C22 - Bitter Truth

379 7 1
                                    

 
 
 
NANG buksan niya ang pinto ay nabungaran ni Daphne ang ina na nakahiga sa kama habang may isang nurse sa gilid ng kama nito.

Binalingan siya ng nurse pero agad din nagbawi ng tingin. Sa isip siguro nito ay isa din siyang nurse kaya hindi siya nito pinansin. Ang ina naman niya ay kasalukuyang nakapikit. Bakas sa mukha nito ang pagod.

"Ma.." Namamaos niyang usal habang humahakbang palapit sa kama nito.

Nagmulat ang kanyang ina at bakas sa mukha nito ang gulat at pangungulila nang abutin niya ang kamay nito.

"Ma, sorry.." Hindi na niya napigilan ang emosyon nang yakapin siya ng ina habang tahimik itong umiiyak.

"Hindi ka na dapat bumalik dito, Daphne." Nanghihina ang boses nito ngunit sapat na upang marinig niya.

Humiwalay siya sa ina at pinagmasdan ang nanghihina at pagod nitong mukha.

"Hindi ko po kayo pwedeng pabayaan, Ma." Tinulungan niya ang ina na makaupo sa kama sa tulong na din ng nurse na bantay.

Nagtaka pa ang nurse sa kanya ngunit nang tanggalin niya ang suot na mask ay napatango na lang ito. May ideya na ito na hindi siya tunay na nurse kahit na nakasuot siya ng uniform ng nurse.

Sinulyapan niya sina Keana at Gold ay nanatili sa pinto ng silid habang kausap ang dalawang bantay.

"Nariyan naman sina Dalla at David para intindihin ako." Pamimilit pa rin ng ina na dapat hindi na siya bumalik ng Pilipinas.

Kinuha niya ang kamay nito at marahang hinaplos. "Ma, alam kong nag-aalala ka para sa akin pero ayos lang po ako. Kailangan niyo pong magpagamot."

Umiling ang ina sa tinuran niya, bakas ang hindi nito 'pag sang-ayon sa sinabi.

"Kahit magpagamot ako ay ganoon pa rin naman ang mangyayari. Mamamatay pa rin ako, dagdag na naman sa gastusin mo. Ilang beses ka nang napahamak dahil sa pera, ayoko nang maulit iyon." Daphne saw the guilt on her mother's face. "Ilang beses ka nang nalagay sa hindi magandang sitwasyon dahil sa pangangailangan natin sa pera."

Nag-iwas ng tingin ang kanyang ina. "Parusa na rin sa akin ito dahil sa ginawa kong pagpapahamak sa iyo sa Craig na 'yon."

Bumalik ang galit niya sa ina sa huling sinabi nito. Pero isinantabi niya ang nararamdaman dahil alam niyang wala iyong mabuting maidudulot sa kanialng sitwasyon ngayon.

"Ano po ba ang nangyari, Ma? Bakit nagkaganoon si Craig?" Sa gilid ng kanyang mga mata ay nakita niya ang pagsulyap sa kanila nina Gold at Keana.

Hindi na lamang niya iyon pinansin dahil ang mga ito ang tumutulong sa kanila, wala siyang dapat na ilihim sa mga ito.

"Nakahiram ako ng malaking pera sa kanya para sa naging kaso ng kuya David mo. Alam mo namang walang-wala tayo noon at buntis din ang nobya ng  kuya mo na anak ng politiko. Ayaw ko na mapahiya ang kuya mo sa kanila. Nasundan pa iyon noong magtayo ka ng negosyo. Ayaw ko na isipin mong hindi kita sinusuportahan kaya sa pangalawang pagkakataon ay nakahiram ako kay Craig na binabayaran ko naman ang porsyento. Hindi naging maganda ang aming usapan dahil gusto niya akong ibaon sa pagkakautang hanggang sa ikaw ang hingin niyang kapalit." Mariing umiling ang na tila iwinawaksi sa isipan ang masamang bagay na ginawa nito. "Ang usapan namin ay manliligaw siya sa iyo at nasa sa iyo kung tatanggapin ka niya pero mahigit pa pala doon ang gusto niya. Hanggang sa nalaman ko na pinagtangkaan ka niyang gahasain. Nagalit ako kay Craig kaya kinompronta ko siya pero ibinalik niya lang sa akin ang sisi. Kasalanan ko daw na nasa ganoon kang sitwasyon."

Her mother took a deep breath after a long period of talking. Mabilis na itong mapagod sa pagsasalita. Hindi niya akalain na ganito ang kondisyon ng ina. Maayos naman ito noong bago siya umalis ng bansa ngunit hindi naman sila madalas na magkita noon.

Her Secrets, His LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon