[ A/N: As I promised ipopost ko narin tong episode 1 sa lalong madaling panahon.. Hindi ko napo inedit yan kaya kung may mga errors,sorry may pupuntahan pa kasi ako, Sayonara minna! Enjoy. ~__^ ]
==================================================================
-Rainbow's POV-
"HOY RENBOW MAGBAYAD KA NA NG UPA MO, HOY!!"
Kaasar!
Rainbow yon hindi renbow! Tsk, sabagay matanda na kasi kaya bungal at bulol bulol na.
"Sa linggo nalang po aling dina!" Pabalik kong sigaw, hindi nako nag abala pang pag buksan siya ng pinto. Excited kasi, paulit ulit ulit ulit uliiiittt ko nang sinabi sa kanya na sa linggo nalang ako magbabayad dahil wala pa akong pera susme. Lunes na lunes naniningil na, kakabayad ko pa lang kaya nung nakaraan.
"I-ADBANS MO MUNA YUNG BAYAD MO!!" Sigaw pa niya.
Grabe talaga! As in! Ako nalang yata lage ang nagbabayad sakanya ng advance. Uwaaaa! Maawa ka naman sakin matandang hukluban! Panigurado wala nayang pang sugal kaya namimilit siya sakin na magbayad ng advance.
Hindi ko nalang siya pinansin. Bahala ka tubuan ng ugat kakahintay diyan, hmp!
Ginawa ko na ang morning rituals ko dahil papasok pa ako sa magandang paaralan, hihihi..
At makalipas ang ilang minuto ay naging puno nanga si aling dina... joke lang! Tinigilan na niya ang pag totorture sa cute kong pinto, hay salamat naman at umalis na siya!
Paniguradong iba na naman ang ginagambala non, Tsk! Grabe talaga yung matandang yon, siguro natalo na naman sa tong-its yon hahahah..
Lumabas nako sa cute kong inuupahan,at konting kembot pa ay narating ko na ang sakayan.
"Hi rainbow, sakay na hatid na kita." Biglang sabi ni benjie kaibigan ko.
Tinaasan ko naman siya ng kilay "Buti at hindi ka late?"
Napakamot naman siya sa ulo niya, hahahah.. Ayun at sumakay nadin ako.
"Wala nabang maibibilis to?" Iritang sabi ko sakanya, dahil ang bagal niyang pumadyak.. Oo, pedicab to, so what?! Cute nga eh.
Alangan naman siyang ngumiti saakin, at mas binilisan ang pagpadyak. Yuck, pawis na pawis na siya dahil sa matinding init dito sa pilipinas. Ang bantot niya tuloy tignan, hahahah nagsasabi lang po ako ng totoo.
Lumipas ang ilang minuto at nakarating narin kami sa skwelahan ko.
"Ang ganda naman dito rainbow.." Manghang mangha na sabi nitong si benjie na kumikinang pa ang mata.
See? Sabi ko naman talaga sainyo eh maganda talaga tong paaralan nato, gate panga lang yang nakikita ni benjie pero nakanganga na siya pano pa kaya kung pumasok na siya sa loob.
"Aahh sige benjie una nako, hatid mo ulit ako bukas ah.." Sabi ko at bumaba na ng pedicab, nagtinginan naman ang mga studyante saakin. Oh well sanay nako diyan, eh di sila nayung may mga magagarang kotse! Sila na ang mayayaman! Letche! Basta ako, ako ang president ng SC, ako ang matalino, at ako ang cute! Hahahahah!!
"Sige ba, basta ikaw!" Nakangiting sabi nito. Kaya nag paalam na ako at pumasok na sa loob ng school.
Nagtataka ba kayo kung paano ako naging president ng school nato? Well, ganito kasi yun....
Last year sabi ng teacher namin meron daw half scholarship na ino-offer ang school nato, at kung sino daw yung may pinaka mataas na grade sa lahat ng average ay siya ang mabibigyan ng scholarship nayon, at hindi lang basta scholarship magiging president din ng SC ng school nato. Marami nga ang nagpalista nun eh, kaso hindi sila pinalad kasi ako ang may pinaka mataas na grades hahahah..
BINABASA MO ANG
Which one?! (GirlxGirl)
Teen FictionAnong gagawin mo kung may apat na nag gagandahan at mga mala dyosang babae ang bigla bigla nalang mapadpad sa maliit at cute mong bahay?? Aba malamang sa alamang mababaliw ka, Mabuti nalang at nakaya ng ating bida sa storyang ito.. Tuklasan nalang n...