Hindi ko alam kung saan sila nagpunta kaya matyaga ko siyang hinintay sa harap ng shawarma house dito banda sa exit. Nakaramdam ako ng gutom kaya nag order ako ng shawarma rice, may pera naman akong dala. Hindi ko siya tinext baka istorbo pa ako sa ginagawa nila kung gumagawa man sila ng milagro ngayon. Sa halip ng send ako ng picture ng grocery ko sa group chat naming tatlo.
SPOILED.
Caption ko sa picture na sinend ko. Online silang pareho ngunit hindi nila tiningnan ang mensahe ko. Napanguso ako na ibinaba ang cellphone ko at nagpatuloy sa pagkain. Ilang minuto pa akong nakaupo, ubos ko na rin ang order ko pero waka parin si Emmanuel. Isang oras na ah. May plano pa ba siyang balikan ako dito? Kasama niya lang ang girlfriend niya kinalimutan na ako.
Matyaga ko siyang hinintay kahit namamanhid na ang puwet ko sa kakaupo ngunit dalawang oras na wala parin siya. Ubos na ang pasensya ko. Buntong hininga na tumayo ako at nagpasyahan nalang na maunang umuwi. Pakiramdam ko bumalik ang lagnat ko sa konsumisyon ngayong gabi.
"Kuya," tawag ko sa bagger na inutusan ni Emmanuel kanina.
Patakbo siyang lumapit sa akin." Bakit, ma'am?" ani nito nang makalapit.
"Pasuyo nito sa labas," tukoy ko sa tatlong karton na naglalaman ng pinamili ko.
"Pero wala pa si Sir, ma,am."
"Bigla kasing sumama ang pakiramdam ko kaya mauna nalang ako sa kanya at saka busy siya, ayoko distorbuhin."
Busy siya sa babae niya kaya nakalimutan niyang may isang Debie na nag e-exist.
Walang nagawa ang binata kundi ang sumunod sa akin palabas ng mall bitbit ang pinamili ko. Nag book na ako ng taxi kanina at sakto paglabas ko ay siya ring pagdating niya. Nagpasalamat ako sa binata nang maisakay niya ang tatlong karton sa likod ,mabigat pa naman iyon.
Napabuntong-hininga ako at kinapa ang dibdib ko na naroon parin ang munting sakit dahil sa nangyari kanina sa loob ng super market. Tiningnan ko ang cellphone ko, wala man lang text o missed call galing sa kanya. Talagang kinalimutan niya na kasama niya ako.
Nagpatulong ako kay manong drayber na ibaba sa tapat ng bahay ang pinamili ko dahil hindi ko iyon kayang buhatin. Pasalampak na umupo ako sa sofa nang maipasok ko ang lahat ng karton. Bigla akong nahilo sa bigat na binuhat ko.
8 pm na. Busog naman ako kaya hindi ko na kailangan magluto panigurado tapos na ring kumain si Emmanuel. Piniling ko ang aking ulo, ayoko muna siyang isipin dahil narito parin ang kirot sa puso ko dahil sa pag-iwan niya sa akin doon at hindi manlang nag update sa akin. Siguro hintayin ko nalang siya na maka-uwi.
Inayos ko ang pinamili namin habang hinihintay ang pag-uwi niya ngunit natapos nalang ako sa ginagawa ko ay hindi parin siya dumating.1 1 pm na at kanina pang 10 pm ang closing time ng shopping mall niya. Hindi naman sa nag-alala ako kasi alam ko naman kung sino ang kasama niya, nagbabakasakali lang ako na kahit kasama niya ang babaeng mahal niya ay uuwi parin siya sa akin dahil ako ang kanyang asawa.
Akala ko, bago siya umalis ay makakasama ko siya pero dumating nalang ang araw ng pag-alis niya hindi siya umuwi sa bahay. .hindi siya umuwi sa akin. Ang paalam niya sa akin ay tatlong araw siyang mawawala ngunit dalawang linggo na akong naghihintay sa pag-uwi niya.
Hanggang sa pagtulog nanibago ako kahit dalawang gabi ko lang naman siya nakasamang magkatabi matulog sa kama. Sa tuwing gigising ako nilulukob ng lungkot ang puso ko. Miss ko na siya. Miss ko na ang presensiya niya. Na miss ko, na sa pagmulat ko siya agad ang nakikita ng aking mata. I missed my ruthless husband.
Kinabukasan, pinilit ko ang aking sarili na pumasok sa trabaho. Gusto ko lang manatili sa bahay at hintayin ang pag-uwi ni Emmanuel kahit walang kasiguraduhan na uuwi pa siya sa akin. Baka nakipagtanan na siya sa girlfriend niya at nagpakalayo-layo dito upang hindi sila matuntun ng kanyang ama.
BINABASA MO ANG
My Ruthless Mafia Husband [COMPLETED]
Aktuelle LiteraturR-18. Not suitable for young readers. Debbie Mae Layson, ang babaeng naghahangad na mapansin at makita ng lalaking pinagpantasyahan niya sa magazine; si Emmanuel Montefalco. Ngunit sa hindi inaasahan, dahil sa dare ng kanyang kaibigan na akitin...