Chapter 15

1.7K 36 0
                                    

Pinigilan ko ang sarili ko na yakapin siya sa pananabik. Nanatili parin akong nakatalikod sa kanya, hindi parin ako makapaniwala na bumalik na siya.  I swallowed hard bago humarap sa kanya. He is wearing a black long sleeve, nakatupi hanggang siko ang manggas. With black baston jeans and a Balenciaga shoes. Para siyang galing sa lamay sa suot niya.

Pinakatitigan ko ang kanyang seryosong mukha. Bahagyang nagkasalubong ang kanyang makapal na kilay. Binasa niya ang kanyang mapupulang labi at umiling na umiwas ng tingin sa akin. Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa makalapit siya sa pintuan ng apartment ko. Sinipat niya ang kandado .

"Ano bang mayroon dito at hindi ka nakikinig sa'kin na huwag ng babalik dito?"

Pormal na tanong niya at malakas na binaklas ang kadinang pinagkabitan ng kandado. Nanlaki ang mata ko sa gulat ng matanggal iyon. Paanong? Ganoon siya ka lakas?

"Aware ka ba na sa ilang buwan o taon mong nakatira dito, ganito lang kadali baklasin ang pintuan mo?"   ani nito at pumasok sa loob ng apartment ko.

Patakbo naman na sinundan ko siya sa loob. Maayos naman ang apartment ko, hindi naman ito makalat kaya ayos lang pero tangina, kinakabahan ako. Wala naman akong tinatago na masamang tao dito pero yung kaba ko daig ko pa ang suspect na ni raid ng pulis.

"So," napahinto ako ng bigla siyang humarap sa akin. "Bakit, balik ka ng balik dito?"

Napaatras ako nang humakbang siya palapit sa akin. Nakatingin lang ako sa seryoso niyang mukha at madilim ang tingin sa akin. Napalunok ako ng husto sa klase ng tingin niya na parang abot hanggang sa aking kaluluwa.

Hindi ko magawang sumagot sa kanya. Nahipotismo ako sa mga madilim na titig niya. Patuloy parin siya sa paghakbang palapit sa akin at umaatras naman ako hanggang sa mabundol ko ang kama kaya napatigil ako.

"A-ano.. may- Ahh!"

Hiyaw ko sa gulat nang matumba ako pahiga sa kama nang mawalan ako ng balanse sa muling  pag atras ko. Napapikit ako nang bahagya  akong tumalbog sa kama. Nahilo ako saglit. Pag dilat ko, nakapa-meywang siya, magkasalubong parin ang makapal na kilay ngunit malambot na ang tingin sa akin. Kinagat ko ang loob ng labi ko dahil ang cute niya. Magsalita na sana ako upang magpaliwanag kung bakit ako nandito ngunit tinalikuran niya ako at walang salita na lumabas.

Gusto ko siyang batuhin ng unan sa inis. Naiinis ako sa kanya. Ngayon nga lang ulit kami nagkita tapos magsusungit siya. Arghhh! Ang sarap mag dabog sa inis. Hindi man lang niya ako tinutulungan na tumayo. Sinubsob ko ang mukha ko sa unan at doon nagsusumigaw sa inis sa kanya. Natigil lang ako ng marinig ko ang bosena ng sasakyan niya. Padabog na tumayo ako at inis na lumabas sa apartment ko. Mabuti nalang at naayos ko pa ang pintuan ng apartment ko dahil kung hindi nagpupuyos na ako sa inis dito.

Sana all BMW. Fully tinted pa. Gamay ko na ang makipag-plastikan ng emosyon kaya binago ko agad ang awra ko bago pumasok sa loob  kanyang sasakyan. Hindi siya nagsalita kaya hindi rin ako umimik.

Itinuon ko sa labas ang tingin ko pilit binalewala sa sistema ko ang presenya niya. Gusto ko siyang hawakan. Kamustahin. Kung saan siya nagpunta, kung bakit ang tagal niyang umuwi. Gusto ko mag-usap kami. Gusto kong marinig ang boses niya. Ngunit hindi ako pwedeng mag demand dahil wala naman akong karapatan na mag tanong sa kanya.

Bigla akong inantok dahil mabagal ang pagpapatakbo niya, pipikit na sana ako nang may dumaan na motor sa gawi ko at nakita ko ang paghugot niya ng baril nito sa kanyang tagiliran at itinutok iyon sa akin. Sa akin nga ba? Ako ba talaga ang target nila o si Emmanuel?

Biglang tumigil ang pag-inog ng mundo ko at pakiramdam ko tumigil saglit ang paghinga ko nang tumama ang bala ng baril sa bintana ng nakasaradong sasakyan ni Emmanuel. Natamaan ba ako? Katapusan ko na ba? Natamaan rin ba si Emmanuel? Nabalik ako sa aking ulirat nang sunod-sunod na tumama ulit ang bala sa bintana. Walang tigil ang pagbaril ng lalaki na naka-angkas sa motor. Natigil lang siya nang huminto ang sasakyan namin at humarurot palayo ang motor.

Pakiramdam ko nawala ang lahat ng dugo ko sa subrang takot at kaba. Subrang lakas nang kabog ng puso ko. Nanginginig ang kamay ko. Nilingon ko si Emmanuel. Mahigpit ang kapit niya sa manibela. Sa papalayo na motor ang kanyang tingin. Naka-igting ang panga at madilim ang tingin.

"Manuel," mahinang tawag ko sa pangalan niya." Ayos ka lang? Tinamaan ka ba? May masakit ba sayo?" Nanginginig ang boses na tanong ko sa kanya.

Baka may tama siya kaya siya huminto. Shit! Anong gagawin ko? May ka away ba siya? Kilala niya ba ang bumaril sa amin? May gustong pumatay sa kanya.

Napatakip ako sa aking bibig. Baka si papa iyon. Baka alam niya ang tungkol sa amin ni Emmanuel. Baka siya ang may pakana nito. Paano kung sinyales niya ito para puntahan ko siya?. Huwag naman sana. Huwag naman sana si papa ang may gawa nito dahil kung siya hindi ako magdalawang-isip na labanan siya gamit ang batas at hustisya.

"I'm okay. Bullet proof itong sasakyan ko."

Nakahinga ako ng maluwag dahil okay siya. Pero hindi parin nawala ang takot at kaba ko sa nangyari at sa posibilidad na may taong gusto siyang mamatay.. kami na mamamatay.

Muli niyang pinatakbo ang sasakyan. Mabilis na ito kumpara kanina. Wala siyang salita. Hindi niya ako kinamusta kung okay lang ba ako. Kung natakot ba ako. Kahit paliwanag man lang tungkol sa pamamaril na naganap ay wala siyang sinabi. Hanggang sa makarating kami sa bahay ay tikom ang kanyang bibig. Habang ako narito parin ang takot at kaba sa aking dibdib.

Safe naman dito sa village kaya nasisiguro ko na hindi kami nasundan noong namaril sa amin. Dumiritso ako sa kusina nang makapasok ako at uminom ng tubig. Dalawang baso na ang na ubos ko ngunit hindi parin bumabalik sa normal ang tibok ng puso ko.

Muntik na akong masamid nang pumasok si Emmanuel at nagsalin rin ng tubig sa baso. Bigla pa siyang natigilan nang makita na puno parin ang food storage namin ngunit hindi siya nagtanong sa akin. Pumasok rin siya kaagad sa kwarto pagkatapos. Napabuntong -hininga ako. Back to normal na naman kami.

Parang wala lang sa kanya ang nangyari kanina. Pagpasok ko ng kwarto ay naka pantulog na damit na siya at nakadapa na humiga sa kabilang bahagi ng kama. Buntong-hininga na nilapag ko ang bag ko sa mesa at pinatay ang ilaw at dahan-dahan na humiga sa tabi niya ngunit may distanya sa pagitan naming dalawa.

Mula sa sinag ng ilaw sa labas na tumatagos sa bintana, pinakatitigan ko ang kanyang likuran. Gusto ko iyang hawakan. Haplusin ang kanyang mukha. Yakap habang mahimbing  ang tulog ng isa’t isa ngunit kahit dulo ng buhok ko ay ayaw niyang hawakan na para bang may nakakahawa akong sakit na ayaw niya akong madaplisan.

Husband, who shared your thoughts, problems. Tagapagpakinig . Pero paano kung siya mismo ayaw na kausapin ako?Gaya ng dati para lang akong hangin sa paningin niya. Para sa kanya hindi nag e-exist ang isang Debbie Mae Layson.

Kinabukasan, paggising ko ay wala na siya sa kama pero narito pa ang bag niya na lagi niyang dinadala sa trabaho, siguro hindi siya papasok. Bumangon na ako at naligo. Sa loob ng banyo narin ako nagbihis dahil baka bigla na naman siyang pumasok sa loob at ma abutan akong walang saplot baka sabihin na sinasadya ko.

Pagkatapos kung mag-ayos ay lumabas na ako. Wala si Emmanuel sa sala kaya baka nasa kusina naghahanda ng almusal ngunit napahinto sa tapat ng kwarto kung saan ang mini office niya nang marinig ko ang pagtaas ng boses niya. Mapait akong ngumiti nang marinig iyon.

“Someone wants to kill me, babe. No. Hindi false alarm ‘yon. Mabuti nalang at bullet proff iyong sasakyan ko. Yeah. I will. I love you, too.”

At hindi ko na narinig ang boses niya. Nagpaalam na siguro sa isa’t isa. Hindi natuloy ang pagpunta ko ng kusina, nawala ang gutom ko sa mga narinig ko. Bago niya pa ako maabutan ay umalis na ako ng bahay papuntang trabaho.

Habang naghihintay ng masasakyan, bumalantay ang kaba sa puso ko nang may dumaan na motor. Kanina pa ako naghihintay  ng masasakyan ngunit wala paring dumadaan. Kahit taxi o tricycle ay wala. Bumalik na naman ang motor. Hindi ako mapakali sa aking kinatatayuan. Namamawis na ang kamay ko sa kaba. Sa ikatlong balik niya may baril nang bitbit ang kasama niya at ganon nalang ang pagka-awang ng labi ko nang putukan niya ako ng baril. Tatlong putok bago nagpaharurot paalis. Nanginig ang kamay na kinuha ko ang aking cellphone at tinawagan ang kaibigan ko.

“Cath,” basag ang boses na sambit ko nang sagutin niya ito.” I was shot.”

Na ngangatal na usal ko bago dumilim ang paningin ko at nawalan ng malay.

My Ruthless Mafia Husband [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon