Chapter 16

1.7K 40 6
                                    

Pinakiramdaman ko ang aking sarili kung may masakit ba. Kung aling parte ng katawan ko ang masakit ngunit wala akong maramdaman kahit isa sa mga bahagi ng katawan ko. Patay na ba ako? Nasa langit na ba ako?

Dahan-dahan kong iminulat ang aking mata, tumambad sa akin ang puting paligid. Nasa langit na nga yata ako. Iginala ko ang aking tingin, pamilyar sa akin ang sky blue butterfly na kurtina at ang mabango na amoy na hinding-hindi ko makakalimutan.

Sinundan ko kung saan nanggaling ang amoy na iyon. . ang malapad at maskulado na balikat agad ni Emmanuel  ang nakita ko.  Nakatayo siya  sa harap ng bintana walang suot na damit pang itaas at  may kausap sa kanyang cellphone.

Ang kanyang kaliwang kamay ay nasa loob ng bulsa ng kanyang pajama na suot. Hinayaan ko ang sarili ko na titigan siya kahit likod lang ay ayos na.

“She’s okay, dad. Wala siyang tama ng baril. At sabi ng doktor baka dahil daw sa gulat kaya siya nahimatay.”

Nakahinga ako ng maluwag sa narinig. Si sir David pala ang kausap niya. Mabuti naman at wla akong tama ng baril. Sino naman kaya ang nangahas na takutin  ako?  Iyon rin ang motorsiklo na ginamit noong binaril ang sasakyan ni Emmanuel. Si papa kaya ang  may pakana nito? Pero hindi niya ito kayang gawin sa akin, na ang ipabaril ako dahil lamang sinuway ko siya.

Kailangan ko siyang makausap. Kailangan kong kompermahin kung siya nga ba nag may pakana nito dahil hindi ito biro kahit pa sabihing tinatok lang ako  o kaya warning niya dahil sa pagsuway ko sa kanya.

“Yes, dad. I will.”

Ipinikit kong muli ang aking mata ng matapos nilang mag-usap ng ama niya. Ayaw ko malaman niya na gising ako. Gusto ko kahit sandali maramdaman ko na nag-alala siya dahil  sa nangyari sa akin.

Gumalaw ng bahagya ang kama sinyales na humiga siya. Hinintay ko kung may gagawin siya sa'kin pero ilang minuto na ang nakalipas ay wala siyang ginawa. Kahit ang ayosin man lang ang kumot ko ay hindi niya ginawa.

Ganon lang ang pag dismaya ko nang pag mulat ko ay nakatagilid siya at nakatalikod sa akin. Mabigat na ang kanyang paghinga sinyales na tulog na siya.
Wala akong nagawa kundi ang titigan ang likod niya.

Kahit iyon lang ay ayos na sa'kin basta kasama ko siya. Katabi ko siya at nasa akin siya. Kahit gusto kong yakapin niya ako. Kamustahin. Hindi ko iyon ma demand sa kanya dahil una palang alam ko na wala akong karapatan.

Tipid akong ngumiti. Dahan-dahan na bumaba sa kasama. Nagugutom ako. Naghalungkat ako kung ano ang kainin ko ngayon. Hindi nagluto si Emmanuel at tamad na rin ako magluto. Kumuha ako ng cup noodles at iyon nalang ang kakainin ko.

Habang kumakain, napaisip ako kung bakit paggising ko nasa kama na ko. Kasi ang pagka-alala ko si Cath ang tinawagan ko. Kinuha ko ang cellphone ko at tiningnan kung tama ba na si Cath ang tinawagan ko ,ganon nalang ang panlaki ng mata ko ng hindi si Cath ang tinawagan ko kundi si Emmanuel. .si Emmanuel ang tinawagan ko.

“What the! Paanong naging Daddy Hubby ang pangalan niya sa contact ko?”

Hindi makapaniwala na sambit ko. Hindi ko matandaan na ito ang contact name na inilagay ko. Kaya  pala siya ang natawagan ko dahil magkasunod lang ang pangalan nilang dalawa. Kung ganon siya ang nagdala sa akin dito sa bahay at hindi siya nakapasok sa trabaho dahil binantayan niya ako hanggang gabi.

Umalon sa tuwa ang puso ko, may malasakit rin pala siya sa akin ayaw niya lang ipakita. Ehhh! Kinikilig ako. Tinapos ko na ang pagkain ko at bumalik ulit sa silid. Ganoon parin ang posisyon niya pagpasok ko. Dahan-dahan akong humiga ng patagilid paharap sa kanyang likod.

“Good night. I love you,” mahinang usal ko at pinikit ang aking mata.

____________

It was a long and tiring day. Pagod at nanghinina na ang katawan ko  pero sige parin ako sa pagtrabaho. Kulang nalang gawin kung 24 hours ang pagtrabaho para lang magkaroon ng malaking ipon dahil sa kakarampot na sweldo ko dito sa cafeteria.

My Ruthless Mafia Husband [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon