Chapter 18

1.6K 30 1
                                    

Maaga akong nagising upang ipagluto ng almusal si Emmanuel. Gaya ng sabi ko kagabi pagsisilbihan ko siya bilang asawa niya. Pa kanta-kanta ako habang nagluluto, good mood lang at maayos ang gising ko. Hindi na baleng malaman niyang wala akong trabaho maipakita at mapiramdam ko lang sa kanya ang pagmamahal at pag-aruga ko.

Fried rice, scrambled egg, ham, tocino at black coffee. Ready na ang almusal niya ang kakain nalang ang kulang. Nang matapos kung maihanda ang agahan niya ay pumasok ako sa kwarto upang ipaghanda naman ang damit na susuotin niya.

"Manuel, anong susuotin mo, para maihanda ko na."

Ani ko habang tumitingin-tingin ng mga damit na posibleng isuot niya. Nasa banyo pa siya ngunit wala na akong naririnig na lagaslas ng tubig, tapos na siguro siyang maligo. Bahagyang umawang ang labi ko pagbukas niya ng banyo at iniluwa doon ang walang saplot niyang katawan.

"Kaya ko ang sarili ko," kalmadong saad niya at naglakad palapit sa akin. .sa mismong drawer niya kung saan ako nakatayo.

Napalunok ako at napatitig sa hubo't hubad niyang katawan. Dumiritso ang tingin ko sa kanyang ibaba. Lalo akong napalunok nang makita iyon. Hindi naman matigas pero malaki paano pa kaya kung. . tumalikod na ako nang maramdaman ang pamumula ng magkabilang pisngi ko.

Naka yuko ang ulo  ko na naglakad sa kabilang bahagi ng kama. Parang noong isang araw lang galit siya dahil naghuhubad ako after maligo tapos siya gawain niya rin pala. Pagsabihan ko rin kaya siya.

Hanggang sa makatapos siyang magbihis ay hindi na muling bumalik ang aking mata sa kanya. Gusto ko lang naman ihanda ang damit na susuotin niya tapos hubad na katawan niya ang madatnan ko. Pwede pahawak kahit one second lang? Ma feel ko lang kung gaano katigas.

Tumikhim ako upang kuhanin ang kanyang atensiyon.

"Uuwi pala ako sa apartment ko mamaya, kunin ko lang ang ibang gamit ko may-,”

"No need."

Putol niya sa dapat na sasabihin ko .Nilingon ko siya, tapos na siyang magbihis at inaayos ang bag na dadalhin niya.

"Wag ka ng mag abala na dalhin ang mga gamit mo dito dahil hind ka naman magtatagal na tumira dito," dugtong niya na nagpalito sa akin.

Anong ibig niyang sabihin? Tanongin ko sana siya  ngunit lumabas na siya ng silid. Nagmadali na sumunod ako sa kanya.

“Kumain ka muna, nakahanda na ako ng almusal,” ani ko na nakabuntot sa kanya palabas ng bahay.

“Wala akong oras para mag almusal,” malamig na tugon niya.

“Pero nakahain na iyon Manuel, kahit kaunti lang mag almusal ka muna,” pamimilit ko.

Maaga pa naman at saka siya naman ang boss kaya okay lang na ma late siya ng kaunti,ngayon lang naman.

“Bakit ba ang hirap mong maka intindi?” natigilan ako sa pagtaas ng boses niya.” Bobo na nga tanga pa.”

Hindi ko napigilan ang pag patak ng luha ko. Tinapunan niya ako ng malamig na tingin bago pumasok sa sasakyan niya. Ang sakit niyang magsalita. Gusto ko lang naman siya pagsilbihan bakit hindi niya ma-appreciate iyon? Hanggang sa makaalis siya nakatayo parin ako doon. Walang tigil sa pag agos ng luha ko.

“Habaan mo pa ang pasensiya mo Debbie, lawakan mo pa ang pag-unawa mo. Darating ang araw makuha mo rin ang loob niya.”

Papasok na sana ako sa loob ng bahay nang may pumarada na sports car na Mercedes-Benz sa tapat ng bahay namin. Nagsalubong ang kilay ko na tinitigan kung sino ang sakay niyon dahil medyo tinted ang salamin. Wala naman akong inaasahn na bisita. Umawang ang labi ko at patakbo na pumunta doon nang makilala ko kung sino ang sakay niyon.

My Ruthless Mafia Husband [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon