Naawa naman ako dahil may exam pala tapos hindi ko siya kinakausap. Baka mawalan ng motivation ang person sa exam niya kung hindi ko pa siya kakausapin. Parang magiging kasalanan ko pa.
Kinikilig ako habang nasa library na naman kami para gumawa ng report. Wala nang katapusan talaga ang mga ganito. Minsan sabay-sabay pa kaya nakakaloka. Today is different dahil gustong-gusto ko nang matapos ang araw at inspired ako.
After my last class, lumabas agad ako sa room. Kasama ko si Lalaine na nasa tabi ko habang naglalakad kami pababa ng building. Ang atensyon niya ay naroon sa kanyang cellphone.
“Sasama ka ba sa amin, Telle?” She giggles while fixing her hair. May suot siyang make-up at putok na putok ang blush on.
Umangat ang kilay ko dahil hindi maintindihan kung para saan iyong bungisngis niya. Kinikilig? In fairness, hindi bagay sa kaniya ang kiligin. Ang shonget.
“Saan naman?”
“I’m going to eat with Santino outside,” she replied sweetly. “Sama ka ba? Sama ka na.” Hinawakan niya ang braso ko at bahagyang inuga.
“Yuck.” Umirap ako. “May date kami ni Nectarine mgayon, tapos isasama mo ako sa paglabas niyo ni Santino?”
Nagliwanag ang mukha niya sa sinabi ko. Parang may biglang naisip. “Lalabas din pala kayo ni Nectarine, edi sasama na lang kami ni Santino para double–”
“Huwag mong subukan, masisira ang buhay mo,” mabilis kong putol sa kaniya. I don’t like her idea. Ayaw ko sa double date.
“Ay, arte!” She rolled her eyes at me and grabbed back her hands from my arm. “Dalian mo na, Shantelle. Double na lang, ganoon din naman iyon, e!”
Umiling ako habang nakatikom ang bibig. Kahit iuntog niya ang ulo niya sa sahig, hindi ako papayag sa gusto niyang mangyari.
“Ayoko. Alone time ang gusto ko with Nectarine. Tingin mo ba ay malalandi ko siya kapag nasa paligid kayo ni Santino?”
Hindi ko siya malalandi dahil maco-conscious ako sa tao sa paligid namin. At hindi rin ako lalandiin ni Nectarine kapag kasama namin sila.
“Bakit, nilandi mo nga siya noong nasa bar tayo, so ano pa ang inaarte mo? Nakita ko kayong naghahalikan doon. Public place pa ‘yon, nalandi mo naman siya–”
“Tumahimik ka, magkaiba ang ngayon sa dati,” sabi ko. “Mas maganda nga ‘yong kayo lang ni Santino para magawa niyo ang mga gusto niyo.”
Sa quadrangle ang daan namin ni Lalaine. Nakita ko agad doon si Mirna na kasama ang mga kaibigan niya. Nanigas ang taong nasa tabi ko nang inangat ng babae ang tingin at kaagad kaming nakita.
Nagsalubong ang kilay ni Mirna. I didn’t look away. Pinanood ko ang reaksyon niya habang nakatingin siya kay Lalaine na nagbaba nang tingin. Her eyes sharpened when she saw my friend. Ang mga kaibigan niya ay napatingin na rin sa amin.
“Fuck…” Lalaine mumbled when Mirma stood up. Matalim ang mga matang naglakad siya palapit sa amin.
“Mirna!” Her friends called her but she continues walking across our paths.
Galit ang mukha ni Mirna. It probably triggers her when she saw Lalaine. Wala naman na akong alam sa mga nangyayari sa kaniya. I decided not to put my nose in their issues.
I thought she would do something unconventional, pero dumaan lang siya sa gilid ni Lalaine. Nagsalubong sila at nakita ko noong bumuka ang kanyang bibig.
“You will never be happy. You’re gonna feel the same pain you made me feel,” that was Mirna’s remarks.
Ganoon talaga ang buhay. May mga taong hindi papayag na sila lang ang nasaktan. May mga taong hihilingin na maramdaman din ng mga taong nanakit sa kanila ang sakit na dinulot nila. Mayroon din namang mga tao na mas pinipili na lang na kumapit sa tinatawag na ‘karma’.
BINABASA MO ANG
Later It Ends (Alimentation Series #3)
Ficción GeneralALIMENTATION SERIES #3 Broken family, a manipulative mother, guilt tripper sibling, criminal father, and a cheating boyfriend. Shantelle was so unfortunate to have those in her life. For all she knows, she was really unlucky. And even though her lon...