Chapter 17

1.6K 30 0
                                    

Hindi ko alam kung ilang minuto akong  walang malay, pag gising ko madilim na ang paligid at ang ilaw nalang mula sa poste ang nagsilbing liwanag namin. Nakahiga parin ako, same spot kung saan ako hinimatay. Napa iktad  ako sa gulat nang mapansin na nandito sa tabi ko ang babaeng pinagkamalan kong multo.

"Ang tagal mong nagising, feel na feel mo ang pagiging sleeping beauty, akala ko kailangan ko pa tumawag ng prince charming para hahalik sayo upang magising ka," nakangiwi na saad niya. " At saka hindi ako multo."

Alanganin akong tumingin sa kanya. " Bakit kasi ganyan ang suot mo? Puting bistida, ang putla mo pa." komento ko.

Bumuntong hininga siya." Nag extend ng hallowen ang pinagtrabahuan ko, hanggang katapusan kaya ganito ang ayos ko. Bakit ka nga pala na padpad dito? Ngayon lang may nagpunta sa lugar na'to. Gabi na, baka hinahanap ka na sa inyo. "

Naghurumintado sa kaba ang puso ko nang malamang gabi na pala. Baka nasa bahay na si Emmanuel.

" Naligaw kasi ako. Hindi ko alam ang daan pauwi. Alam mo ba saan ang daan papuntang Block C? "

"Lumiko  ka d'yan sa kaliwa,” turo niya dito.” Diritso tapos pa kanan, iyan na ang Block C. Hanapin mo lang kung saan ang bahay niyo since malayo na itong nilakaran mo baka abutin ka ng kalahating oras kung nasa unang kanto ang bahay niyo."

" Salamat. Pasensya sa abala, kailangan ko na talaga umuwi. "

" Babalik ka naman dito diba? "

Malungkot ang himig na tanong niya. Ginawaran ko siya ng tipid na ngiti at tumango.

" Hindi ako sigurado kung kailan pero pangako babalik ako. "

" Sige. Ingat pa uwi. "

Kumaway ako sa kanya at nagmadaling lumakad paalis. Kahit saglit lang kami usap naging magaan ang loob ko sa kanya. Na para bang may koneksyon kaming dalawa. Nakalimutan ko pala itanong kung ano ang pangalan niya. Hindi bale, babalik naman ako doon at sana mapag-abot kaming dalawa.

Lakad takbo ang ginawa ko, baka nasa bahay na si Emmanuel, magtataka iyon kung bakit ganitong oras ay wala parin ako. Baka ma bulyawan pa ako at kung anu-ano na naman ang sasabihin sa akin.

Hinihingal na ako sa kakalakad. Pagod na ako at na ngangalay na ang paa ko ngunit hindi ko parin nakita ang bahay namin. Hindi rin ako huminto kahit saglit natatakot na baka may biglang dumukot sa akin. Kahit pa sabihin na ligtas dito sa village hindi ko parin maiwasan na matakot dahil sa  nangyari sa akin noong isang araw.

Halos takbuhin ko ang bahay namin nang makita ko ito. Subrang lakas din ang kabog ng puso ko. Alam ko na walang pakialam si Emmanuel sa akin pero sa ganitong sitwaston hindi ko mapigilan ang kabahan.

Nakahinga ako ng maluwag nang wala pa ang sasakyan niya na nakaparada sa bahay. Ibig sabihin hindi pa siya nakauwi. Mabuti naman kung ganon. Pasalampak na umupo ako sa sofa, na alala ko na naman ang nangyari kanina. Kung paano ako ipahiya ni Nikkita sa maraming tao at kung paano umiba ang ekspresyon ni Emmanuel nang marinig na isa akong anak ng kurap na mayor.

Buntong hininga na tinungo ko ang banyo para maligo. Hindi na ako nag abala pang magluto, nakakain na siguro si Emmanuel bago umuwi, gabi na rin naman. At saka wala akong gana kumain, magsasayang lang ako ng pagkain alam ko naman na hindi siya kakain.

Saktong tapos na ako magbihis nang pumasok si Emmanuel, suot ang kanyang walang ekspresyon na mukha. Inilapag niya ang kanyang bag na dala na upuan at isa-isang hinubad ang damit na suot. Hindi ako umiwas nang tingin, pinagmasdan ko lang ang bawat galaw niya.

Napabuga ako ng hangin nang pumasok siya sa banyo. Hinintay ko siyang matapos. Ngunit hanggang sa humiga na siya sa kama ay wala akong salita na narinig mula sa kanya. Hindi niya man lang ba ako tatanungin tungkol sa mga narinig niya kanina doon sa cafeteria?

My Ruthless Mafia Husband [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon