Chapter 12

1.6K 36 0
                                    

Maayos na ang pakiramdam ko pagkagising ko kinaumagahan. Magaan na ang pakiramdam ko. Hindi na ri masakit ang aking ulo. Hindi na ako nahihilo at wala na ang pananakit ng katawan ko pero ramdam ko parin na may kaunting pamamaga pa sa maselang parte ng katawan ko. Bumangon na ako at naligo. Wala si Emmanuel siguro nasa trabaho na siya. Pakanta-kanta pa ako habang naliligo, wala lang ang ganda lang ng mood ko.

Linggo ngayon at wala akong trabaho, kung katulad lang ng dati siguro nasa galaan na kaming tatlo ni Cathalea at Ashnaie na miss ko tuloy silang dalawa matagal na rin ang huli naming pagkikita. Na miss ko ang asaran at kulitan naming tatlo. Ang mag food trip. Mag shopping tapos libre ni Ashnaie. Sa next weekend surprisahin ko silang dalawa sa trabaho nila gusto kong makabawi sa mga araw na hindi ko sila kasama.

Pa kanta-kanta parin ako hanggang makalabas ng banyo. Wala akong dala na extra towel at ang towel na pinang punas ko sa basa kong katawan ay pinulupot ko sa basa kong buhok. Mag isa lang naman ako kaya okay lang kahit mag hubad akong nakarampa dito sa loob ng bahay.

"Why aren't you wearing any clothes? Paano kung may ibang tao dito hindi mo ba naisip 'yon?"

Napatalon ako sa gulat hawak ang dibdib ko sa subrang kaba nang marinig ang malalim at malamig na boses ni Emmanuel. Nang lumingon ako sa kanya, bahagyang naka kunot ang kanyang noo at seryoso ang mukha na nakatitig sa hubad kong katawan, tumabingi ang kanyang ulo ng takpan ko ang dibdib ko. Shit! Pero kita naman ang pempem ko. Binuksan ko ang aparador at basta nalang humugot ng damit doon at nagmadaling isuot. Alanganin akong tumingin sa kanya na humihingi ng pasensya dahil damit pala niya ang nakuha ko.

"Are you pregnant?"

Napa awang ang aking labi sa tanong niya. Napakurap ako ng ilang beses dahil nagulat ako sa tanong niya sakin.

"Anong buntis? Hindi ako buntis," agad na sagot ko ng makabawi sa pagkabigla. " Kung inakala mo na buntis ako dahil sa pagsuka ko kahapon. .hindi ako buntis. Subrang sama lang talaga ang pakiramdam ko kahapon at hindi ako kumakain ng mushroom soup."

" Make sure that you didn't pregnant kung ayaw mong parehas kayong mabura dito sa mundo." mariin nitong sabi, naka igting ang panga.

Bigla akong pinanlamigan ng kamay sa huling sinabi niya. Is he really a mafia. Nagawa nga niya akong pagbantaan siguro kaya rin niyang pumatay. Ganyan ang gawain ng isang mafia ang walang takot na pumatay sa mga taong kumakalaban sa kanila.

Pero bakit naman ako matatakot sa banta niya, sa kanya ko lang naman isusuko ang sarili ko ng paulit-ulit kahit pa sa marahas na paraan.

At paano ako mabuntis kung sa unang talik namin sa labas niya ipinutok. Anong klaseng utak meron siya at ganon ang tanong niya?

Pinalitan ko ang damit na suot ko at ibinalik ang damit niya. Akala ko umalis siya hindi ko naman alam na nandito pala siya at ayaw mag trabaho, sana nag inform siya para naman hindi niya makita ang hubad kong katawan. Tsskk. Kung maka asta parang hindi niya nakita ang katawan ko at saka sino naman ang papasok dito, wala naman siyang kapatid para basta nalang bumisita dito.

Lumabas ako ng silid nang makaramdam ng gutom. Alas diyes na pala, hindi na'to umagahan, brunch na'to. Ano kaya ang lulutoin ko ngayon? Natigil ako sa paglakad nang makitang may nakahain na agahan sa lamesa. Isang himala na nagluto ang isang Emmanuel Montefalco. Kagat ko ang loob ng aking pisngi upang pigilan ang mapangiti.

Tumikhim ako upang kuhanin ang atensyon niya. Nakatalikod siya sa akin, nagsasalin  ng juice sa baso na bitbit niya.

"Nandito si dad kanina, kinakamusta ka. Naparami ang luto ko akala ko dito siya kakain," saad niya nakatalikod parin sa akin. " Ubusin mo yan."

My Ruthless Mafia Husband [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon