Hindi ko maiwasan na hindi pagmasdan si Emmanuel habang kumakain. Seryoso ang kanyang mukha, sa plato lang ang tingin at tahimik na kumakain kaya malaya ko siyang mapagmasdan. Nanibago ako sa kilos niya ngayon. Nalilito kung bakit bigla siyang naging mabait. Kaya sulitin ko muna ang ganitong pagkakataon dahil baka bukas ay balik na naman siya sa dati niyang pagtrato sa akin na parang isang hangin.
Sa loob ng isang buwan na pagsasama namin hindi ko parin kilala ang tunay na isang Emmanuel Montefalco. Bukod sa hindi maganda ang trato niya sa akin ay wala na akong ibang alam kung ano at sino talaga siya.
Ang sabi sa article na nabasa ko isa siyang mafia, kaya siguro hindi kami mapag-abot dalawa noong mga nakaraang araw dahil baka busy siya? At ngayon lang siya may free time kaya napa aga ang uwi niya. Totoo ba talaga na isa siyang mafia? O, baka sabi-sabi lang para may maisulat na article. Hindi rin naman kasi ito sinagot ni Emmanuel.
Nang matapos akong kumain ay siya na ang nagligpit ng pinagkainan ko. Hindi niya ako hinayaan na humawak ng plato para dalhin iyon sa lababo. Siya na rin ang naghugas. Hindi na ako nakipagtalo sa kanya dahil nagugustuhan ko ang ginagawa niya. Pumasok nalang ako sa kwarto. Nagpalit ng damit at humiga sa kama. Ipikit ko na sana ang aking mata nang pumasok siya, may dalang isang baso na tubig at gamot.
"Inomin mo 'to bago matulog," ani nito at inilapag sa lamesa ang baso at gamot na dala.
Muli akong bumangon at ininom ang gamot na bigay niya. Is he really care to me? Baka pakitang-tao niya lang ito dahil binabantayan kami ng ama niya. Gusto kong humingi ng assurance kung ano ba ako sa buhay niya ngunit natatakot ako sa maaaring isagot niya. Pagkatapos kong mainom ng gamot ay lumabas siya bitbit ang baso na ginamit ko at hindi na siya muling bumalik hanggang sa nakatulog ako.
Nagising ako sa subrang ginaw. Pagmulat ko nasa tabi ko na si Emmanuel, mahimbing na natutulog. Pinakiramdaman ko ang aking sarili, ang init ko, nilagnat ako at subrang bigat ng katawan ko. Kahit ang bumangon ay hindi ko kaya, nahihilo ako, nasusuka. Kaya nanatili nalang akong nakahiga pilit kinakaya ang lamig na naramdaman.
Siniksik ko ang sarili ko sa kanya baka sakali na maramdaman niyang mainit ako at giniginaw ngunit hindi man lang siya gumalaw. Gusto kong yakapin niya ako, alagaan dahil masama ang pakiramdam ko ngunit hindi siya natinag sa kanyang pagkahiga. Kahit gumalaw ay hindi niya ginawa. Bago pa tumulo ang luha ko tumalikod na ako sa kanya at dumistansya, niyakap ko ang unan ko, pinigilan na humikbi at hinayaang tumulo ang aking mga luha. How ruthless he is.
Akala ko tuloy-tuloy na ang pagiging mabait at maalaga niya sa akin kanina pero nabigo ako dahil totoo nga ang akala ko na pakitang-tao niya lang iyon dahil may nakamasid sa amin na tauhan ng kanyang ama.
Ramdam ko na ang mataas na ang sikat ng araw ngunit hindi ko magawang bumangon, nahihilo parin ako at parang mimamartilyo ang ulo ko. Mabuti nalang at sabado ngayon wala akong trabaho. Natulog nalang ako ulit dahil wala namang Emmanuel na mag-aalaga sa akin kapag bumangon ako.
Hindi ko alam kung ilang oras na akong nakatulog ulit, nagising lang ako ng makarinig ng ingay sa labas. Agad akong bumangon nang makilala ang boses na iyon. Ano ang ginagawa ni Senyor David dito?Hindi paman ako tuluyang nakabangon nang bumukas ang pinto at iniluwa doon si Emmanuel kasama ang kanyang ama.
"Huwag ka nang bumangon, iha," ani nito nang makita ako na bumangon." Kamusta ang pakiramdam mo? Sabi ni Emmanuel may lagnat ka raw," nag-alala na tanong nito.
Tumingin ako kay Emmanuel. Nakatayo siya sa likod ng ama. Walang emosyon ang mukha habang ang kanyang kamay ay nasa loob ng bulsa ng kanyang suot na pajama.
Kinuha ko ang kamay ng Senyor at nag mano, pagbigay galang dito.
"Maayos na ho ang pakiramdam ko Sir," ani ko kahit ang totoo subrang bigat parin ng pakiramdam ko.
Ito ang ikalawang beses na pagkikita naming dalawa ng kanyang ama simula noong kinasal kami ni Emmanuel kaya nagtataka ako kung bakit siya nagpunta rito. Para alamin mismo kung sinunod ba ni Emmanuel ang nais niya?
"Ipaghanda mo ng makakain ang asawa mo Emmanuel baka mabinat."
Agad namang sinunod ni Emmanuel ang ama na walang reklamo.
"Tatawagin nalang kita kapag luto na," kaswal na saad ni Emmanuel sa akin .
Nanigas ako sa aking kinaupuan nang halikan niya ako sa noo sa harap ng ama niya bago lumabas ng kwarto. Ramdam ko ang pagbilis ng tibok ng puso ko at lalong uminit ang magkabiglang pisngi ko sa ginawa niya. What was that? Another pakitang-tao para isipin ng kanyang ama na may progress na kaming dalawa?
Matamis ang ngiti sa labi ng Senyor na tumingin sa akin." I didn't know na ganoon pala ka showy ang anak ko," bakas sa mukha nito ang hindi makapaniwala." Fix your self para makakain kana."
Para akong kumbolsyonin. Kahit nahihilo ay pilit kung tumayo at pumunta ng banyo para maghilamos ng mukha. Napamura ako sa aking isipan ng makita ko ang itsura ko sa harap ng salamin. Sabog ang buhok na parang sinabunutan ng pitong demonyo. Malaki ang eye bags dinaig pa si panda at may bakas ng laway pa ang kaliwang labi ko ,na natuyo na.
Nakakahiya. Mabilis na sinuklay ko ang aking buhok at naghilamos ng mukha. Gustuhin ko mang maligo ngunit giniginaw ako at pinilit ko lang ang sarili ko na maging maayos sa harapan ng mag ama. Nagbihis ako ng damit. Long sleeve ang damit na sinuot ko at nag leggings para kahit papano ay hindi ako giginawin. Baka mahalata nila na hindi ako okay. Sakto tapos na akong magbihis nang pumasok si Emmanuel sa kuwarto.
"Kakain na," kaswal na saad niya at inalalayan ako.
"Kaya ko," mahinang usal ko nang hawakan niya ako baywang at pinulupot ang kamay doon.
Hindi niya pinansin ang sinabi ko at humakbang kaya napahakbang narin ako dahil hawak niya ako. Hanggang sa makaupo ay nakaalalay parin siya nagpapakitang gilas dahil nakatingin ang ama niya kaya hinayaan ko lang siya sa ginagawa niya. .gusto ko rin naman.
Hindi ko inakala na marunong pala magluto si Emmanuel. Kaldereta ang niluto niya at may mushroom soup para sa akin. Wala akong gana kumain. Hindi ako natatakam kahit na siya pa ang nag luto. Bilang respeto pilinit kung kumain kahit pa ayaw itong tanggapin ng sikmura ko.
"Dinala ko pala ang mga wedding pictures ninyo kaya ako narito," saad ni Senyor sa kalagitnaan ng aming tanghalian. "Hindi man lang kayo dumalaw sa bahay simula noong ikasal kayo," may pagtatampo sa tinig ng senyor." Sa birthday ko ay huwag mong kalimutan na pumunta Emmanuel."
"Yes, dad. Of course pupunta kami."
Muntik na akong mabulunan ng lumingon siya sa akin. Itatanong ko sana kay senyor kung kailan ang kaarawan niya ng biglang humilab ang sikmura ko. Shit! Naduduwal ako. Bago pa ako masuka ay dali-dali akong tumayo at tumakbo sa lababo at isinuka ang lahat ng kinain ko.
Hindi ko namalayan ang presensya ni Emmanuel nang makalapit siya. Hinahagod niya ang likod ko sa tuwing duduwal ako. Naluluha na ang mata ko sa kakasuka, ang pait sa lalamunan at mas lalong sumakit ang ulo ko. Nagmumug ako pagkatapos kung isuka ang lahat ng kinain ko at pag-angat ko ng aking ulo biglang umikot ang paningin ko.
"Nahihilo ako," saad ko bago nawalan ng malay.
Nagising ako ng maramdaman ang mabigat na bagay na nakadagan sa tiyan ko, pagmulat ko ang nakapulupot na braso ni Emmanuel ang nakita ko. Nakatagilid siya paharap sa akin, nakayakap ang isang braso sa baywang ko at nakatanday ang isang paa niya sa akin. Ginawa akong hotdog pillow. Kinapa ko ang noo ko may basang towel na nakapatong doon. Gusto kong umiyak sa saya dahil inalagaan niya ako pero nang maalala ko na nandito ang ama niya gusto ko siyang gisingin at sabihing tapos na ang palabas niya.
Pero ang rupok ko pagdating sa kanya. Kaya habang tulog siya ,habang nagpapanggap pa siya susulutin ko muna dahil kahit sa ganitong paraan maramdaman ko naman na may pakialam siya. Kahit saglit, kalit ilusyon lang maramdaman ko lang na mahal niya rin ako.
Muli kong ipinikit ang aking mata at dinadama ang init ng katawan niyang nakayakap sa akin. Hindi ako gumalaw baka magising siya at kumawala ng yakap sa akin. Sana darating ang araw na yayakapin mo ako ng walang dahilan. Aalagaan ng kusa at mamahalin ng malaya.
BINABASA MO ANG
My Ruthless Mafia Husband [COMPLETED]
Ficção GeralR-18. Not suitable for young readers. Debbie Mae Layson, ang babaeng naghahangad na mapansin at makita ng lalaking pinagpantasyahan niya sa magazine; si Emmanuel Montefalco. Ngunit sa hindi inaasahan, dahil sa dare ng kanyang kaibigan na akitin...