Episode 2

98 3 0
                                    

[ A/N: Tentenennen!! Ohayou minna! ^__^ Oha, oha! Nakapag update na uli ako! Sa mga nagtatanong po, sa susunod na episode pa po lalabas yung apat na magkakapatid, kailangan lang po talaga sa flow ng story.. Ayun lang po. Continue reading. Enjoy! ~__^ ]

==================================================================

-Rainbow's POV-

Oh gosh! Antok na antok na ako! 6pm na at nandito pa ako sa office. Grabeh lang! Ang daming papers!

Bakit kasi nag kasakit pa yung vice president! Wala tuloy akong katulong. Grabe haggardness ang beauty ko!

Antok na antok na talaga ako, halos iyukyok ko na ang ulo ko sa desk ko.

Pero pinilit kong tumayo ng may kumatok sa pinto.

"Oh celine, anong ginagawa mo dito?? Gabi na ah." Medyo gulat na sabi ko, hindi kasi ako nag expect na siya pala to.

Nagising ang diwa ko dahil sa ang kagandahan niya, napansin kong naka school uniform parin ito. Si celine kasi ang captain ng cheerleading dito sa school at dahil diyan maraming lalaki dito sa school ang nagkakagusto sa kanya.

"A-ah ra-rainbow, ano k-kase uhhmm.. " Parang kinakabahang sabi niya, nakatungo ito at natatabunan ng mahaba niyang bangs ang mata niya ang cute lang.

Gosh totoo ba ito? Si celine na sikat na sikat dito sa campus at napaka taas ng self confidence ay nauutal dahil lang sakin? NAUUTAL?! Gaaadd! Bago to ah.

Tinitigan ko lang siya na wari'y nag aabang ng kanyang sasabihin. Aba chance ko na to noh! Chance ko nang matitigan siya ng malapitan medyo untouchable kasi siya dahil ayun nga sikat siya dito sa school.

" Ano yon celine?. "

Nakita kong huminga muna siya ng malalim bago ako tinitigan ng deretso sa mata. TINITIGAN niya ako, para namang nanglambot ang tuhod ko dahil medyo naiilang ako sa pagtitig niya sakin kaya napaiwas ako ng tingin.

"R-rain look at me p-please? I want to tell you something. " Kabadong sabi niya.

Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko at pinaharap niya ako sakanya "Rain please?." Ugh! Bakit ang sexy ng boses niya?

"A-ah o-okay, ano ba kasi ang sasabihin mo celine?" Tanong ko para naman medyo mabawasan ang pagka ilang ko sakanya.

Huminga na naman siya ng malalim bago siya nag salita, mga salitang hindi ko lubos mapaniwalaan na galing sakanya " Rainbow Gilmore I-I like you. "

Holy Shizz! Anong nakain nito?! Nakatunganga lang ako at pilit sini-sink in sa utak ko yung mga sinabi niya.

' Rainbow Gilmore I like you.'

' Rainbow Gilmore I like you.'

' Rainbow Gilmore I like you.'

' Rainbow Gilmore I like you.'

Paulit ulit na nagpe-play sa utak ko yung sinabi niya.

Literal na nanigas ako sa kinatatayuan ko, Gosh! Parang napipi ako at tanging tibok lang ng puso ko ang naririnig ko.

Si celine ba talaga to?? Jusmiyo hihimatayin yata ako. Imposibleng magkagusto siya sakin dahil straight siya! STRAIGHT NA STRAIGHT SIYA!

"S-sorry celine, hi-hindi kita maintindihan." Kinakabahang sabi ko.

Hinawakan niya ang dalawang kamay ko at saglit niyang hinalikan ang pisngi ko.

Lalo naman akong nanigas sa kinatatayuan ko. Holy shizz!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 12, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Which one?! (GirlxGirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon