Chapter 13

1.6K 39 1
                                    

Buong maghapon hindi ako lumabas ng kwarto. Dinamdam ko parin ang sinabi ni Emmanuel. Ewan ko ba, naging emosyonal ako pagdating sa kanya. Bawat salita niya masakit sa akin. Tagos sa puso . Pero kahit ganon, ang puso ko iniibig parin siya. Hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit minamahal ko parin siya sa kabila ng hindi maganda na trato niya sa akin.

Hindi ako nag tanghalian dahil busog pa ako sa dami ng kinain ko kanina, ewan ko kay Emmanuel kung ipinagluto ba niya ang sarili niya. Alas dos na ng hapon, buryong-buryo na ako dito sa loob ng kuwarto. Gusto ko sana magsulat pangtanggal ng pagka buryo pero natatakot ako baka bigla nalang pumasok si Emmanuel dito. Alam ko naman na wala siyang pakialam pero baka malaman niya na kumuha ako ng bond paper sa office niya, sabihan pa ako ng masama dahil pumasok ako doon nang hindi nagpapaalam.

Napilitan akong lumabas ng makaramdam ako ng pagka uhaw. Ang tahimik ng bahay parang walang nakatira. Pagdating ko ng kusina walang bakas na nagluto si Emmanuel doon. Hindi siya kumain? Hapon na ah. Baka nagpa deliver. Uminom ako ng tubig dahil iyon naman ang pakay ko ngunit hindi ako mapakali kung nakakain na ba siya o hindi pa. Na konsensya  ako. Inubos ko pa naman ang ulam at kanin na niluto niya kaninang umaga.

Kahit natatakot na mabulyawan ay kinatok ko siya.

" Manuel, kumain ka na ba?"

Saad ko nang katokin ko ang opisina niya. Ngunit hindi siya sumagot kaya kumatok ako ulit ngunit naka limang tawag na ako ay hindi niya parin ako sinasagot kaya napilitan akong  buksan ang pinto.

"Manuel, kumain ka-,"

Natigil ako sa pagsalita nang makita ko siyang naka sandal sa upuan sa harap ng kanyang mesa. Ang kanyang paa ay nakapatong sa ibabaw ng mesa ang kanyang kamay ay naka cross na nakapatong sa kanyang dibdib ,nakatingala ang ulo at nakapikit ang mata. Natutulog pala siya kaya pala hindi niya sinagot ang tawag ko. Sinara ko pabalik ang pintuan at kibit-balikat na bumalik sa kusina para magluto.

Pagbukas ko ng ref chicken breast nalang ang mayroon doon, sawa na ako sa adobong manok at nag crave ako ng pancit guisado kaso wala kaming pansit at sotanghon lang mayroon kami kaya iyon nalang ang ginawa kung pansit. Hiniwalay ko ang buto ng manok at pinakuluan, gagamitin ko iyon pangsabaw mamaya. Ang laman ay hiniwa ko ng maliliit , nag hiwa narin ako ng mga ingredients na gagamitin ko, mabuti nalang at may kalahating replyo pang natira at karots.

Matapos kung mahiwa lahat inumpisan ko na ang pagluto ng sotanghon pansit ala Debbei. First time ko magluto nito pero nakita ko na ito sa youtube dati kaya alam ko kung paano lutuin. Parang nagluto ka lang ng pancit kaya lang sotanghon ang gamit ko. Masarap naman ako magluto kaya nasisiguro ko na perfect itong niluto ko. Sakto tapos na akong magluto lumabas si Emmanuel ng kwarto, magulo ang buhok halatang bagong gising.

"Nagluto pala ako, kumain ka muna ," ani ko nang kumuha siya ng tubig sa ref at uminom." Ano gusto mong i pares toasted bread or kanin?" dagdag na tanong ko.

"I can handle myself, hindi mo kailangan na pagsilbihan ako," kaswal na saad niya pero parang tinik iyon na bumara sa lalamunan ko.

'Pagsilbihan kita dahil asawa kita at responsibilidad ko iyon.' Gusto ko sanang isatinig ngunit pinili ko nalang na tumahimik.

"Soryy,"  nahihiya na ani ko hindi makatingin sa kanya." Wala na pala tayong stock, mag grocery ako," pag-iba ko ng usapan.

Nag sandok siya ng kanin at inilapag sa mesa. Umupo siya doon at nilagyan ng pansit at kanin ang plato na nasa harapan niya. Nakatayo lang ako sa gilid pinagmamasdan ang bawat galaw niya. Napakislot ako nang umangat ang tingin niya sa akin.

"Eat," utos niya." Sabay na tayo mag grocery."

Para akong isang bata na binigyan ng karapatan na kumain. Walang salita na umupo ako sa harapan niya at nag sandok ng ulam. Kung anu-ano na naman ang dahilan ang pumasok sa isip ko kung bakit sasama siya sa akin sa  pag grocery, pwede naman na ako lang. Minadali ko ang pagkain, excited na ako mag grocery kasama siya.

Blouse na itim, jogging pants na itim at tsinelas  na itim. Iyan ang suot ko papunta sa shopping mall na pagmamay-ari ni Emmanuel para mag grocery. Doon ko lang napansin na purong itim pala ang suot ko nang makapasok na ako sa kotse, mag bihis sana ako ulit dahil parang sa burol ang punta ko sa kulay ng damit na suot ko ngunit baka ma bulyawan ako ni Emmanuel. Hinayaan ko lang ang suot ko tutal ang pag grocery naman ang ipinunta ko.

Pareho kaming tahimik hanggang makarating kami. Naka buntot lang ako sa kanya parang isa akong alalay na isang taon walang sahod dahil sa postura ko. As usual, binati siya ng mga empleyado niya at tango lang ang isinukli niya, hindi man lang ngumiti kahit peke.

Dumistansya ako ng kaunti sa kanya, nahihiya ako baka may medya dito dahil bilang lang sa daliri kung magpakita si Emmanuel sa mga tao. Baka kumalat pa ang litrato niya na nakabuntot ako, isipin ng mga tao isa akong stalker. .stalker naman talaga ako ni Emmanuel pero dati iyon, hindi na ngayon dahil asawa ko na siya. Hindi ko na kailangan pumunta sa kung saan para hagilapin siya dahil nasa iisang bahay lang kami.

"Good evening, Sir."

Bati ng mga empleyado sa kanya nang makapasok kami sa grocery store. Kumuha ako ng push cart at nagtungo sa mga hilera ng sabon.
Nagulat ako nang may nag lapag doon ng mens shampoo. Pag angat ko ng tingin si Emmanuel pala. Napalingon pa ako sa paligid baka mayroong paparazi na naka aligid sa amin. Baka kumalat ang litrato ko at sabihin ng makakita na stalker ako. .well stalker niya naman talaga ako pero dati 'yon hindi na ngayon. Syempre, dahil asawa ko na siya.

"Bilhin mo na ang lahat ng gusto mong bilhin , wala ako ng tatlong araw  baka maubos ang supply mo wala kang kasama para mag grocery , "ani nito sa nasa bilihin ang tingin.

Gusto ko sana itanong sa kanya kung saan siya pupunta at kung bakit tatlong araw siyang mawawala ngunit itinikom ko na lang ang aking bibig dahil wala naman akong karapatan para tanongin siya. Siguro sa girlfriend niya. Bebe time, ganon.

Nawalan ng lakas ang buong katawan ko, nanghina ako sa sariling naisip. Nawala tuloy ang excitement ko sa pag grocery. Hindi rin ako natakam sa mga chocolate na dati ay gusto kong matikman. Nawalan ako ng gana kaya hinayaan ko nalang si Emmanuel sa pamimili tutal ulam lang naman ang ipinunta ko dito.

Nang makita ko ang hilera ng stick-o kumuha ako ng isang bote, ube flavor. Ngunit ganon nalang ang panlaki ng mata ko ng inilagay lahat ni Emmanuel sa cart namin ang iba't ibang flavor ng stick-o.

" Manuel, tama na itong isa", awat ko sa kanya ngunit hindi siya nakinig.

" Kumuha ka ng gusto mo, hindi naman ikaw ang magbabayad, bakit nagtitipid ka? "

Kaswal na ani nito. Hindi ko na lang siya sinagot dahil baka saan pa umabot ang usapan namin. May pahintulot na ako galing sa kanya, kaya lahat ng gusto ko ay inilagay ko sa cart. Hinayaan nila lang ako at tahimik na tinutulak ang cart na sumusunod sa akin. Nahihiya na tumingin ako sa kanya ng mapuno ang cart na tulak niya. Sabi niya kasi 'fell free' kaya nilubos ko na baka hindi na maulit at saka libri to, mahirap tanggihan.

Tumawag siya ng bagger man at pinadala ang cart sa counter. Kumuha siya ng panibagong cart para sa iba pang bibilhin namin. Tinubuan ako ng hiya kaya hindi na ako kumuha ng para sa akin. Dumiritso ako sa gulay dahil iyon naman talaga ang ipinunta ko dito. Kumuha ako ng gulay na sakto lang sa akin sa loob ng apat na araw. Ganoon din sa karne. Dinamihan ko ang frozen food dahil pansin ko na mahilig si Emmanuel doon. Bumili rin ako ng prutas dahil bigla akong nag crave ng homemade fruit salad.

Pagbalik ni Emmanuel, may bitbit na siyang basket na naglalaman ng mga canned food at drink's in can. Inilagay niya ang basket sa ibaba ng cart . Sakto at tapos narin ako. Papunta na kami sa counter ng may tumawag sa kanya na ikinanlamig ng buong katawan ko.

"Babe," ani ng babae at humalik sa pisngi ni Emmanuel. " Nandito ka pala."

Humapos siya sa braso ng lalaki na para bang wala ako sa harapan nila.

"Yeah. Grocery," kaswal na sagot ni Emmanuel.

Bago pa pumatak ang luha ko ay tumalikod na ako, tulak ang mabigat na cart papuntang counter.
Ang sakit. Alam ko naman na may mahal siyang iba pero nang makita ko silang dalawa sa harap ko na masaya parang tinusok ng pinung-pino ang puso ko.

Isa itong malaking sampal sa akin na kahit kasal kami iba naman ang laman ng puso niya dahil ako isa lang akong hangin sa paningin niya kapag kasama na niya ang babaeng mahal niya.

My Ruthless Mafia Husband [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon