusap sa harap ko na para bang hindi ako nag eexist sa harap nila, nananaginip nga siguro talaga ako. Saan kaya silang lupalop galing?

Nagpapasalamat talaga ako kay lord dahil nakakita ako ng living angels, grabe parang mga models nakaka insecure. Lord ano po bang--

*Blaaaagg!*

Bigla na namang bumukas ng padabog ang pinto ko kaya napatingin nanaman ako dun.

Jusmiyo marimarr!!! Dito ba sa cute kong bahay ang meet up ng nag gagandahang mga nilalang nato?!

"What took you so long also jonas? You brat!" Iritadong sigaw nanaman nung babaeng diwata,yung unang pumasok dito sa bahay ko.

"Oh,I'm sorry baby lily I was eating an orange egg awhile ago." Sabi naman nung ikatlong pumasok,at ano daw yung sinabi niya? Orange egg? Kwek-kwek kaya yun,sosyal talaga..

At sa ikatlong pagkakataon natabig na naman ako,ay grabe parang pangalawang pinto lang ako dito ah.

GRABEH LORD AS IN GRABEH!! HaaaannggGandaNiyaaaa!!

Lumapit siya dun sa dalawang diwata, OhMyGod tatlo na sila... Parang hihimatayin na yata ako nito, ang ganda nila suuuupeerrrrrr!!..

"Pwede na akong mamatay.." Wala sa sariling sabi ko habang nakanganga lang sakanila.

"Wag muna, may darating pa.."

Nagulat ako nung sumagot sa sinasabi ko yung babaeng jonas ata ang name?,Aaannggg gaanndaanggg

cuuuutteee niyaaaa!!! Napatitig naman ako sakanya, grabe nakaka hipnotize yung mga tingin niya..

Jusmiyo rainbow ano ba naman yang pinagsasabi mo?

Straight ako!! Oo tama straight ako, si derick myloves lang yung love of my life ko.. Straight ka rainbow---

Natigil ako sa pagpapantasya ng makaramdam ako ng isa pang presensya sa likod ko,.. Kaya dahan dahan akong lumingon sa likod ko.

.

.

.

.

And when I finally met her gaze,.. Everything went black.

==================================================================

Oh ayan sana nagustuhan niyo.. ^__^ Episode 1 will be posted soon.. Sayonara minna!!

Which one?! (GirlxGirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon